Part 2. SLOW DOWN, may broken hearted na di maka move on

198 5 0
                                    

Pagkatapos noon ay hindi ko na siya nakikita sa campus. Tatlong araw na siyang hindi pumapasok. Baka naman nagdrop-out na siya?

"Bro! Nasan si Ginny? Hindi ko yata siya nakikita ngayon." sabi ni Dustin habang palapit sakin

"Bakit sakin mo siya hinahanap?"

"Eh di ba lagi kayong magkasama? Ikaw nga lang ang ka-close niya dito eh..." tinignan niya ako ng nakakaloko "...ano Japoy? Pinopormahan mo na ba?"

"Tigilan mo nga ako.Di ako ganun!"

"Bakit? Di mo ba siya type? Ang ganda kaya niya. Kung ayaw mo, ako na lang."

Loko talaga tong si Dustin.

"Si Mandy nga hindi mo kinakaya, eh mas matinde pa si Ginny dun." sagot ko "Tol kung si Mandy baliw lang sayo, si Ginny baliw na talaga! Kakaiba ang mga trip niya sa buhay at nandadamay pa! Saka broken hearted yung tao."

"Asus. Ang dami mong sinasabi Japoy! Ang sabihin mo... miss mo na siya!" asar ni Dustin

Pero aaminin ko, medyo namiss ko nga siya.

Biglang nag-ring yung phone ko.

Unknown number? Sino kaya to?

"Hello?"

"Japoy..."

Teka, kilala ko yung boses nato ah.

"Ginny? Paano mo nakuha ang number ko?"

"Kay Mandy." sagot niya

Kay Mandy? Kelan pa sila naging close ni Mandy?

"Japoy samahan mo ko."

Teka bakit ganun yung boses niya? Umaatake na naman ba ang pagiging broken hearted niya?

"Ah eh... May klase pa kasi ako Ginny."

Hindi na siya sumagot tapos ay nag-end call na siya.

"Si Ginny ba yon? Pupuntahan mo siya? Pano yung klase mo?" tanong ni Dustin

Hay... sakit talaga siya sa ulo. Mamaya kung ano pa ang maisipan niyang gawin pag mag-isa lang siya. Mapuntahan na nga...

Tinawagan ko yung number niya.

"Hello, Ginny?"

"Nasa tapat ako ng gate ng University." yun agad ang sinagot niya.

Paano niya nalaman ang itatanong ko?

Paglabas ko ay nakatayo lang siya habang nag-aantay.

Hindi ko maipaliwanag pero may iba sa kanya ngayon.

Nagpunta kami sa isang kainan at wala siyang imik.

Kauumpisa palang naming kumain pero parang wala na agad siyang gana. May iba talaga sa kanya... Para nagpipigil lang siyang umiyak.

"Kinakamusta ka pala ni Dustin." sabi ko, may masabi lang...

Hindi siya sumagot. Napakagat lang siya sa labi niya at bigla nalang siyang napaluha, pero pinunasan niya rin agad.

"Naiiyak ako." sabi niya "Paano ba to mapipigilan?"

"Uminom ka ng tubig."

Ang totoo hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Naisip ko lang yun kasi ganun pag pinapatahan ang mga batang umiiyak.

At yung pag-inom niya ng tubig... na-uwi sa inom ng alak.

Sabi niya hindi siya umiinom, eh mukhang mas malakas pa siyang uminom sakin eh. Light nga lang yung akin, samantalang yung kanya hard drink.Tingin ko nga lasing na siya.

Bawal Ma-inlove, NakakabaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon