1 week na naman akong nawala, pano ba kasi busy yung career ko eh.
Alam niyo naman sigurong ako ang representative ng school namin sa ladies category sa Tennis. Kaya ayon lumipad ang beauty ko sa Mindanao, particularly in Cagayan de Oro City kung saan yun ang napiling venue ng contest.
Aminin ko nang malaki ang pasalamat ko sa event na iyon, kahit papaano nakalimutan ko ang problema ko kahit ilang araw lang... yung makalimutan kahit sandali yung mga bagay na halos iniyakan ko nang 3 araw.
Kaya hito ako ngayon, nagpapahinga sa loob ng bahay. Inaasam ang pagka boring ng kwarto ko.
*RING>STUPID!STUPID!<RING*
Si Quincy tumatawag, ano kaya ang kailangan ng babaeng ito ngayon?
"Hello?" sabi ko.
"GEORGINA ANTHONIA!!!! Alam mo naman sigurong finals ng Basketball league: Troublemakers vs BlackPuma... Pupunta ka???" halos pasigaw na sabi ni Quincy.
"Uh...uh...kasi..." yun lang nasabi ko sa kanya, wala kasi akong mahagilap na dahilan.
"Wag ka nang magdahilan ng kahit ano ano pa, nag reserve na kami ng upuan mo. Nandito na din si Chachi, kaya ali ka na. Bye." sabi ni Quincy sabay Off ng cellphone nito hindi man lang hinintay ang magiging sagot ko.
-__________________- pupunta ako o hindi?
Isa si Chase sa maglalaro mamaya.
Sigurado akong hindi ko kakayanin ang bigat ng mararamdaman ko kung makita ko siya ulit.
*TOK*TOK*TOK*TOK*TOK*
Binuksan ko agad ang pinto, at tumambad sa akin si Papa.
Unga pala, naka-uwi na naman si Papa. Wala pa kasi siyang assignment eh... kaya ayon susulitin niya daw muna yung mga libreng araw niya dito sa bahay.
"George pumunta ang tatlong magugulong mga kaibigan mo dito kahapon. Ipinabibigay nila sayo, ticket para sa Basketball league finals ng school niyo." sabi ni papa.
"Hindi naman ako pupunta eh." sabi ko.
"Georgina, maaring hindi ko alam kung ano man ang problema mo o anuman ang nangyari. Pero anak ang lahat ng bagay nangyayari ng may dahilan... Kung may kasalanan man kung sino man yung nanakit sayo, ano nga ba ang pangalan nong nanliligaw sayo? si Carlo? Chris?... sino nga ba yun???" sabi ni papa.
"Chase po. at hindi po siya nangliligaw sa akin." sabi ko nalang.
"Ahhh... Oo nga si Chase. Kung may nagawa man siyang mali still may dahilan siya. Anak sa nangyari sayo may kasalanan ka rin sa parte mo, yun ang hindi mo pakikinig sa dahilan niya. Na-iintindihan mo ba? I didn't train and teach you to be weak George, walang problemang naayos kung tatakbuhan mo. Harapin mo na nang matapos na yan, matapang ka diba?" sabi ni Papa.
Grabeh tagos sa puso yung pinagsasabi ni Papa sa akin!
"Isa pa nakukulitan na ako sa dalawang kuya mo, nagiging zombie ka na daw." dagdag pa ni Papa.
napangiti nalang ako.
"Kahit kailan ang gulo talaga ng dalawang iyon. Pero papa... salamat ha." sabi ko nalang.
"Umalis ka na nga naghihintay na yung mga kaibigan mo, sayang pa naman yung ticket at isa maligo ka na rin, nangangamoy ka na." sabi ni Papa.
"Eh Papa naman eh!" sabi ko nalang, at nagwalkout na yung papa ko.
Somehow... I feel fine dahil sa sinabi ni papa sa akin.
Madali akong nag-ayos ng sarili para pumunta sa basketball league.
at kung ano man ang maaaring mangyari sa araw na iyon...
atleast...
naging matapang akong harapin iyon.
<Lollipoprincess: Sorry... late ako nag update ngayon ha... SORRY TALAGA SA LAHAT!!!! >_____< >
BINABASA MO ANG
HaPpY LoVe: Madly Inlove With You
RomanceGeorge is a boyish girl, who secretly like Chase... the known Mr. Nice guy sa Campus na isa sa members ng TROUBLEMAKERS. It is just a simple Love story about falling inlove... Isang aksidente ang nag lead sa kanya para ma kausap ang matagal na niya...