Part 5. THIS WAY to another chance sa pag-ibig

199 8 2
                                    

Pagdating ko sa meeting place namin ni Sam...

"Ginny!" sinalubong agad ako ni Sam at niyakap ng mahigpit.

Niyakap ko rin siya.

"Thank you for giving me another chance. Sabi ko na mahal mo pa rin ako eh. Ginny I promise I'll be better. We'll start over again."

"Sam..." umpisa ko "I'm came here to tell you na... I don't have those feelings for you anymore."

"What? Ginny I don't get it." naguguluhan pa siya

"I forgive you, sincerely. At nagpunta ako dito para maging maayos ang paghihiwalay natin. I hope someday pag nagkita ulit tayo, we can start again... as friends."

Now I understand. Kaya ko gustong pumunta ay dahil kailangan ko, kailangan namin ni Sam. Hindi para makipagbalikan kundi para sa closure.

"Ginagantihan mo siguro ako noh?" sabi niya

Nagulat ako... "No Sam, I-"

"It's ok. I deserve it. Umasa pa ako, mas masakit pa lalo tuloy."

"Sorry." Yun lang ang nasabi ko sa kanya.

Alam kong masakit pero kailangan namin to pareho... para makapagsimula ulit, at para makapagpatuloy.

Parang kami ni Japoy... hindi pa kami tapos. May utang pa siya sakin! Lagot siya!

Tapos na ang summer break. Simula na naman ng semester. Last year ko na to, tapos graduating na ako.

Pagpasok ko sa campus, napatingin agad ako sa lugar na laging pinupwestuhan ni Ginny... pero wala siya doon. Bakit ba umaasa pa ako?

Naalala ko dati, nagsisisi pa ako kung bakit ko ba siya tinignan. Dahil kasi doon nadamay ako sa kabaliwan niya. Pero di ko akalain na mababaliw din pala ako sa kanya.

Siguro bumalik na siya sa dati niyang University. Sigurado akong magkasama sila ni Sam ngayon.

Napabuntong hininga nalang ako. Miss ko na siya.

"ARAY!"

Biglang may nangbatok sakin.

Teka... isa lang ang gumagawa nito sakin... Pagtingin ko sa likod ko...

"Para yan sa hindi mo pagpaparamdam ng 2 buwan."

Si... Ginny. Si Ginny nga! Nandito pa rin siya. Bakit? Paano?

"Nandito ka? Paano kayo ni Sam."

Umiling siya.

"Wala na si Sam. Tapos na yung samin. Tinapos ko na." nakangiti niyang sabi

Nagulat ako at medyo naguguluhan..

"Pero akala ko..."

"Mahal mo ko?" tanong niya bigla

At dahil gulat pa rin ako na nandito siya, napatango lang ako.

"Bakit hindi mo nalang sinabi sakin ng diretso?" sabi niya "Binigyan mo pa ako ng palaisipan, tapos bigla kang hindi magpaparamdam. Kung isang mahalagang tao na naman ang mawawala sakin, I don't know if kakayanin ko pa."

"Teka, ibig sabihin mahal mo rin ako?"

"No!" sagot agad niya, defensive ah "...Maybe. I don't know. I'm still figuring that out. Willing ka bang mag-wait?"

Tinatanong pa ba yan? Minahal ko nga siya kahit may mahal pa siyang iba dati, ngayon pa ba na may pag-asa na ako...

"Si pareng Japoy pa, kahit gaano pa katagal yan, basta ikaw." sabat ni Dustin na bigla nalang lumitaw sa tabi namin

Bigla ring dumating si Mandy "Oh my gosh! Ang tagal ko ng nanliligaw kay Dustin, naunahan niyo pa kami. Kayo na agad?"

"Hindi pa!" tanggi agad ni Ginny

Ang cute niya talaga.

"Pero malapit na." dagdag ko

Sinong mag-aakala na magkakasama ko pa ulit si Ginny. At nagka chance pa ako sa kanya! Tadhana ba to? O pagkakataon lang? Ewan! Wala talagang sigurado sa pag-ibig. Ang hirap isipin, mababaliw ka lang. Ang mahalaga masaya kami pareho.

THE END.

Thank you for reading.

Bawal Ma-inlove, NakakabaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon