"Class dismiss" Pag kasabing pagkasabi ni sir nyan ay kinuha ko kaagad ung bag ko at lumabas na ng room para umuwi.
Absent si Max ngayon tinamad ata. Nganga tuloy ako buong klase halos matuyo na nga ung laway ko eh. -_-
Dumiretso na ako sa parking tsaka ko kinuha ang bike ko at nagdrive pauwi sa condo.
May module pa nga pala akong kailangan bilihin para sa trigo. Yayayain ko na lang si Max mamaya sa mall, kailang rin naman nya bumili ng module nya eh.
Nagpahinga muna ako ng mga 35 minutes bago ko naisipang tawagan si Max.
Calling: Maxx
[Hello, Sey? Ba't ka napatawag?]
"Oy Max! Samahan mo ako sa mall"
[H-huh? Hala Sey sorry! Hindi ako pwede ngayon!]
"Huh? Baket naman?"
[Ahmm.. Ano kasi eh. Ung pusa kong si Sammy manganganak na, kailangan nya ng moral support, cesarean kasi sya eh]
"Ahh ganun ba? Sige ayos lang. Kailangan kasi natin ng module sa trigo eh, ako na lang bibili mag isa."
[Ahmm.. Sey? Pwede favor?"]
"Ano yon?"
[Bili mo rin ako ng module sige na please??]
"Sige sige! I gotta go na. Ipagdadasal ko na lang si Sammy, bye"
[Eh-he-he-he. Thanks, Sey. Bye]
*End call*
Ang tamad mo talaga Max! Ayaw nya ko samahan kasi manganganak na daw ung pusa nyang si Sammy? Eh wala namang pusa yan dahil allergic sya don! Caesarean pa ang nais ah?! Hindi pa nakuntento nag utos pa! Iba ka talaga Max! Yari ka saken bukas!
Nag ayos na lang ako imbis na problemahin pa si Max. I am now wearing a black long sleeves, denim short at white low cut converse. Tinanggal ko na rin ung fake braces and glasses ko, naglugay na rin ako na buhok at nagsuklay. Nag apply ako ng face powder at lip balm atsaka ako humarap sa salamin.
Ang layo ko na sa nerd na si Lindsey Owen.
Kinuha ko na ung sling bag ko at naglakad na ako palabas. Nagtaxi na lang ako para less hassle.
Nasa loob pa lang ako ng taxi ng bigla na lang nagwala ung mga alaga ko sa tyan..
*krooo krooo*
Shete nakakahiya! Buti na lang malakas ung soundtrip ni manong kaya di nya narinig ung pagkulo ng tyan ko. Hindi nga pala ako kumain kaninang lunch, ayoko kasi bumaba mag isa sa caf. eh lalo na at wala si Max, baka kung ano pang magawa ko sa mga mambubully saken don.
"Manong, dito na lang po" Inabot ko kay manong ung bayad ko at bumaba na ng taxi nya.
Pag pasok ko sa mall dumiretso muna ako sa starbucks at umorder ng choco frappe at cheese burger naman sa mcdo.
Tumambay muna ako sa labas ng ice skating rink habang kumakain ako. Mahaba pa naman ang oras ko eh.
Matapos kong kumain nag ikot ikot muna ako for 15 minutes bago ko napagdesisyonan na pumunta na sa NBS at bilin na ung module.
-Zach's POV-
Fvck! Kelangan ko ba talagang bilhin pa ung libro na yon? Nakakaasar talaga! Kami naman may ari ng school na yon ah! Pinapahirapan nya lang ako eh!
-Flashback-
Thursday ngayon and thursday means.. PARTY! And party means.. GIRLS! Andito ako ngayon sa sasakyan ko, heading my way home para magpalit ng uniform tas didiretso na ako dun sa bar. Pag ganitong babae ang usapan wala kang maaasahan kay Harley, sakristan yun eh, pagood boy! Kaya as usual kelangan ko nanaman pag tiisan ang chismosong si Tyrone. Dito lang naman kami nagkakasundo eh, sa babae.

BINABASA MO ANG
Bet and Revenge
HumorPano pag nalaman mong minahal ka lang nya para makapahiganti sya?! Mapapatawad mo pa kaya sya?! Pano kung minahal ka lang nya dahil may pustahan sila?! Tatanggapin mo pa kaya sya?!