It's been three days since Hestia was rescued at walamg palya ang pagdalaw ni Mike dito. Sa umaga, tanghali, maging sa hapon ay nabisita ito. Sa gabi ay dito sya natutulog, uupo sa silya at sasandal sa pader. Wala namang magawa sina Alexander kundi ang pabayaan ito.
Ibinalita nila sa mga magulang ni Hestia at maging kanila Hera na ligtas ito at nagpapahinga kaya naman hindi pa ito maaring makausap dahil sa mga tinamo nitong sugat at pinsala sa katawan.
Nagpadala naman sina Margarette ng gulat at prutas sa kampo bilangbtulong kanila Alexander. Ang asawa nya namang si Mai ay nakapanganak na noong araw na mahanap nila Si Hestia. Pinangalanan ni Mai na Arcane ang anak nila ni Alexander.
Nagpadala na din ng tulong ang gobyerno nila para mailipat sila sa maayos na base. Habang nahuli naman na nila Blue ang grupo ng mga teroristang naging dahilan ng pagsabog at pagkamatay ng ilang mga sundalo.
Nakakalungkot mang isipin ay inihatid na ng sandtahan ang labi ng ilang mga sundalong nasawi sa insidente. Napanatag naman kahit paano si Margarette sa nabalitaang lagay mg anak. Pero alam nyang hindi pa tapos ang pagsubok.
Mike Daine
Ika-apat na araw na ngayong tulog ni Hestia, maayos naman ang vitlas signs nya at tapos na din ang nlood transfusion sa kanya, nalaman ko rin lay Amaria na makakalakad pa si Hestia aa kabila ng pinsala sa binti nito at ilang bahagi ng katawan. Pero nagtataka ako king bakit hanggang ngayon ay tulog pa rin sya.
Hindi ko alam kung nadidinig nya ba ako sa tuwing ikukwento ko ang nangyayari sa labas.
Ngayon naisip ko na sundin ang payo ni August sa akin na sinegundahan pa ni Blue.
Yun ay noong napasyal sila Blue dito sa kampo na nilipatan namin, nasa tabing dagat na halos kami at kung tatanstahon ay pitong oras ito mula sa lugar kung saan nakatira ang mga magulang ni Hestia at sampung oras ang layo mula sa lugat kung saan naroon ang nanay ko.
"Tol, bakit di ka laya sumulat ng buvlet lost nyo ni Hestia lapag nagising na sya?" ani ni Blue
"Bucket list?" tanong ko
"Tol, ipaliwanag mo, alam mo namang taong tabon -- este binatilyo pa itong si Mike sa ganyan." ani ni August kaya tinignan ko sya ng masama
"Ah-- bucket list... Yun yung listahan ng mga bagay na gusto mong gawin kasama sya. Ginawa namin ni Luisa yun eh, kayo ba ni Enola, tol?" ani ni Blue kay August
"Oo naman, pero kaunti pa lang nagagawa namin."
"Sus, ayos lang yan, basta nausad." ani ni Blue at tumawa ng bahagya
"May aasikasuhin pa ko, bahala na kayo dyan."
"Tol, alam mo, yan din ang ipapayo sayo ni Zen." ani ni Blue
"Tsk,"
"Naku tol, hayae muna yang si Mike, alam mo namang busy yan palagi." ani ni August
"Kung sa bagay,"
Matapos noon ay iniwan ko na sila, usapang may asawa na ang pinag-uusapan nila dun, nao namang gagawin ko dun? Mag take notes?
Hindi ko pa nga naaamin sa kanya na mahal ko sya, tapos yun na agad? Hindi ba parang mabilis yun?
Kaya heto ako ngayon hawak anh isang papel at panulat, para akong binatilyo dito na nag-iisip ng pinaka korning tula para sa babaeng napupusuan ko.
Lanjo ka Mike, torpe na, korni ka pa.
Kung anong pumasok sa isipi ko ay sinulat ko na lang, bahala na si Batman, wala talaga akong alam sa ganitong bagay.
Matapos kong isulat iyon ay nagpaalam ako kay Hestia na aalis para muling bumalik sa opisina ko at tapusin ang sandamakmak na report. Hinagkan ko siya sa noo at muling sumulyap sa natutulog nyang katawan bago tuluyang lumabas ng silid.
BINABASA MO ANG
Calloused & Wounded Hearts I Rae-Mon Sequel 2 [Completed]
RomantizmCalloused. Wounded. Tainted. Hunted. Words that may connect to somebody, but in this phase, 'they' is the exact word. He's been thrown into the depths no eyes can see. Fearless was he since he had seen death more than anyone. Untamed than any man m...