C3

20 1 0
                                    

C3

"Chelsea Afloria? Sino yun?" tanong ko kay Julie.

Umupo naman kami sa pwesto namin bago magsalita si Julie.

"Girl, si Chelsea Afloria ay isa sa sikat na babae dito sa CU. Base saakin mga nakalap na news all over sa corridor, mayaman daw, masungit, spoiled at syempre magunthe." paliwanag ni Julie.

Sabagay, bagay si Jake sa mga ka-uri niya. Sa mga mamayaman na babae. Maganda. Bagay siya sa mga ganoong tipo ng babae.

"Nasa Business Department rin kasi! Kagaya nung course ni Jake, at sabi heiress daw siya ng clan nila. As in tagapag-mana siya!" si Julie.

"Bagay na bagay sila. Mayaman parehas eh." nasabi ko na lamang.

Tahimik ako buong maghapon. Hindi ko rin alam kung bakit. Naapektuhan ba ako sa balitang yun? I should be happy for them. Sa wakas, may happy ending na rin ang lalaking nagustuhan ko sa mahabang panahon. Naalala ko tuloy yung nangyari noong Intramurals.


"Bakit kasi tayo pa assistant nang nga yan?! Malalaki na kailangan pa ganito." nairirita na sabi ni Julie.

Kami ang magiging assistant ng mga players para sa intramurals. May dala kaming towels, water bottles, energy drinks, snacks at kung ano pa.

Nasa loob na kami ng gymnasium at yanig na yanig ito dahil sa ingay ng mga estudyante.

"GO CU! SAAMIN BABAGSAK ANG STAR, KAGAYA NG PAGBASAK NI JAKE SA AKING HEART!" sigaw ng isang estudyante.

Die hard yarn? Pero sabagay, ako nga solid na fan ng Ginebra sa PBA eh.

"GO CU! GO CU! WE SEE YOU, SO FEEL TERRIFIED BECAUSE YOU'LL DESERVE A BOO!" cheer nila.

Naiiling na lang kaming lumapit sa bleachers at nilapag ang mga gamit sa bench. Nakita ko ang mga varsities sa gilid at naguusap tungkol sa magiging galaw nila.

"Just enjoy and don't pressure yourself okay? GO CU!" cheer nila para lalong magtilian ang mga students.

Nagsimula na silang mag warm up at umiikot ikot sa court. Lalong umiingay ang buong gymnasium dahilan para naiiritang tumayo sila Julie.

"Ayoko na! Sina Thess na lang papalit saakin. Kahit gwapo sila ayoko ng maingay! Tara na Gina!" yaya nito kay Gina.

"Woii paano ako?" tanong ko para mapatingin sila saakin.

"Malaki ka na kaya mo na sarili mo! Tara na!"

Umaalis na sila at habang ako ay nakaupo lang sa bleachers. I decided to stay, since sinabi ko naman kay Lolo Gino na Intramurals namin this week. First Quarter pa lang ang ingay na nang gymnasium, at lamang pa ang kabilang team.

Hindi na ako nagulat nang lumapit sila saakin para humingi ng tubig, towels at energy drink.

"Salamat cutie!" sabi ng lalaking no. 10 ang nakalagay sa jersey niya.

Ngumiti lang ako sakanya at nagpatuloy sa pagbibigay.

"Can you give me the towel and water?" tanong ni Jake saakin.

Tahimik ko itong binigay sakanya at ngumiti. Ininom niya sa harapan ko yun at nagpunas rin sa harapan ko. Pilit kong iniiwas ang tingin ko pero parang yung mata ko ata may magnet eh.

"Pwede mo bang punasan yung likod ko? Hindi ko kasi maabot eh." sahi niya at nilingon ako.

"H-Ha?"

"I don't repeat what I'm saying."

"O-Osige."

Kinuha ko ang towel sa kamay niya at pinunasan ang likod niya. Rinig ko ang daing at bulong ng mga kababaihan sa likod ko. Pero ewan ko ba, pakiramdam ko walang tao sa paligid namin at nag focus lang ako sa pagpupunas ng likod niya. Kahit pawis na pawis siya, mabango pa rin ang halimuyak niya.

Siguro pwedeng gawin pabango yung pawis niya diba?

"Thank you." sabi niya.

"Saglit."

Kumuha ako ng isang malinis na towel at nilagay ito sa likod niya. Kita ko ang pagdaan ng pagtataka sa mga mata niya.

"Para hindi ka pagpawisan masyado."

Tumitig pa siya saakin ng ilang minuto bago bumalik sa court. Halos kulang na lang himatayin ako sa kaba!

Isa yun sa mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko malilimutan. Kasi higit pa yun sa pagtingin na nakasanayan ko. Ilang beses rin na nagtatama ang paningin namin ng aksidente, katulad sa tuwing papasok na siya gate, sa garden, sa Science Lab at minsan ay sa auditorium tuwing may monthly assembly.

Dala ang mga libro ko ay palabas na ako ng garden para bumili ng makakin sa cafeteria. Since tapos na ang lunch break ng mga regular students.

"WAIT UP!" rinig kong sigaw ng babae sa lalaking mabilis na tumakbo sa gilid ko.

Nakatingin lang ata siya sa lalaki dahilan para mabangga niya ako at nagkalat ang mga libro sa sahig. Agad ko itong pinulot at nakita kong gusto niyang habulin ang lalaki, pero tinulungan niya na lang ako.

"I'm so sorry for bumping you ha, may hinahabol lang kasi ako" hinihingal niyang sabi.

Maganda siya. Mahaba ang buhok at matangos ang ilong. May kaputian at maamong mukha. Mapagkakamalan siyang dayuhan sa ganda niya. Matangkad rin siya at mamahalin ang damit at mga accessories na suot niya.

"A-Ayos lang..." yun lang ang nasabi ko at nginitian siya.

Tinulungan niya pa akong tumayo at nginitian ako.

"I'm Chelsea. You can call me through this number if you feel pain or something ha." aniya niya at binigyan ako isang papel.

"I'm Marley. Ayos lang naman ako, salamat sa pagtulong." sabi ko na lamang at umaalis.

Siya pala si Chelsea. Ang lalaking nakatakda kay Jake. Bagay na bagay sila, sobra. May dumaang kirot sa puso ko na hindi ko maintindihan, pero hindi ko na binigyan pa ng pansin. Crush ko lang si Jake. Tipong pag hanga lang. Hanggang doon lang. I shouldn't break the barriers between us. I might be fall. And I think, it's my biggest downfall.

"Good Afteroon Lolo G!" bati ko sakanya ng makapasok ako sa office niya.

"Good Afternoon Ija! Kamusta ang school mo?" tanong niya.

"Lo, malakas ang school namin tsaka loyal yun kaya nandoon lang yun."

"Loko ka talagang bata ka. Oo nga pala, gusto ulit kitang isama sa isang Masquerade Party ulit."

Nilapag niya sa lamesa ang isang inbitasyon at binuksan ko ito.

You are invited for a glamorous Masquerade Ball! Wear your mask and your extravaganza gowns and tuxedo.

See you at Romero's Hall, November 22, 2012. 8:00 in the evening . I'm expected you to come, ladies/gentleman. See you!

"Lo alam niyo naman po yung nangyari noong una diba? Natatakot po ako."

Ngumiti lang saakin si Lolo G at kinuha ang gold na mask na ginamit ko noong unang beses na sumama ako kay Lolo G sa Masquerade Ball.

"Paano kung ito lang ang paraan para mapalapit ka sa taong mahal mo?"

"Lo! Hindi ko po siya mahal. Gusto ko lang siya. Crush lang po!"

"Saan ba napupunta ang pagkagusto?"

"Sa pagmamahal po. Sa pagmamahal na nakakatakot dahil hindi mo inaasahan na nagmamahal ka na pala. Pagmamahal na masasaktan ka, lalo na kapag mo na, na una pa lang, bawal na."

Behind the Mask (Anonymous Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon