Back to school...
Sabihin niyo nang tamad ako... Pero para talaga sa akin isa sa mga pinaka-ayaw kung news ay yang sinasabi nilang "BACK TO SCHOOL"
At aaminin ko, during Geometry, Physics at Chemistry class ko... lage talaga akong nagdadasal na may dadating na ulan at idedeclare ng pangulo na walang pasok, o kaya holiday o di kaya hindi papasok yung teacher namin dahil nagkasakit... o ano pa man.
And mostly hinihiling ko mangyari iyon, during exam days, o di kaya quiz day... T_________T
>Naglalakad sa hallway<
Hinahanap ko kasi ang mga katropa ko...
Saan na kaya ang mga babaeng iyon?
Si Coffee hindi ko makita.
Si Quincy naman hindi na rin nagpapakita.
Si Chachi naman halos mag dadalawang buwan ng hindi nagpapakita.
May nangyayari ba sa mundo na hindi ko alam?
Latigil ako sa paglalakad ng biglang may humarang na multo... este biglang humarang si Dannica sa dinadaanan ko.
Kailan ba mapapagod at magtatanda ang mga ito sa panggugulo sa akin???
"We already told you to stay out of Chase pero hindi ka pa rin nakinig." sabi ni Dannica.
"Wala ka na naman bang magawa sa buhay mo ha at ako na naman ang nakita mo? ano ba kasi ang problema mo?" sabi ko.
"Why don't you come and see." sabi ni Dannica sabay hila sa akin.
"Ano ba! tigilan mo nga ako! Upakan kita jan eh!" sabi ko.
at binitawan niya nga ako...
HAHAHAHAHAHA!!!! natakot siguro.
"See for your self." sabi ni Dannica.
Nabigla ako sa nakita ko, nasa labas sina Chase at Louis nag-uusap... nagngingitian sa isat-isa sa isang bench.
parang pinunit yung puso ko.
Parang may sakit na hindi ko maintindihan kung ano.
"Alam mo naman siguro na Ex ni Chase si Louis... at sa nakikita mo... nagkakamabutihan na naman sila... Baka nga magkabalikan sila eh." sabi ni Dannica.
Biglang bumigat ang nararamdaman ko ng biglang hinalikan ni Louis sa pisngi si Chase at ganon din ang ginawa ni Chase.
"See I told you... Chase is always like that. Kaya wag mong isipin na may special treatment ka dahil sa totoo lang one way of showing kindness lang ang ginagawa ni Chase. Likhang mabait na yan, kaya nga maraming lumalapit sa kanyang babae at gaya mo iniisip nila na epescial sila ngunit sa totoo lang kaibigan lang ang turing ni Chase sa kanila... kaya wag kanang umasa-asa ganyan lang talaga si Chase sa lahat. At sa totoo lang-" natigil sa pagsasalita si Dannica ng may tumawag ng pangalan ko sa likuran namin.
"Hey George!" tawag ni Skipper.
nong tiningnan ko sa likuran ko papalapit sina Skipper at Roockie sa akin.
Hindi ko nga rin namalayan na umiiyak na pala ako.
ng ibinalik ko ang tingin ko sa kanilang Chase at Louis, nakita kung nakatingin si Chase sa akin habang nakatayo na.
"George?" mahinang sambit ni Chase.
Para bang nabigla siya ng makita niya ako...
Akong umiiyak.
Patuloy lang sa pagpatak ang luha ko.. I force to stop it pero hindi talaga tumitigil eh!
Hindi dapat nila ako makitang ganito.
Ayaw kung makita nila akong ganito! MATAPANG AKO!!!!!!
Agad akong tumakbo palayo sa kanila.
Hindi ko alam na ganon ang ibig sabihin ng lahat.
Hindi ko alam na ganon lang pala ang lahat.
Na ganon lang ang ibig sabihin ng lahat ng iyon. Yun lang!
I misunderstood everything.
Hindi ko aakalaing mapapa-iyak ako ng ganito.
Patuloy lang ako sa pagtakbo ng biglang may pumigil sa akin.
Si…
Si Chase.
BINABASA MO ANG
HaPpY LoVe: Madly Inlove With You
Любовные романыGeorge is a boyish girl, who secretly like Chase... the known Mr. Nice guy sa Campus na isa sa members ng TROUBLEMAKERS. It is just a simple Love story about falling inlove... Isang aksidente ang nag lead sa kanya para ma kausap ang matagal na niya...