Third Person
Patuloy pa rin ang pagbagsak ng luha ni Hestia nang makita sya ni Ara. Halata din sa mata nito ang pamamaga dahil sa pag-iyak. But seeing Hestia was too painful. Niyakap nya ito at hinayaang ilabas ang sakit sa loob nya.Ara knew that Hestia loved Mike deeply, alam nila ni Enola yun noon pa. Pero di sila nagsalita dahil alam nilang wala sila sa posisyon na diktahan ito.
"Everything will be fine Hestia, it's okay..."
Kahit sya man ay nasasktan dahil sa pag-alis ni Fidel, kailangan nyang tatagan ang loob para din sa kaibigan.
"Hestia?" anya ng tila bigla itong tumigil sa pag-iyak at bumagsak ang kamay nito sa lupa na nakahawak sa braso nya kanina.
"HESTIA! HESTIA WAKE UP!" anya pero nawalan na ito ng malay, saktong nakita sila ng dalawang junior medic at tinulungan nila si Ara na dalhin si Hestia sa quarters nito.
Sa kabilang banda ay tahimik lamang na lulan ng copters at military plane sina Mike at mga kasama nya patungo sa destinasyon nila. Walang nagsasalita. Pare-pareho silang umalis nang may bigat sa loob nila. Magkatabi si Fidel at Mike habang nasa tapat nila sina August at Aspin at Carl.
"Ready soldiers!" ani ni Gregor at bumukas na ang mga pinto at nagtungo na sa pwesto sina Mike. Sa signal ni Gregor ay tumalon na sila palabas ng copter.
Their mission, to kill the rebels at Columbia.
Pagkababa nila sa war zone ay may ilan na agad na nabaril sa kanila, mabuti at silang lima ay ligtas na nakarating sa pwesto nila. Sumenyas si Mike kanila Carl at Aspin na magtungo sa isang lokasyon di kalayuan sa main zone.
"Ten men on the post," ani ni Fidel matapos sipatin ang tore sa tapat nila gamit ang binoculars.
"Carl, do your job" ani ni Mike at sumenyas kay August na sumama sa kanya at naiwan nila ang tatlo.
Sa main zone sila nagtungo at sinikap nilang di gumamit ng baril. Matapos nilang mapatumba ni August ang tao sa ibaba ay syang hudyat nang pagkalabit ni Carl sa sniper gun nya.
Five bullets, ten men down.
Kinailangan nilang mag lie low kaya naman pagsapit ng umaga kinabukasan ay para silang mga bampirang nagtatago sa dilim. Pagsapit ng hapon
ay isinagawa na nila Mike ang phase two ng plano. Hati sila sa apat na grupo at nagawa nilang mabuwag ang mga outer post. Kaya sa phase three ay inner post na sila Mike.Kalagitnaan ng phase three ay nagkaroon ng problema, natunugan sila ng nasa inner block kaya naman kinailangan nilang mag cease fire at magtago. Nagbigay si Mike ng instructions sa bawat leader ng group at isinagawa nila ang phase four kinabukasan.
Do or Die phase na sila.
Sa kalagitnaan ng pakikipagbakbakan nila ay nakita ni Mike at Fidel ang papatakas na lider ng mga rebelde kaya sabay silang nagtungo sa direksyon nito at iniwan nya kay August ang mga kasama.
"Captain what are we--"
Iniharang ni Mike ang braso nya kay Mike at sumenyas na magtago muna. Nakita nila na tumigil ito sa isang tila courier van at pumasok doon, may mga kasama itong sampung lalaki na armado at isang batang babae na may balabal na itim sa ulo at may kipkip na manika.
Tila may pinag-uusapan ang mga kasama nitong armado habang tuloy sa pagbabantay sina Mike aa mga sunod na mangyayari.
Sa kabilang banda ay madidinig pa rin ang palitan ng putok ng baril at maging ang pagbabala ng kanyon ng kalaban. Para bang mga papel na nagliliparan ang bawat tamaan ng bala. Maging ang mga debri sa mga gusali sa paligid nila ay nagbabagsakan. May mga bombang sumasabog at talaga namang nagmimistulang karne ang bawat masabugan nito.
BINABASA MO ANG
Calloused & Wounded Hearts I Rae-Mon Sequel 2 [Completed]
RomanceCalloused. Wounded. Tainted. Hunted. Words that may connect to somebody, but in this phase, 'they' is the exact word. He's been thrown into the depths no eyes can see. Fearless was he since he had seen death more than anyone. Untamed than any man m...