Parang ang irrelevant na ng mga memes ngayon.
Siguro para sa 'kin lang. Hindi na kasi ako natatawa. Parang bihira nalang at yung bihira naging poker face na.
Alam kong hindi naman ako matalino para makaintindi ng higher form of memes, kaya lang, yung mga naiintindihan ko parang... paulit-ulit nalang. Lahat De javu.
Kaya ito ako ngayon, naghahanap ng puwedeng balikan at ikumpara sa dati.
Ako lang siguro ang hindi na tumatawa. Ang hindi na alam kung saan ba dapat tumawa.
Pati nga yung mga memes tungkol sa kurap na mga pulitiko, hindi na ako natatawa, yung iba sumasabay nalang sa uso, yung iba alam mong pinag-isipan talaga, at talagang nag-aalala.
Wala na kasi siguro yung mga nagsusuntukan sa kalsada at nagbabalibag ng lamesa, nagmumurahan kahit magkatabi, mga estudyante sa skul, nagsasabunutang estudyante, nahuhulog sa kanal, nagsisigawan dahil sa parking lot, mga scandal, mga siraulo sa daan, at kung ano-ano pang nakakamesmerize na pangyayari.
Talagang nirepress tayo ng COVID 'no? Nakakagigil na eventually masasanay ka nalang.
Puro online nalang.
Buti nalang at naputulan kami ng wifi.
Malay mo ako na pala ang The last meme standing.
YOU ARE READING
Ako bilang gangster sa lipunan at bahay
RandomDiary. Siguro yuon ang tawag. Ilalagay ko ang mga kahihiyan, kawalang-yaan, at kawalang kwenta ko sa buhay dito para naman magkaroon kayo ng self steem.