3- Reasons behind

39 0 0
                                    

"Pupunta lang muna ko sa wash room, antayin mo ko dito ah?" Sabi ko kay Max.

"Sige, bilisan mo ah"

Lumabas na ako at naglakad na papuntang wash room. Naiihi na kasi ako eh.

Naglalakad ako ng diretso nang bigla na lang may bumangga saken at natapunan ako or I'd rather say 'tinapunan' ako ng juice.

"Watch where you're going stupid bitch! Look what you've done to my uniform" Sabay turo nya sa uniform niyang wala namang bahid ng juice. -_-

Keep calm and hingang malalim Sey, wag kang magpapadala sa panget na yan. :)

"Ikaw kaya ang bumangga saken, tingnan mo tong uniform ko oh" mahinahon kong saad kahit deep inside gusto ko na sya balatan! Grrr.

"Aba't sumasagot ka pa ha! Ano bang gusto mo? Away o gulo?"

"Away o gulo? Sorry ayoko nyan, gusto ko WAR!" Tsaka ko sya sinampal ng buong lakas sa imahinasyon ko.

Ayoko siyang patulan dahil first and foremost alam ko namang naiinggit lang sya saken kasi kahit nerd ako mas maganda pa rin ako sakanya, hahaha. At isa pa, ako ngayon si Lindsey OWEN! Mahina, takot, nerd, geek, good for nothing Lindsey Owen. Ayokong dahil lang sa kanya masira ang mahigit tatlong taon ko ng pag papanggap.

Siya si Stacey Mendoza. Cheer leader, slut at whore. Parang female version ni Tyrone. Hindi mo naman kasi maipagkakaila na maganda talaga sya at sexy, yun nga lang sinira ng ugali nya ang lahat ng yon.

Huminga muna ako ng malalim para mapakalma ko ang sarili ko tsaka ko sya sinagot.

"Ano ba talagang kasalanan ko sayo?"

"Actually hindi ko rin alam eh. Pero dahil naiinis ako sa muka mo eh sorry ka na lang, BITCH!"

And in a blink of an eye parang bigla kong nakalimutan na nerd ako. Napakawalang kwenta ng dahilan nya para ibully ako sa loob ng dalawang taon. All these years binubully nya lang ako dahil sa naiinis sya sa muka ko? Bakit hindi nya ibully yung sarili nya? Nakakainis rin naman ang mukha nya ah!

Sa sobrang galit ko sa dahilan nya at sa sobrang inis ko rin sa muka nya. Sinampal ko sya ng napakalakas na halos mapaupo na sya. Pinagsasabunutan ko sya hanggang sa mapasalampak na sya sa lapag habang nag mamakaawa sa aken.

"Stop it please! Stop!" Yan ang sinasabi nya pero imbis na maawa eh lalo akong nainis. Pang chipmunks kasi ung boses nya eh.

Hinila ko sya pataas tsaka ko sya inuntog sa pader at sinungalngal ko sa kanya ung sapatos ko pero syempre charing lang yan. Gawa lang ulit yan ng brutal kong imahinasyon. Ang totoo ko talagang sinabi sa kanya ay.

"Seryoso ka?"

"Wtf! Muka ba kong nagbibiro? You bitch!" Galit na galit na sigaw nya.

Ipinikit ko na ang mata ko at nagready para sa ibubuhos nyang juice sa ulo ko. Pero mga 5 seconds na ang nakalipas wala pa ring juice na tumatapon sa ulo ko.

"ZACCHH?!" Sabay na sigaw namin ni Stacey.

Eh pano, si Zach lang naman ang humawak sa wrist ni Stacey kaya hindi ako natapunan ng juice.

"What do you think you're doing?" Mataray na tanong ni Zach habang hawak hawak pa rin nya yung wrist ni Stacey na sa tingin ko ay masakit pero balewala lang kay Stacey at least nahawakan sya ni Zach. Desperada talaga. -_-

"Ahh ehh.. ahmm a-ano kasi eh" Halatang nastar struck sya kay Zach. Hindi na kasi sya makapagsalita ng maayos eh.

"Save it. Alam ko namang tatapunan mo dapat sya ng juice diba?" Mataray pa ring sabi nya sabay bitaw sa wrist ni Stacey tsaka nya ako inakbayan.

Bet and RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon