Chapter 23: She's Mine!!!

373 5 2
                                    

Phew~

Nakakagutom...

ako lang mag-isa sa bahay.

Napaka boring... Wala talaga akong magawa.

Naubos ko na sa kapapanood yung mga anime DVD ko.

Ano kaya ang gagawin ko???

*Ring* I Love You! I Love You! *Ring*

Ang cute talaga ng ringtone ko. ^____^

"Hi George... May ginagawa ka ba ngayon?" -Chase.

"Wala... bakit??" sagot ko.

"Gusto mong pumunta sa clubhouse?" sabi ni Chase.

"Mickeymouse clubhouse?" sabi ko.

tumawa si Chase sa kabilang linya.

"Hindi... ikaw talaga puro ka kalukuhan." sabi ni Chase.

Actually alam ko kung ano yang clubhouse na sinasabi ni Chase. Isa itong clubhouse para sa mayayaman na members nito, si Quincy, Chachi at Coffee ay members nga don eh... Ganon ka yaman ang mga yun.

Hindi nga lang halata. Maganda daw don dahil libreng nakakagalaw yung mga anak mayaman, mga artista at kung ano-ano pa, dahil walang media doon... Hindi ngalang nila alam na si Coffee ay mas higit pa sa mga media kung kumuha ng chismis.

Kaya nga laging tumatambay si Coffee don eh.

"Ano sama kama?" sabi ni Chase.

"Bakit???" sabi ko.

"Wala lang... gusto sana kitang ipakilala sa barkada eh." sabi ni Chase.

"Kilala na nila ako ano." sabi ko.

"Sige na. Kukunin kita jan sa bahay niyo." sabi ni Chase.

"Ikaw bahala." sabi ko, pero actually nagpapakipot lang talaga ako.

"Sabi mo yan huh." sagot ni Chase.

>At yun nga pumunta na kami sa CLUBHOUSE<

Wow naman! Ang sosyal!

Ang daming mayayaman!

Pwede ba talaga ako dito, actually bawat members kasi pweding magdala ng isang friend kung pumunta sa Clubhouse, sinama na nga ako nina Quincy, Chachi at Coffee dito eh... yung time na panay ang iyak ni Quincy dahil nagbreak sila ng boyfriend niya.

 Agad namang hinawakan ni Chase yung kamay ko sabay hila sa akin, patungo sa isang dako.

Yung dako kung saan yung pinaka-special open room sa buong clubhouse, kung saan ang may-ari at mga kaibigan ng may-ari ang pwede lang pumunta don.

Wow! sosyal si Chase,pumasok talaga kami don... ibig sabihin close friend siya ng may-ari ng clubhouse na ito. ^_______^

Bigatin!

Pagpasok namin, nandoon ang buong Troublemakers.

As in completo talaga sila pito!

Si Roockie at Skipper lang ay may kasamang mga babae, unknown ngalang saakin ang mga iyon.

"Guys... kilala niyo naman siguro si George di ba?... " sabi ni Chase sabay upo namin sa gilid.

"Yups! Hi! Georgy... kamusta kana?" Skipper.

"Hehehehehe... I heard ginulpe mo daw ang kapatid nitong si Yuan ah... ang brutal mo talaga kahit kailan." sabi ni Roockie.

Wow! Echosira din pala itong si Roockie.

HaPpY LoVe: Madly Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon