Mark's POV
Nagising ako sa alarm nang cellphone ko. Agad akong bumangon at tiningnan ang kabilang kama. Tulad ng inaasahan ko ay wala na ito sa kama nito. Kinuha ko ang cp ko at nag type.
Send to: Kieth
Good Morning:)Pagkatapos kong isend ang text ko ay tumayo na ako at pumunta sa banyo para makapag shower. Habang naliligo ay naalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para makapagtapat sa kanya. Parang sasabog na kasi ang puso ko kapag hindi ko pa sinabi sa kanya ang nararamdaman ko. Alam kong hindi pa sya handa, alam kong hindi pa nya nakakalimutan ang sakit na naranasan nya. Pero handa akonv maghintay. Hihintayin ko ang araw na bubuksan nya ulit ang puso nya. Hinhintayin ko sya.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay gumayak na ako para pumunta sa school. Tinungo ko na ang pinto at nakita kong may nakadikit sa doorknob. Binasa ko ito at hindi ko napigilang mapangiti. Kaya bago lumabas at dinoble check ko ang lahat ng ilaw saka tuluyang lumabas na ng dorm.
Pagkarating ko sa school ay nagkita kami ni Kenn sa cafeteria para magalmusal. 30 minutes pa naman bago ang first subject namin.
"Uy pre, so anong nangyari kagabi?" Napaubo naman ako sa tanong ni Kenn.
"A-ano na naman y-yang pinagsasabi m-mo" Tanong ko sa kanya matapos kong uminom ng tubig.
"Bakit? Anong masama sa tanong ko? " Sagot naman nya.
"W-wala. Nag-usap, kumain at natulog lang kami. Yun lang." Sagot ko sa kanya.
"Sure ka? Eh bakit ka nauutal?" Intriga pa nito.
"Tigilan mo nga ako Kenn. Dalian mo na, 15 minutes nalang mag-uumpisa na ang lecture natin." Sabi ko naman sa kanya.
Kaya dali-dali naming tinapos ang pagkain namin at pumunta na sa first subject namin. Pagkatapos ng dalawang oras ay natapos na rin ang lecture namin. May 20 minutes break kami bago ang second subject. Pumunta muna ako ng cafeteria para bumili ng softdrinks sa vendo machine. Naiwan naman si Kenn sa room namin na naglalaro sa cellphone nito. Habang nagtatalo ang isip ko kung ano ang gusto kong bilhin ay may tumapik sa balikat ko.
"Hi!" Bati nito sa akin ng nakangiti.
"Oh! Hi! Saphire ikaw pala."Bati ko sa rin kanya.
"Buti naman at nakita kita.Gusto lang sana kitang i-inform na sa susunod na araw na ang audition para sa Glee Club." Sabi nito.
"Ganon ba. Sige, sasabihan ko na rin si Kenn." Sabi ko sa kanya.
"Sige sige. Kitakits nalang. Bye!" Sabi nito at tuluyan nang umalis. Tama nga pala, kailangan ko nang magpractice para sa audition. Buti nalang at nauna ang schedule ng audition kesa sa try outs nang volleyball team.
Pagkatapos kong makabili ng coke ay bumalik na ako sa classroom namin. Binigyan ko ng coke in can si Kenn na busy pa rin sa kakalaro." Uy pre, nagkita nga pala kami si Saphire sa Cafeteria kanina." Sabi ko sa kanya. Agad naman nitong binitawan ang cellphone nito at tinuon ang pansin sa akin.
" Talaga?! Oh ano daw ang sabi?" Excited na tanong nito.
"Audition na raw ng Glee Club sa susunod na araw. So anong plano mo? " Tanong ko sa kanya. Bigla naman itong yumuko pagkatapos ng tanong ko.
"Pre, tulungan mo ako. Sa totoo lang wala talaga akong alam sa music eh. Ang alam ko lang ay makinig nito." Sabi nito na parang nanlulumo.
"Yan kasi, padalos dalos ka. Hahaha" sagot ko naman.
"Pre naman. Seryoso ako. Gusto ko talagang makapasok sa Glee Club para mas mapalapit kay Saphire. Na love at first ako sa kanya pre. Kaya please tulungan mo ako.Handa akong gawin ang lahat!" Sabi nito.
"Sige, papahiramin kita ng gitara ko. At tuturuan kita ng basics. Pero syempre hindi libre ang talent fee ko ha?" Sabi ko sa kanya.
"Salamat pre! Hayaan mo at lilibre kita kung saan mo gusto. Huwag ka rin mag-alala dahil fast learner naman ako." Sabi naman nito.
Tumango na lamang ako. Di nagtagal ay nagsimula na ang second subject namin.
Pagkatapos ng klase namin ay pumunta kami ni Kenn sa cafeteria para maglunch. Gaya ng inaasahan namin ay sobrang dami ng mga estudyante sa cafeteria. Kaya pumila na kami ni Kenn para makabili ng pagkain ay naghanap ng mauupuan.
