Kung papipiliin ka, ano?
"Talaga bang tama 'tong binigay sa 'yo? Sure ka?"
"Oo, siguro, nakita raw nila sa desk ni ma'am. At advisory teacher nila si ma'am."
"Baka mali 'to."
"Baka—e—basta 'yan yung binigay nila."
"May tissue ako."
Either ways. Pinili pa rin namin yung kodigo.
Hindi naman sa nag-review. Nag-review kami kaya lang talagang walang pumapasok sa utak namin. Siguro dahil alas-tres na ng hapon at inaantok na kami? O baka hindi talaga namin intensyong masagap lahat ng ni-re-review namin noon.
Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming ilagay sa tissue no'n yung sagot. Para daw kunwari pampunas pero tumitingin pala sa sagot. E 'di ba parang delikado rin 'yon?
Nagdadalawang-isip kami sa kodigo pero kahit na wala kaming tiwala sa binigay nilang papel ay tinuloy na lang namin kasi nakakatamad talagang i-memorize ang formula ng circle.
At ayaw na rin namin mangopya; ayaw na naming tumayo para mangopya. Panahon na para kami naman ang hindi mahirapan. Kami naman ang sasagot nang mabilisan.
"Sure na kayo dito?"
Lahat kami napatanong. Pero nagtiwala pa rin kasi wala ng choice bukod sa pag-re-review nang tadtaran.
Wala kaming nararamdaman habang nag-su-summative test kami, basta natapos na lang na ti-n-a-try naming basahin 'yung questions pero syempre redundant: no choice.
Nag-pass kami. Na-check na ng kabilang section. Chill lang kmaing kinuha 'yung papel. At natuwa.
Dahil. 3/40.

YOU ARE READING
Ako bilang gangster sa lipunan at bahay
RandomDiary. Siguro yuon ang tawag. Ilalagay ko ang mga kahihiyan, kawalang-yaan, at kawalang kwenta ko sa buhay dito para naman magkaroon kayo ng self steem.