MARK'S POV
Mabilis na lumipas ang weekend.Kasalukuyan akong nasa klase ngayon, nakaupo at nakatitig sa kawalan. Habang si Kenn naman ay nasa tabi ko busy sa kakalagay ng band aid sa mga daliri nito. Sa nakalipas na weekend ay naging busy ako kakaturo kay Kenn paano tumugtog ng gitara. Bukas na kasi maguumpisa ang audition para sa Glee club. At sa awa naman ng Dios ay natuto rin ito kahit papaano ng mga basics.
"Pre!" Bulong ni Kenn sa akin.
"Ano?" sagot ko naman. Nasa kalagitnaan kami ng 2nd subject namin kaya kami nagbubulungan.
"Sa tingin mo ba makakapasok ako sa Glee Club?" tanong nito.
"Hindi ko alam. Depende yan kung gagalingan mo bukas. " sabi ko sabay tawa.
"Ang sama mo talaga. Talagang gagalingan ko, nakataya dito ang future lovelife ko." sabi naman nito.
"Well, good luck sayo. Siguraduhin mo lang na maaalala mo ang lahat ng tinuro ko sayo." sabi ko sa kanya.
" Oo naman, ako pa. Ako yata--
"Mr. Marcos! Mr. Castro! Mukhang napaka-importante yata yang pinag-uusapan nyo ah? Kanina pa kayo nagbubulungan jan. You are free to leave kung hindi kayo makikinig sa klase ko." sabi ng teacher namin. Napatigil naman kaming dalawa sa pag-uusap.
"Sorry po Ma'am." sabay naming sabi.
Pagkatapos ng klase ay pumunta na kami ni Kenn sa cafeteria para mananghalian. Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay nakita ko ang grupo nina Lester ngunit hindi nila kasama si Kieth. Mula nung gabing 'yon ay hindi pa kami nagkikita. Hindi ko rin alam kung paano ko sya haharapin. Aaminin kong nasaktan ako sa rejection nito sa akin. Hindi ko naman sya masisisi dahil alam kong may trauma parin ito. Maghihintay ako, kahit gaano pa katagal. Hihintayin ko sya hanggang sa tuluyan nang maghilom ang puso nya.
"Hello!! Nasa earth paba ang kaluluwa mo? Hello?" Sabi ni Kenn habang kumakaway sa mukha ko. Napalalim yata ang pag-iisip ko.
"Ano kaba! Tigilan mo nga ako." Sabi ko naman sa kanya.
Pagkatapos naming umorder ay naghahanap na kami nang mesang mauupuan. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang marinig ang mga bulungan ng mga estudyanteng naririto sa cafeteria.
"Grabe pare, ilang araw na rin ang lumipas noong lumabas ang viral video mo pero sikat na sikat ka pa rin!" Sabi ni Kenn nang makahanap kami ng pwesto."Hayaan mo na sila. Matatapos rin yan." Sabi ko nalang. Nagkibit balikat naman ito. Hindi ko pa nakukwento sa kanya ang naging usapan namin ni Kieth nong gabing 'yon. Huwag na muna siguro, sa susunod nalang.
Pagkatapos naming kumain ay pupunta muna kami ni Kenn sa Glee Club para kunin ang numbers namin para sa audition bukas. Bukas pa naman nang hapon ang audition pero itong kasama ko ay atat na atat na pumunta sa Glee Club para makita si Sapphire.Pagkarating namin sa Glee Club ay binati namin ng mga taong nandoon. Mabilis na luminga linga si Kenn nagbabakasakali na makita si Sapphire pero sa kasamaang palad ay wala ito. Bigla namang nalungkot ang kumag.
"Hoy, ano yang mukha mo? Parang kang naluging negosyante." Biro ko kay Kenn sabay tawa. Napatingin lang ito ng masama sa akin. Hinila ko na ito at pumunta sa in charge sa pagbibigay ng numbers.
"Uhmm. Excuse me. Kukuha po sana kami ng numbers para sa audition bukas." Sabi ko.
"Anong pangalan nyo?" Tanong nito na hindi man lang kami tiningnan.
"Mark Dela Cruz at Kenneth Castro po." Sagot ko naman. Napaangat naman ito ng tingin sa akin ngumiti. Kilala ko ba sya? Parang hindi naman.
"Uhmm. Si Ms Saphire po nasaan?"singit ni Kenn. Hindi na nakapagpigil at nagtanong na nga. Napatingin naman ang babae kay Kenn.
"Ahh. Wala si Saphire. May pinuntahan." Sagot naman nito at pinagpatuloy ang ginagawa.
Di nagtagal ay natapos rin nito ang ginagawa at inabot ang mga papel sa amin. Habang busy sa kakakulikot ng cellphone si Kenn ay nagsalita ulit yung babae."Excuse me,diba ikaw ba yung nasa viral video?" Tanong nito.
"Ahh- ehh, oo ako nga." Sabi ko sabay tawa ng mahina.
"Hi I'm Kyla. Kyla Trinidad. Vice President ng Glee Club. At president ng MarKieth Shippers.Nice meeting you." Sabi nito sabay lahad ng kamay nang nakangiti.
"Nice meeting you too. H-huh? Ano nga ulit yung sinabi mo?" Sabi ko sabay shake hands sa kanya.
"Sabi ko president ako ng MarKieth Shippers. Meaning, sinusuportahan namin ang ship nyong dalawa ni Kieth. Mula nung umpisa palang ay alam ko nang may spark sa inyong dalawa. Kaya gumawa ako ng page at group para sa inyong dalawa." Sabi nito na tila ba kinikilig. Napanganga naman ako sa mga sinabi nito. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Alam naman natin na kilalang manhater yang si Kieth. At nung makita ko yung video ay sigurado ako na ginawa mo yun dahil mahal mo talaga sya.It's really visible at damang-dama namin ang sincerity mo para kay Kieth. I know na medjo mahihirapan ka na i-pursue sya kasi manhater siya pero nandito lang ako and the whole MarKieth Shippers to cheer you up. And believe me when I say it that you are destined with each other." Sabi nito na tila kumikinang ang mga mata.
" Salamat sa suporta. Hindi ko alam na mayroon palang mga taong naniniwala sa sa akin, sa amin." namamangha kong sagot sa mahaba nitong pahayag.
" Ano kaba, wala 'yon! Bukas nga pala, 4 pm mag sstart ang audition. Good luck sa inyo." Sabi nito at bumalik na sa ginagawa nito.
"Sige salamat. See you tomorrow." Sabi ko sabay hila kay Kenn papalabas ng Glee Club.
*****5 hrs later******
Ringgg~ Ringgg~
Matapos ang dalawa pa naming klase, sa wakas uwian na. Napag-usapan namin ni Kenn sa kumain nalang sa labas at mag fa-final rehersal kami ng gagawin namin para sa audition bukas.
Nang masiguradong handa na kami para bukas ay pumunta na kami sa pinakamalapit na mall para mag dinner.Habang kumakain ay nagvibrate ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay nakita ko nagtext si Lester.
'Hey Mark. Baka magtaka ka kung nasaan si Kieth. Nandito sya kasama namin sa dorm nina Josh at Justin. Dito muna kami matutulog. Marami kasi kaming aasikasuhin para sa try-outs.' basa ko sa text. Napahinga nalang ako nang malalim.
"Hoy, anong nangyari jan sa mukha mo. Parang ikaw na yung naluging negosyante." biro ni Kenn sa akin.
"Wala. Wala naman." sagot ko. Kahit di na sabihin ni Lester ay alam ko nang iiwasan ako ni Kieth. Wala akong magagawa kundi ang maghintay. Mas mainam na rin siguro na hindi muna kami magkita, magiging awkward lang kami sa isa't isa.
KIETH'S POV
Kasalukuyan kaming nasa Sports club room. Kakatapos lang ng last subject namin ngayong araw. Marami kasi kaming ginagawang preparations para sa try-outs."Uyyy, Lester. Nafollow up mo ba ulit ang maintenance about sa ilaw sa gym?" Tanong ko kay Lester.
"Opo. Tapos na po. All Set na lahat Captain. Don't overwork yourself. Relax." Sagot nya naman. This past few days ay inabala ko ang sarili ko sa mga dapat gawin para sa try outs.
"Guys, punta tayong auditorium!" Sabi ni Josh.
" Bakit anong meron?" Tanong naman ni Lester.
"Audition ng Glee Club." Sagot naman ni Justin.
"Tara! Diba sasali sina Kenn at Mark dun?" Sabi ni Lester.
Kaya nagsitayuan na silang lahat. At ako naman ay nanatiling nakaupo.
"Huy captain, di ka sasama?" Tanong ni Josh.
"Ah-ahhh!! Oo, s-sama ako." Sabi ko naman. Minsan talaga, kahit anong iwas mo gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para mangyari ang mga bagay na dapat mangyari.
A/N: Hello my beloved Readers!!! Kamusta kayong lahat? I hope na ok and healthy kayo. Alam kong natagalan na naman ako bago nakapag UD(Sorryy). Thank you sa lahat ng nagbabasa at nag vovote sa story ko. Thank you for your patience and understanding. Sana suportahan nyo ako hanggang sa matapos itong story. Keep safe everyone. *virtual hugs & kisses*
BINABASA MO ANG
Making You Mine
RomanceBL story Between a Manhater Gay ang a Playful Boy🌈❤️ DISCLAIMER This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance...