Start Here...

387 12 0
                                    

Anong gagawin mo kung may makilala kang hot chick? Syempre matutuwa ka.

Eh paano kung baliw at kakaiba ang trip niya sa buhay? Aba! Tumakas ka na!

Pero iba ang case ko, kahit gusto ko ng takasan siya, damay na ako sa kabaliwan niya.


<Japoy's POV>

2nd sem, 3rd year college na ako.

Ako yung taong walang pakialam sa nangyayari sa paligid ko... Pero hindi ko alam kung bakit noong oras nayon ay tumingin ako sa kanya, bakit tinignan ko pa siya... Doon pala mag-uumpisa ang kaguluhan sa tahimik kong buhay...

Aaminin ko, nakuha agad niya ang atensyon ko. Naka-upo siya sa may gilid ng field. Para siyang model. Ang puti niya, at ang tangos ng ilong. Ang ganda niya... kaso malungkot. Nakatingin siya sa kawalan, parang ang lalim ng iniisip. Naalala ko tuloy si Kristen Stewart sa movie na Twilight, ganun ang dating niya.

Tapos bigla siyang napatingin sakin... nagkatitigan kami ng ilang segundo pero umiwas ako ng tingin.

Sino siya? Ngayon ko lang siya nakita dito sa campus... di siya pamilyar. Di naman siya mukhang freshman, mukhang ka-age ko na nga siya eh.

...

Pagkatapos noon lagi ko na siyang nakikita sa pwestong iyon sa ganung oras. At habang tumatagal, nagiging usapan na siya ng ibang estudyante.

"Dustin pare, eto na ung powerpoint presentation mo. " sabi ko kay Dustin, barkada ko

"Thanks bro, on time ka talaga. By the way, kilala mo na ba yung new student, yung maganda?" tanong niya

"Nakikita ko lang, mukha namang suplada. Bakit interesado ka?"

"Hahaha, well maganda naman siya, ayusan lang ng konti pwede na. "

"Hey Dustin, Japoy!" Napatingin kami sa nagsalita...

"Mandy" ...si Mandy, astang-queenbee ng campus, baliw sa pag-ibig kay Dustin

Kinakausap niya lang ako dahil ginagawa niya akong tulay sa kanilang dalawa ni Dustin.

"That new student, rich girl ba talaga siya?"

Rich girl? Teka bakit ako ang tinatanong niya?

"I think so..." sabat ng isang kasama ni Mandy "...everyday iba-iba yung shoes niya, tapos branded pa ang clothes niya. "

"And yung gadgets, apple yung laptop at latest model yung iphone niya" dagdag pa ng isa

Napansin pa talaga nila yun? Eh tingin ko normal na college girl lang naman ang porma niya.

"Sabihin na nating rich girl siya, pero I think boplaks siya. I heard nag-enroll siya sa university natin kasi bagsak siya sa pinang-galingang university niya. Right Japoy?" inis na sabi ni Mandy

"Pasensya na pero wala akong alam eh, sige mauna nako sa inyo. "sabay takas ko sa chismisan nila.

...

Usapan na nga siya sa campus, madalas ko siyang marinig... pero akala ko hanggang dun lang ang epekto niya sakin. Hanggang isang araw...

"Basketball practice na mga pre!" sabi ni Dustin "Japoy sama ka?"

"Hinde, wala akong hilig dyan"

Ang totoo wala talaga ako talent sa basketball... para ba kasing ayaw sakin ng bola.

Tumayo ako at palabas na sana ng room. Nasa may pintuan nako ng...

"Japoy salo!" -biglang pinasa sakin ni Dustin ang bola.

Nagulat ako at sasaluhin ko na sana yung bola, kaya lang medyo nalate ang reflex action ko kaya dumaplis sa kamay ko, at medyo malakas ang pasa kaya tumalsik sa may corridor.

Pero hindi lang yun...

Yung babaeng maganda, yung new student... nakatayo siya sa may corridor at tinamaan yung arm niya ng bola kaya tumalsik din yung hawak niyang laptop... Lumipad ito palabas ng building at...

"What the hell!" sabi niya sabay dungaw sa ibaba

"Sorry!" sabi ko agad at dumungaw din ako sa ibaba.

"Anong nangyari?" pati sina Dustin tumakbo palabas at tumingin din sa ibaba.

Yung laptop niya, nahati sa dalawa at wasak. Nasa 4th floor kaya kami!

Parang nanlamig ang pakiramdam ko, at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Teka Apple laptop ba yun?" tanong ni Dustin. Apple? Mahal yun diba?

"Yung report ko nandun." sabi niya

Siguradong galit siya.. yari ako!

"Oh my god, maaayos pa ba yan?" sabi ni Prof Garcia...Bakit may kasama siyang prof?

Napatingin silang lahat sakin.

"So-sorry! " nauutal kong sabi "Si Dustin kasi biglang pinasa sakin yung bola eh hindi ko nasalo kaya tinamaan ka, bakit kasi hawak mo ang laptop mo dyan sa may gilid ng corridor?!"

"I was the one originally standing here..." sabat ni Prof Garcia "...then Ginny approached me to show her report."

Napatingin ako sa kanya... at galit siya sakin, kita ko sa mga mata niya.

...

At dito nagsimula kung paano ko siya nakilala... AT KUNG PAANO KO NASAKSIHAN ANG KABALIWAN NIYA.

BAWAL MA-INLOVE, NAKAKABALIW by MayGoddess

Bawal Ma-inlove, NakakabaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon