C8
“Are you comfortable living here?” tanong niya at kita ko ang pagikot ng paningin niya sa paligid.
Habang ako naman ay nag-pi-prito ng itlog.
“Yeah. Ayos lang naman ako dito, tsaka 3 years na rin ako dito kaya sanay na.” sagot ko.
“Wala bang magnanakaw dito?”
“Wala. Saka, mababait yung mga kapit-bahay namin dito. Tsaka yung nakatira sa first and third floor saka sa katabi kong unit, ayos sila kasama.”
Tuwing Christmas kasi, kasama ko silang mag-celebrate sa rooftop. Doon kami kumakain at masayang nag-ke-kwentuhan. Sa first floor, sa kaliwang unit, doon nakatira si Aling Nancy, dalawa ang anak niya at ang asawa ay nasa ibang bansa. Sa kanan na unit naman si Aemie, working student rin at pumapasok sa UP. Habang ang katabi kong unit, si Mareen, taga-UST. Sa taas naman ay sina Tine at Clyde.
“Eto na oh. Sorry kung hindi masarap ha." aniya ko at tumawa.
Binaba ko sa lamesa ang niluto ko at kumuha ng juice sa ref. Umupo na rin ako sa tapat niya at nag-salin ng juice sa baso. Kakain na sana siya ng pigilan ko siya.
“Why? I'm starving, Marley."
“Pray muna."
“What?"
“Pray before you eat. You should feel bless because God gives you another meal to eat. Yung iba nga dyan, walang makain eh." paliwanag ko at pumikit na.
Nakita kong ginaya niya ako at napangisi ako ng palihim. Natapos rin kami magdasal at agad niyang linantakan ang pagkain na niluto ko. Habang ako ay pinagmamasdan lang siya.
“Dahan dahan lang naman sa pagkain, baka mabilaukan ka niyan. Hindi ka ba pinapakain sainyo? Ang yaman yaman niyo tapos ganito ka?” aniya ko at tinulak ang baso sa harapan niya.
Ngumisi siya at ininom ang juice at tumingin saakin.
“Hindi ako makakain ng ganito dahil bawal. Dad and Mom used to prepare fancy food in our brunch, lunch and dinner. I'm always want to eat local foods, but they said I shouldn't. But sometimes, Manang used to cook local dishes when my parents flew away for work. Mayaman ako kaya kailangan ibagay ko ang mga kinakain ko.” bakas ang lungkot sa pagkasabi niya.
I felt bad for him. Akala ko kapag mayaman ka, lahat ng gusto mo makukuha mo. Masaya ka kasi nasayo na ang lahat! But Jake proves that my thought was all wrong.
“Chelsea and I have both perspective in life. Ayaw namin matali pareho. Lalo na't, nakita kong may nagugustuhan na siya.” problemado niyang sabi.
“Why are you saying this to me? Hindi mo pa nga ako ganoon kakilala eh, but don't worry. I'll keep it.” sabi ko at nginitian siya.
“Thanks then. They said, its good to tell your story in someone or a stranger. Kasi makikinig sila ng hindi ka nila hinuhusgahan."
“Pero kilala kita, at inaamin kong na-judge na rin kita maraming beses sa utak ko. Pero, sa ngayon, pinili ko na lang makinig kasi feeling ko marami kang kwento."
“I have, you're right. Thanks for the dinner by the way, its delicious. Wanna come with me?” tanong niya.
“Saan tayo pupunta?” kuryoso kong tanong.
“Sa school. We're going to watch battle of the bands."
“Sigurado ka? Masyadong gabi na. Baka bawal na school.”
BINABASA MO ANG
Behind the Mask (Anonymous Series #2)
Mystery / ThrillerMarley Fernan, a scholar girl in Constellation University. She's part of detective club because she wants to be a detective in the future. Her soft features didn't describe her true personality in life. She's an independent, brave and strong woman w...