Part 4. NO U-TURN, sinaktan ka na nga babalikan mo pa

171 8 0
                                    

Wala ng masyadong estudyanteng sa campus. Finals week na kasi, end na naman ng semester. Summer vacation na.

Katatapos ko nga lang ngayon ng final exam ko pero kailangan kong bumalik sa room dahil naiwan ko yung scientific calculator ko dun noong nagtest kami kanina.

Pagpasok ko sa room, wala ng tao. Bingo! Nandun nga yung calcu. Paglabas ko ng room nakita ko si Ginny na palapit sakin, at may kasunod siya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Ginny na nagmamadali

Tinulak niya lang ako pabalik sa loob ng room. Isasara niya dapat yung pinto pero napigilan ito nung lalaking sumusunod niya.

Nasa loob kaming tatlo ngayon ng room.

Sino siya?Iba yung porma niya, mukhang mamahalin ang suot.

"May kailangan ka ba?" tanong ko sa lalaki pero hindi niya ako pinasin

"Ginny ano ba, wag mo naman akong iwasan." sabi nung lalaki

Kilala niya si Ginny? Sino ba siya?

"Ano pa bang kailangan mo Sam?!" sabi ni Ginny

SAM? Siya si Sam? Hindi ko mapigilang ikumpara ang sarili ko sa kanya, at nanliliit ako.

Bakit siya nandito? Ito na ba yon?

"Ginny mag-usap tayo." tumingin sakin si Sam na parang pinapalabas ako.

Lalabas na sana ako pero...

"Japoy wag mo kong iwan." pigil sakin ni Ginny

"Look... Gi I'm sorry, nagkamali ako." sabi ni Sam "Aaminin ko, I did that cause I felt that I need a breath of new air. Para kasing nasanay na tayo ng tayong dalawa lang lagi, 6 years tayong ganon. Magulo ang isip ko noon pero noong iniwan mo ko, noong nawala ka... nalaman kong hindi pala yon ang kailangan ko..."

Napatingin ako kay Ginny, umiiyak na siya.

Ito yung matagal na niyang hinihintay... Lumapit lang sa kanya si Sam at magsorry, handa siyang magbigay ng second chance. At nakikita ko yun sa mga mata niya.

Gusto kong umalis pero... hindi ko magawa.

Nagpatuloy si Sam "I just need to realize how much I love and need you. And I feel so bad for hurting you. At dinamay ko pa pati si Ken. Call me jerk or whatever, I deserve it. But I just want you to give me a chance. Another chance Ginny."

"You're a jerk Sam!" sabi ni Ginny habang umiiyak "Nasasakal ka kaya iniwan mo ko dati, ngayon bumabalik ka kasi kailangan mo ko... Bullshit naman. Ganun lang ba kadali sayo yon?! Hindi ba pwedeng mahirapan ka muna? Hindi ba pwedeng masaktan ka rin muna? Ang selfish mo!"

"Ginny... I'm sorry." yun lang ang nasabi niya

"Sobra akong nasaktan. I want to hate you... but I can't, at yun ang pinakamasakit." tapos ay umiyak na si Ginny ng umiyak.

Lumapit si Sam sa kanya at...

...niyakap siya.

"I'm sorry. I'm really sorry." paulit-ulit na sabi ni Sam

Tama ako, mahal pa rin ni Ginny si Sam. Ang tanga ko kasi. Siya na nga nagsabi, wag akong maiinlove sa kanya. Sino ba naman ako? Ang layo ng pagitan ko kay Sam. Mas bagay sila. Ngayon alam ko na... ang sakit pala talaga.

Napatingin si Sam sa wrist watch niya. "I need to go. I going to States at mamaya na ang flight ko. Doon na magse-settle ang family namin. Ayoko pero wala naman akong magagawa." sabi niya "But I will return next week... meet me sa favorite place natin. I want to know if may reason pa ba ako na mag-stay dito sa Philippines. Let's start over again."

Bawal Ma-inlove, NakakabaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon