MAAGA akong nagising ngayon, dahil ang araw na 'to ang isa sa mga hinihintay ko at 'yun ay maging legally eighteen years old na ako!
Puwede na rin akong mag-boyfriend, pero biro lang! gusto ko pa kayang makapagtapos ng pag-aaral. Bago pumasok ulit sa relasyon na 'yan.
Tumayo na ako at naligo para hindi ako asarin nina Ate Jin at Ate Jess pagnagkataong nakita nila ako.
"Happy birthday Ma'am Geria!"
"Happy birthday Geria!"
"Happy birthday Geria!"
Bati ng mga katulong namin dito sa bahay at sinagot ko naman sila ng may ngite sa labi.
"Maraming Salamat po!" Pasasalamat ko pa sa kanila.
Nagpatuloy ako sa paglabas para pumunta sa Garden nitong bahay nila lolo. Ang Garden kasi ang na pili kong lugar para sa gagawing party.
Masaya ako ngayon hindi lang dahil sa birthday ko! Kundi dahil na rin sa umuwi sina Mommy At Daddy para sa birthday kong 'to!
Umuwi rin sina Laren dahil kasama sina Kuya Delix sa eighteen tulips ko. Muhkang marami rin kaming bisita ngayon, dahil invited rin kasi 'yong mga friends nila Mommy at syempre hindi mawawala 'yong partners nila sa negosyo.
"HAPPY eighteen BIRTHDAY BABY!"
Halos sabay na bati nila Mommy, Daddy, Lolo, Lola At nina Ate sa akin.
Isang malaking ngite naman ang kumawala sa labi ko dahil sa ginawa nila. Wala ngayon 'yong mga loko kong mga kaibigan. Dahil mag-re-ready daw kasi sila para sa eighteen candles ko. Parang sira lang!
"Thank you po sa inyong lahat! I love you po talaga!" Pasalamat ko sabay kiss sa mga pisnge nila at niyakap ko naman sila Mommy.
"Oh! dalaga na talaga ang baby namin..... 'Di ba Daddy? kainis naman ang bilis niyo kasing lumaki e!" naiiyak na sabi ni Mommy. Kaya kumalas naman ako at sinamangutan siya dahil sa sinabi niya.
"Mommy, kahit eighteen na ako, baby niyo pa rin ako..... Hindi nga lang tulad ng dati. Pero still, walang magbabago!" ngiteng wika ko.
Magandang ngite rin ang sinagot nila Mommy sa akin sabay halik sa noo ko.
[------------------------]
TAPOS na akong ayusan at na isuot ko na rin ang gown ko. Hindi ko masyadong mai-de-describe ng maayos 'yong design ng gown ko.
Dahil hindi naman ako sanay at lalong hindi ako magaling sa mga ganito. Color pitch off-sholder with pitekot kaya mabigad masyado, roses and tulips din ang design. I choose to wear high heels pitch.
And for my hair style, I choose to simply straight it. They suggest that I most wear flower crown and I'm okay with it. It's also fits me right.
"Good evining ladies and gentlemens! Please welcome our birthday lady! Miss Geria Lilyn Hortil!" tawag ng host sa akin.
Kaya lumabas na ako kuwarto dito sa baba papunta sa Garden. Hindi ko kilala ang magiging escorte ko ngayong gabi hindi kasi namin na pag-usapan 'yun nila Mommy.
Nakangiteng lumabas ako sa pinto at sinalubong sila ng may tuwa sa mata at labi. May isang lalaking nakamaskara ang lumapit at naglahad ng kamay sa akin.
Walang alinlangan kong tinanggap 'to at muntik pa akong mapabitaw ng makaramdam ako ng kakaibang kuryente.
Ngunit hindi ko na 'to pinansin pinagpatuloy namin ang paglalakad namin papunta sa stage.