Part 3. STRAIGHT AHEAD, 1 km nalang makaka move on ka na

147 4 0
                                    

Queen City of the South... Nagpunta lang naman kami dito sa CEBU.

Minsan naiisip ko, hindi ba pinapagalitan si Ginny na mga magulang niya sa pag-gala niya? Una sa lahat, babae siya at di naman nila ako kilala para pagkatiwalaan na kasama niya. At pangalawa, ang gastos niya. Sagot niya ang plane ticket ko papunta dito. Spoiled rich kid.

Ang totoo ayaw ko sanang sumama kay Ginny.

Naguguluhan kasi ako sa sarili ko... Natatakot akong mapalapit pang lalo sa kanya, pero gusto ko rin naman siyang makasama. Ewan! Basta!

Sa Cebu, nagpunta kami sa Sacred Parish Church Cebu at nagdasal kami pareho.

Paglabas namin...

"Ginny, bakit dumayo pa tayo sa Cebu para lang magdasal?"

"Symbolic kasi ang church nato sa parents ko. Dito unang nakita at nakilala ni dad si mommy at dito naman humingi ng sign si mommy kung si dad na talaga yung para sa kanya."

"Taga Cebu ang magulang mo?"

"Hindi noh! Marami talagang dumadayo dito sa simbahan nato."

"Ano bang pinagdasal mo?" tanong ko

"Marami... hiniling ko kay God na sana... mawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sana hindi ko na siya iyakan. At sana maging okay na ulit ako." sagot niya

Mukhang pinagbigyan agad siya ni Lord ah... mas maaliwalas na kasi ang mukha niya ngayon. Mas lalo pa siyang gumanda.

"Ikaw Japoy anong pinagdasal mo?"

"GOOD HEALTH." sagot ko

"Showbiz lang? Yung totoo!"

"Totoo yun! Saka sana... maging masaya ka na."

At may isa pa...sana malinawan na ang utak kong naguguluhan.

"Japoy..." naging seryoso siya "...SALAMAT."

"Saan?"

"Wala ang bestfriend ko sa oras na pinaka kailangan ko siya. Pero nandyan ka para samahan ako. Kailangan ko kasi talaga ng taong mapaglalabasan ng nararamdaman ko. Yung makikinig sakin, buti nandyan ka."

Dati sabi ko... kaya ko nakilala si Ginny kasi kailangan niya ako. Kailangan niya ng makakasama, ng dadamay sa kanya. Mali pala. Ako pala ang may kailangan sa kanya. Dahil kay Ginny nalaman ko na may magagawa pala ako, na... kaya kong maging mas mabuting tao. Na mas magiging masaya pa pala ako.

Nagpunta kami sa isang kainan para maglunch. Habang kumakain...

Nagagandahan talaga ako kay Ginny at hindi ako magsasawang titigan ang mukha niya ng buong araw, pero... yung ako yung tinititigan niya kanina pa, na-iilang na talaga ako.

"Ano ba yon? May dumi ba ako sa mukha?"

"Hmm? Wala."

Bigla siyang lumapit sakin at tinanggal ang suot kong eyeglasses, yung binigay niya.

"Wag mo na tong isuot." sabi niya

"Eh diba sabi mo pang distract to kasi magka-mata kami." pagtutukoy ko kay Sam

"Hindi ko na siya naaalala pag natingin ako sayo." sagot niya

"Okay." ...mas okay, mukha rin kasi akong nerd pag naka salamin

"Saka... mas gwapo ka pag walang salamin." dugtong pa niya tapos ay nagpatuloy na siya sa pagkain.

Napangiti naman ako.

Kinilig ako sa sinabi niya. Ang saya ng feeling. Gwapo daw ako.

Paglabas namin ay napansin namin na parang may event.

Bawal Ma-inlove, NakakabaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon