C25

21 1 0
                                    

C25

“He appeared on my office Dos! Anong magagawa ko diba?” I explained over the phone call.

“Nakita ka niyang umiiyak? Sigurado akong nakita niya tayo bago tayo umaalis Eis.”

'Yun rin ang alam ko. Nagtama ang tingin naming dalawa nang makalabas siya ng apartment. But he should said to me right? Pero... wala naman akong karapatan pa sa buhay niya.

“Hindi ko alam Dos. Hindi ko alam. He's sending mixed signals to me, again. Nahuhulog na naman ako...” mahina kong sambit.

“Nahulog ka na sakanya dati pa, Eis. Pag-usapan niyo 'yan Eisley. Dahil sa susunod na saktan ka niya ulit, hindi ko na alam ang magagawa ako sakanya.”

Binaba ko na ang tawag at mahinang sumandal sa swivel chair. Kinakabahan ako, natatakot ako. Paano kung hindi niya ako mahal? Paano kung gagamitin niya lang ako? Natawa ako ng bahagya sa naisip kong gagamitin niya lang ako, paano niya ako gagamitin kung mas mataas pa rin siya saakin diba? I need a break.



“You're filing a leave?” tanong ng Boss ko.

“Yes po. I'm stress and I need a break for awhile. But I will comeback soon!” sagot ko.

Binasa niya muna ang papel na pinasa ko at kumuha ng ballpen para pirmahan.

“Masaya ako dahil binigay mo talaga ang lahat sa firm na ito, Marley. I'm just surprise that you're filing a leave for vacation not because of on-site investigation. Enjoy your vacation!”

Ngumiti lamang ako bago umaalis ng firm. Umuwi ako agad at nag-impake ng gamit. Kaunti lang ang dinala ko dahil may mga damit naman ako doon. Umaalis na ako ng apartment at pumunta sa sakayan papunta ng Laguna.

Hindi ko na rin pinansin pa ang phone ko, mamaya na lang ako tatawag kapag nakarating na ako sa Laguna. Umupo ako sa may bandang bintana at dinama ang hangin.

Kailangan kong isipin ang mga mangyayari, lalo na't sumali na naman si Jake sa buhay ko. Kailangan kong isipin ng mabuti ang mga mangyayari kung magiging kami ulit...

Buong byahe ay pilit kong winawaglit sa isip ko ang pag-iisip kay Jake. Dapat pagkatapos ng bakasyon na ito, malinis ang kung anong binabagabag ko. Kailangan. Para walang masaktan.


  “Kuya!” sigaw ko.

Bandang tanghali na rin ako nakarating dahil mahigit dalawang oras rin ang byahe.

“Himala at naligaw ka rito!” natutuwang aniya ni Kuya at mabilis akong nilapitan.

“Kuya naman! Hindi na ba ako welcome dito? Saka bakit ka nasa bahay, wala kayong pasok?” tanong ko habang pumapasok sa bahay.

Napa-renovate na rin namin ang bahay, pinagawan ng second floor at nilagyan ng apat na kwarto at pina-pinturahan. Mataas rin kasi ang monthly na sahod ni Kuya, kaya napagawa namin ito.

“Na-late ako ng gising, papasok na nga ako ngayon eh. May pagkain na dyan, kumain ka na lang!” nagmamadali niyang sabi at tumakbo na sa banyo.

“Mapagalitan ka sana ng boss mo!” sigaw ko at natawa.

Dumiretso na ako sa kusina at iniaangat ang takip sa ulam sa ibabaw ng lamesa. Napangiwi na lang ako dahil prito na naman ang ulam niya.

Tiningnan ko ang laman ng fridge at puro frozen foods ang nandito.

“Kuya nahiya ka pa magtayo ng frozen food stalls! Dalhin mo lahat 'to, ibenta mo sa mga ka-work mates mo!” sigaw ko at sinarado ang fridge.

“Syempre lagi akong pagod pagkauwi, kaya hindi na ako nakakaluto ng matinong pagkain.”

“Sabi ko kasi sayo diba, mag-asawa ka na!”

Nakita ko naman siya sa sala na nagsusuot na ng medyas habang ang mata niya ay hinahagilap ang bag. Nilapitan ko siya at kinuha ang bag na nasa likod ng sofa at nilagay sa center table.

“May nagugustuhan na ako...pero iba pakiramdam ko eh. Parang ano...” amin niya habang inaayos ang sapatos.

“Parang hindi ka magugustuhan? Baliw ka kasi inaasar mo first day na first day eh. Kahit maubos ang pagkain sa cafeteria niyo, kaibigan pa rin turing nun sayo!” pang-iinis ko sakanya.

“Hindi ko alam! Sige na, aalis na ako. Mag-ingat ka dito, saka kung pupunta sa dagat i-lock mo yung gate saka pinto ha!" Paalala niya at tumayo na para umaalis.

Malinis naman ang bahay dahil sinabi ko kay Kuya na pwede naman siyang mag-hire ng katulong once a week. Kilala ko rin naman si Kuya, ayaw niya sa magulo at madumi ang paligid niya.

Iniaayos ko ang mga dala ko at nagdala ng shoulder bag, nilagay ko roon ang isang piraso ng maong shorts at t-shirt, at spare na underwear. Suot ko ngayon ang isang loose blouse at maong shorts, sa ilalim nito ay puting bikini. Noong birthday ko kasi, niregaluhan ako ng maraming bikini ni Julie. Ewan ko ba doon.

Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa Laiya Batangas Beach Resort. Maganda kasi doon at nakakalma ang dagat. Nakarating naman agad ako doon ilang minuto lamang.

“One cottage near the beach area please.” sabi ko sa receptionist.

Tumango ito at sinabi ang mga babayadan ko, nagbayad ako sakanya bago tuluyang makarating sa dagat. Nahanap ko naman ang cottage ko kaya nilapag ko doon ang gamit ko at tinanaw ang dagat.

Its relaxing.

Nilapag ko ang shades na dala ko at hinubad ang damit at shorts para maka-suong na sa dagat. Nilugay ko ang buhok ko at naglakad na papunta sa dagat.


I want to take a dive to forget my problems. To forget anything that keep bugging my mind. Gusto kong wala munang isipin, para kapag hinarap ko na ang problema...payapa ang isip ko at wala akong masasaktan

Pero si Jake, problema ba siya saakin? Sa dami ng iniisip ko, siya na ata ang kalahati 'non. Mahal ko siya. Pero natatakot ulit akong tanggapin siya, natatakot ako na baka sa pagkakataon ba ito...hindi ko na kayanin pa. I love him, but I'm scared in different ways. Lalo na't sinasabi niya na ako ang magiging asawa niya.

What if he's going to used me? Because I'm an investigator. A high paid investigator in town. O baka pakakasalan niya ako...kasi baka nalaman niya na, na ako si Eisley. Si Eisley na bumaliw sakanya sa unang pagkakataon.

Sa pag-ahon ko sa pagsisid, naramdaman kong may pumulupot na kamay sa baiwang ko at nilapit ako sa sakanya. Binaba niya ang kanyang mukha sa tainga ko at bumulong.

“Why did you runaway from me baby, I'm damn worried!” he whispered.

Behind the Mask (Anonymous Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon