Chapter 19: One sweet day

387 8 7
                                    

Exam....

Exam...

Exam...

Bakit kinakatakutan lage yung exam???

>__________________<

nakakapagod...

buong gabi na akong nag-aaral dahil exam namin bukas.

hindi naman kasi ako pinanganak na matalino, kaya kailangan talaga ng effort para makapasa.

Ganyan talaga!

>Kinabukasan<

--_______________--    <--- sleepy head.

Yawn~

Grabeh na puyat talaga ako kagabi.

Ewan ko lang kung pumasok ba ang mga pinag-aralan ko sa utak ko ngayon. T__________T

Bell Ring!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Tapos na ang exam...

Kaya maghihintay nalang daw kami ng results after 2 days.

....

............

.....................

...........................

<After 2 days>

Post sa bulletin: For Sophomores Mathematics

RETAKE EXAM:

                             Anne Romero

                             Jannice Nagad

                            Iris Mae Mendoza

                           * Georgina Anthonia Apostol*

                            Louis Mendez

                            Kyla Ruiz

T____________________________T

Kasali ako sa mag-re-re-take ng exam.

Ibig sabihin bumagsak ako.

Paano naman kasi... nakatulog ako habang nag-e-exam.

Biruin niyo yun... Alas dos na ako nakatulog dahil sa pag-aaral. Eh ayan tuloy nakatulog ako habang nag-e-exam...Puyat na puyat kasi ako eh.

Kahit kailan hindi ko talaga mapagkakatiwalaan ang sarili ko.

<Day ng RETAKE exam>

Maliit lang kaming nasa school... 

sabado kasi walang pasok kaya yung mga mag-re-re-take lang ang nandito sa school.

kaya nandito ako.

T____________________T 

nag-iisa.

Yung mga kaibigan ko, panay ang pang-aasar sa akin dahil ako lang ang hindi naka-pasa. >____<

Nakaka-asar naman!

<RELATE STORY>

nasa cafeteria na naman kami.

"So ano ang results niyo?" -Quincy.

T_______________T parang gusto ko nang mag-walk-out... nakakahiya.

"Si George mag re-re-take." madaling amin ni Coffee.

Hay nako! alam niyo na... si Coffee alam niya lahat... kaya ayan... binulgar niya talaga ng bonggang-bongga!

Si Quincy naman napatawa ng subra-subra...

Nakakahiya talaga!

Traydoran talaga ang mga kaibigan ko kahit kailan.

<Relating story ended>

~sigh~

nakakapagod. T^T

Kakatapos ko lang mag-exam.

Umuulan na sa labas... madilim na rin dahil pasado alas 6 na ng gabi.

Naalala ko tuloy ang kaibigan kung si Chachi, takot kasi iyon sa kulog tuwing umuulan. Hindi ko nga lang alam kung bakit.

Nakita ko si King sa hallway... nag-uusap sila ni Coffee... 

ano ang ginagawa nila dito? nag retake din sila?

Parang hindi naman yata.

Ang pagkaka-alam ko si King lang ang nag-retake ng exam, nakatulog din kasi ito habang nag-eexam.

mayamaya lang...

maya-maya lang... ay mabilis na tumakbo si King, hindi ko alam anong nangyari o sinabi ni Coffee at bakit nagmamadali agad umalis si King.

"Oi Coffee... bat mo inaway si King?" sabi ko.

"Tanga... si Chachi lang ngayon sa bahay ni King... natural... umuulan... siguradong umiiyak na sa takot iyon." -Coffee.

"Unga ano... bat di ko na-isip yun? mabait ka rin naman pala kahit minsan." sabi ko.

"Dahil tanga ka."-Coffee.

"Harsh mo masyado. Teka bat ka ba nandito?" sabi ko.

"Wala ka ron...Sige aalis nako." sabi ni Coffee.

"Hoy... bat ka ba kasi nandito?" sabi ko.

"Chow~" sabi ni Coffee. Yun lang at Mabilis na itong nag-walk-out.

>O< ano ba ang problema ng babaeng iyon.

Ano kaya gagawin ko?...

maliligo nalang kaya ako ng ulan... 

hindi ko na man kasi alam na uulan ngayon. 

Lalabas na sana ako ng nakita ko si Chase sa labas, may dalang payong.

parang may hinihintay ito.

"Oi! Chase... bat ka nandito?" sabi ko.

"Hinihintay ka." -Chase.

"Hindi mo naman sinabi sa akin na pupunta ka." sabi ko.

"Wala lang." nakangiting sinabi ni Chase.

>//////////////////////////<

ano ba ang gagawin ko sa lalaking ito?

"Uwi na tayo." sabi ni Chase sabay hawak sa kamay ko at hila sa akin papasok sa payong.

naglakad na kami sa ulan habang pinapayungan niya kaming dalawa.

"You know i've always love the rain."-Chase.

"Bakit?" -sabi ko.

"Dahil alam ko na isang araw... may susunduin ako sa isang lugar dahil wala siyang payong at don mag-she-share kami ng payong at maglalakad habang umuulan... habang nasa malapit ko lang siya. And that day was today..." - sabi ni Chase habang nakatingin sa akin.

>////////////////////////////////////<

Kyaaaaaaaa!!!!! Ano ba yan!

"Alam mo ang weird mo ngayon..." -sabi ko na lang...

"Oo nga eh... ganito siguro ako kapag umuulan." -Chase.

"Sana uulan nalang lage kung ganon."-sabi ko.

At nagkatinginan nalang kami habang nakangiti sa isa't-isa.

<Lollipoprincess: Hmmmmm... wala na akong ma-isip.>

HaPpY LoVe: Madly Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon