Shell pero egg

9 1 0
                                    

Buong buhay ko pala naglalakad ako sa eggshell.

Yes. Isang banyagang wika sa isang pangungusap.

Puwera biro. Kahit pala ngumingiti, tumatawa—palaging may pangamba akong na-fe-feel.

Hindi siya stagnant.

Normal lang naman siguro.

Ingat na ingat ako sa mga sinasabi ko hanggang sa, "ah, wala na pala me kausap."

Pag gising, 'yun agad ang nasa dibdib ko; heavy.

Pati kapag nagagalit. 'Di ko sure kung galit ba talaga ako o galit ako dahil dapat magalit ako sa ganitong dahilan.

Hihiga.

Uupo.

Pipikit.

Maghuhugas ng pinggan.

Kakain.

Magdadasal.

Mag-aaral.

Bibili.

Iiyak. Pero natutulugan. May sched, e.

Maglalaba.

Lahat, para akong naglalakad sa alambre at pagnahulog ako ang sasalo sa 'kin eggshells rin.

Hindi ako sanay. Masyado akong comfortable sa sarili ko.

Pero kahit na itong kaligayan ko, hindi ko rin hinihiling ang greater na pamumuhay. (Ĺ0wkeY w4nt1nG y4ma4n tal4guh)

Gusto ko lang maayos ang lahat. Oo, kunwari mature kahit na walang ginagawa maghapon kundi ang mag-isip ng kung ano-ano(i.e; justifications, gustong maging gaga yung kinakaiinisang tao—at babalik na naman sa praktikal na katotohanan).

Siguro, kahit na ganito pa rin pag gising—alam ko namang meron lang switch para magbago. 'Di ko nga lang talaga mahanap.

Subconsciously, sinasabing,"'di ka pa handa, kapatid, bukas na lang."

Maaga akong natutulog. Procrastinator rin.

Crammer.

Kaya lang, ayoko na. Gusto ko nang maging healthy modapaka.

Anxious ako sa maraming bagay, pero 'di naman ako na-imporma na araw-araw pala, twentipor seben.

Hayop, putangina, pus, pis.

Ako bilang gangster sa lipunan at bahayWhere stories live. Discover now