Nang makahanap na kami ng bakanteng upuan ay nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay nahagip ng mga mata ko ang grupo nina Keith. Naghahanap rin sila ng mauupuan.
"Keith! Dito!" Tawag ko sa kanila. Napalingon naman silang apat sa direksyon namin. Magkakaiba ang naging reaksyon nola pagkakita nila sa akin. Si Kieth na biglang namula at napayuko na lamang, si Lester naman ay todo ngiti,sina Josh at Justin naman ay parang nanunukat ng tingin. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari. Kailangan ko nang maghanda para sa isang mahaba-habang interview sa mga kaibigan ni Kieth. Good luck nalang sa akin.Kieth's POV
Pagkatapos ng pangungulit at pangaasar nila sa akin ay nakardam na kami ng gutom. Kaya lumabas na kami ng library at tinungo ang cafeteria. Pagkatapos naming makaorder nang pagkain ay naghanap na kami ng mauupuan.
"Keith! Dito!" rinig kong sigaw ng na nagmumula sa likod namin. Kaya napalingon naman kaming apat. Si Mark! at kasama nito si Kenn. Bigla na naman uminit ang pisngi ko kaya yumuko nalang ako. Habang papalapit kami sa mesa ay siniko ako ni Lester sa braso.
"Kalma Kieth. Para kang kamatis na naglalakad. Ang pula-pula nang mukha mo. Hahaha." Pabulong na tukso ni Lester.
"Tumahimik ka nga!" Sagot ko naman sa kanya.
Nang makalapit kami sa mesa ay uupo sana ako sa pinaka dulo kaso itong si Lester ay hinarangan ako.
"Hep! Saan ka uupo? Doon ka sa pwesto mo!" Sabi nito na nangaasar. Kaya wala na akong nagawa kundi ang umupo sa upuang nakaharap kay Mark. Nagumpisa na kaming kumain. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o sadyang may nakatitig sa bawat galaw ko. Kaya inangat ko ang paningin ko at nagkasalubong ang mga mata namin. Bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko. Ngumiti ito sa akin at bumalik sa pagkain. Nang patapos na kaming kumain ay biglang may lumapit sa mesa namin sabay patong ng isang can ng sprite sa harap ko. Napaangat naman ang tingi naming lahat sa taong nakatayo. Si Rex!
"Anong ginagawa mo dito?" Biglang napatayo si Lester sa pagkakaupo nito at akmang lalapit kay Rex. Pero bago paman sya nakahakbang ay pinigilan na ito nina Josh at Justin.
"Teka! Teka! Chill pare! Wala akong gagawing masama. Gusto ko lang bigyan si Kieth ng paborito nitong drinks bilang peace offering sa nagawa ko kahapon." Sabi nito sabay taas ng mga kamay sa ere. Sasagot na sana ako nang bigla ring tumayo si Mark.
"Well sorry to say hindi kailangan ni Kieth yang peace offering mo kaya umalis kana." Mahinahong sabi ni Mark pero may diin ang pagkakabigkas nito ng bawat salita.
"Bakit?! Ikaw ba si Kieth? Si Kieth ang pinunta ko dito hindi kayo." Sagot naman ni Rex sabay turo sa aming lahat. Akma na sanang aamba si Mark nang suntok buti nalang atmabilis akong pumunta sa gitna nilang dalawa.
"Wag mo na syang patulan Mark." Sabi ko kanya sabay hawak sa magkabila nitong braso. Pagkatapos nang pangungumbinsi ko sa kanya ay hinarap ko si Rex.
"Hindi ko kailangan ng peace offering mo Rex. At pwede ba? Tantanan mo na ako." Sabi ko sa kanya. Tiningnan ko naman lahat ng mga kasama ko.
"Tayo na guys." Hinawakan ko sa braso si Mark na halatang hindi parin humuhupa ang galit nito sa pagkakakita kay Rex. Umalis na kaming lahat sa cafeteria at iniwan si Rex na nakatayo roon.
Oo nga pala. Hindi talaga maiiwasang magkasalubong ang landas naming dalawa dahil dito rin sya nag-aaral. Sa dinami-dami nang schools na pwede nyang pasukan ay dito pa talaga. Nakakainis!A/N: Hello my beloved readers!! Kamusta kayong lahat? I hope you're doing okay. Thank you for your support at sana hanggang sa huli ay suportahan nyo pa din itong story ko. Sorry at natagalan ang UD and sadly medjo short ang UD nato. Super busy sa kasi ako sa work.
BTW,2 days nalang ay Christmas na. Advance Merry Christmas sa lahat.
I love you all. God bless at stay safe everyone!
-KRYSTAL
BINABASA MO ANG
Making You Mine
RomanceBL story Between a Manhater Gay ang a Playful Boy🌈❤️ DISCLAIMER This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance...