CHAPTER 6 "THE HUNT"

310 15 1
                                    

CHAPTER 6

Mark's POV

Habang sinasagutan namin ni Kenn ang form ay hindi ko mapigilang mapatitig sa lalaking  nasa kabilang bahagi ng mesa. Napakaseryoso nito. Hindi natitinag nang ingay mula sa paligid. Para itong may sariling mundo.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Ba't di mo nasagot yang form mo? Hindi mo alam yung sagot? Sabihin mo lang at pakokopyahin kita." Pabulong na pukaw sakin ni Kenn sabay kaway sa mukha ko.

"Para kang timang. Hindi ako umaatras. At pwede ba, alam ko yung sagot. Ano to exam? Kopyahan ganun?" Sagot ko naman na parang matatawa.

"Eh, di ka kasi sumasagot ng form. Puro tingin lang dun sa nakaupong lalaki ang ginagawa mo." Sabi nya sabay nguso kay Keith.

" Roommate ko yun. Hindi ko kasi inaasahan na makikita ko sya dito." Paliwanag ko.

"Ahh, sya pala ang roommate mo? Eh, second year na sila ah. Paano mo sya naging roommate? Diba dapat dun ka sa dorm nating mga first year? " Sabi nya.
Kaya kinuwento ko sa kanya yung nangyari nakaraan kung bakit ako napunta sa dorm nang mga second year.

"So ganun pala yung nangyari. Eh bakit parang hindi maalis yung tingin mo sa kanya. May gusto kaba dun?" Ngiting asong sabi nya.

"P-pwebe ba, t-tigilan mo na ako at magfocus ka nalang jan sa form mo." Sagot ko sa kanya. Bigla namang uminit ang mukha ko.

"Uyyy, nauutal?. May gusto ka nga sa kanya!" Sagot nya habang nakangiting aso.

"Ewan ko sayo! Dalian mo jan at patapos na ako." Sagot ko

"Oo na po, heto na sasagot na." Sagot nya

Hayyy!! Muntik na ako dun ah? Bakit ba kasi ako nautal? May pagka chismoso rin tong isang to. Napatingin naman ako ulit kay Keith at nag aayos na ito nang mga gamit nya. Tumayo ito at pumunta kay Annika.

"Annika, alis muna ako. Pakisabi kay Lester na may pupuntahan lang ako at huwag nya na akong hintayin maglunch. Salamat" pagpapaalam ni Keith.

"Sige Pres. Ingat" sagot naman ni Annika. At tuluyan na itong umalis. Napakailap talaga nya. Hindi man lang nagtapon ng kahit isang titig sa amin bago umalis.

"Tapos na ako! " Sabi ni Kenn sabay stretching ng kamay.

"Akala ko bukas kapa makakatapos! Kanina pa ako tapos. Ang bagal bagal mong magsulat." Sabi ko sa kanya

" Sorry naman. Medjo matagal narin nung huli ako humawak ng ballpen. Puro kasi bola ang hawak ko." Sagot naman nya

" Halika na at ibigay na natin tong form kay Annika."sabi ko sa kanya. Kaya tumayo na kami at pinasa ang forms kay Annika. Di nagtagal ay dumating na rin si Lester.

"Ok naba ang forms nyo?" Tanong sa amin ni Lester.

"Oo, napasa na rin namin kay Annika." Sabi ko

" Oh, nasaan na si Kieth? Sabay sabay sana tayong mag-lunch. Pabalik narin sina Josh at Justin dito. Nag-pagrab pa naman ako." Tanong naman ni Lester nang mapansin nyang wala na si Keith sa kinauupuan nito kanina.

"May pinuntahan sya Les. Huwag mo nadaw syang hintayin." Sagot ni Annika

"Ganun ba. Kayo? Saan kayo kakain?" Tanong ni Lester sa amin.

" Sa cafeteria nalang siguro kami ni Kenn" Sabi naman ko.

"Wag na, ang mabuti pa dito nalang tayong lahat kumain. Madami naman yung inorder kong pagkain" sabi ni Lester.

Napatango nalang kaming dalawa ni Kenn. Habang naghihintay sa pagkain ay napagpasyahan muna namin ni Kenn na pumunta ng banyo.

"Huy Mark. Nag-away ba kayo nung roommate mo?" Tanong sa akin ni Kenn.

Making You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon