Two Years na magmula ng huli kong makita sina Kuya Delix At Ate Coren ang balita ko kasal na daw sila. Invited ako no'n pero hindi ako nakapunta dahil sa pisteng lagnat na 'yun!
Si Ate Coren nga pala ang isa sa eighteen candles ko no'ng birthday ko. Naging close na rin kami sa kaniya kahit sa maikling panahon lang.
Marami nang nangyari na hindi ko aakalain na mangyayari, tulad nalang ng tuluyan ng umalis ng bansa si Weilia para umuwi sa Singapore.
Mabuti nalang at tinupad na nito ang pangako niya sa amin na hindi na niya ulit tatanggapin 'yong ex niyang manloloko.
"Mabuti naman at nadala ka na! at least, kahit papaano graduation muna ngayon sa pagiging mantir at tanga! Congratulations babes!" asar ko sa kaniya ng sinabi niya sa amin ang naging desisyon niya.
Malapit na rin palang mag-iisang taon sina Kuya Siver at Breline, akalain mo 'yun naging sila no'ng summer season. Limang buwan pa kaya nanligaw si Kuya Siver kay Breline dahil rin kay Laren.
"Ate Breline! pahirapan at patagalin mo, muna si Kuya sa panliligaw. Bago mo siya sagutin.... Hmm.... Ayos na siguro 'yong five months Ate!" ngising wika nito kay Breline.
At nang malaman ni Kuya Siver ang sinabi ni Laren kay Breline. Tungkol sa patagalin 'tong manligaw ay halos umabot na sila sa labas nitong village sa kakahabulan.
Ang epic talaga ng muhka ni Kuya Siver no'n e! Habang tawa naman ng tawa si Laren.
Dalawang taon na rin magmula ng huling kita ko kay Deros hindi na kasi siya sumasama kina Kuya Siver pag-vacation time.
Dahil daw sa busy at marami rin siyang ginagawa sa pag-aaral niya, fourth year College na kasi siya kaya gano'n nalang siya ka busy at totok sa pag-aaral niya. Habang ako naman ay second year College nasa koursong BSHM.
"Geria, kita nalang tayo mamaya sa lunch time. See you!" paalam ni Edjearin sa akin.
Habang kasama ang boyfriend niya na walang iba kundi si Ren, aso't pusa man no'ng una. Tinalo naman ang mag-asawa kung maglambingan.
Du-ah! ako nalang ata 'yong single sa amin, si Ate Grayce kasi stay strong pa rin sila ng long time boyfri-- este fiance na niya pala. Si Weilia naman may boyfriend na five months ago pa 'di ba!
"Sige, babe!.... Ingat kayo! Ren! Ingatan mo 'yang kaibigan ko." matigas na utos ko.
Tanging tungo lang ang sinagot niya sa akin at umalis na sila. Parehong BSBA ang course ng dalawa 'yun.
"Tatanda talaga siguro akong dalaga! well, okay lang naman siguro sa kanila Mommy 'yun." Kausap ko sa sarili.
Pati nga rin 'yong dalawa kong Ate may lovelife na, It's complaceted nga lang talaga 'yong kay Ate Jin at Kuya Clizon, alam ko naman 'yong dahilan kung bakit may trust issues si Ate Jin sa Doctors.
Hindi kasi makalimutan ni Ate 'yong pagkawala ng Lolo namin in mother side, Nalaman na rin kasi ni Ate 'yong pagiging Doctor ni Kuya Clizon kaya ayon LQ or nag-away lang? Aba! Ewan ko pareho lang ata 'yun.
"Hayst.... Makapasok na rin nga ng classroom maraming epal dito." walang ganang bulong ko.
Sina Kuya Drie at Ate Jess naman ay nasa ligawan stage na 'di ba! Tinamaan rin ang loko.
Indenayal pa no'ng una, pero siya rin naman ang gumawa ng paraan para lang makausap si Ate Jess. Masyado kasing busy si Ate dahil rin sa fourth year College na rin siya.