ling

11 1 0
                                    

Mamatay mag-isa.

Tatlong beses ko na yatang sinigaw 'yan sa ka-batch ko noong elem na ka-purok ko rin.

'Di ko alam kung anong trip niya sa buhay at palagi niyang tinatanong kung may,

"May darling ka na ba?"

Siyempre sasagot ako ng wala.

At hindi siya maniniwala. Lalabian niya pa ako at sasabihing,"imposible."

At ako naman uulitin gamit ang,"oo nga, kulit." At ipagpapatuloy ang paglalakad papunta sa bahay ni lola Teeeeett para mag-agiw ng kisame.

Nagsalita siya ulit. Tumingin ako pabalik.

Titingin siya at hahawak sa motor ng pinsan niya."Magdadarling ka rin lang."

Pero mas may sapak kapag ilokano.

"Agdarling ka tu met lang."

Darling? Pang-tito ang pota.

Oo. Mumurahin na kita rito kasi hindi ko magawa sa totoong buhay. Syete.

Mamatay mag-isa! Sigaw ko pabalik.

Kasi kailangan ba lahat ng tao ang nanaisin ay ang may labidab? Hindi 'no. Tanginang ka-cornyhan.

May mga tao ring pinapahalagahan yung loob ng sirkulo niya at ayaw nang dagdagan pa. Hindi siya masaya kung meron pang isa. Napapagod kasi.

Yan ang sa tingin ko. Pero ewan ko sa inyo. May kaniya-kaniya tayong pananaw pagdating sa ekonomiya at pagpasok ng mga nilalang sa buhay natin.

Salamat nalang at meron kaming dini-display na magnet sa ref namin dahil sa ninang ang nanay ko sa binyag ng anak mo.

Pero,

"Gusto ko lang talaga sarili ko, e."

Ako bilang gangster sa lipunan at bahayWhere stories live. Discover now