*kriiinngg kriiinngg*
Aish! Ano ba kasi ung maingay na yon?!
*kriiinngg kriiinngg*
Arrggh! Kaines talaga!
Inabot ko ung alarm clock sa gilid ng kama ko atsaka ko tiningnan ung oras.
"6:30 AM" psh maaga pa naman pala eh. -_-
O___O
"6:30 AM? LATE NA KO!" Napabalikwas ako ng upo tsaka ko kinuha ulit ung alarm clock ko.
"6:31 AM. Tokwa late na talaga ako! 7:00 pa naman nagsasara ang gate"
Dumiretso na ako sa cr and took a quick shower. Ang dati kong 45 mimutes na paliligo ay naging 15 minutes na lang kasama na ang pagbibihis. 15 minutes away ang Divine kaya kahit mag-ala flash ako for sure malelate pa rin ako. Sana lang talaga papasukin ako ni manong guard.
-7:16 AM-
Andito na ako sa tapat ng gate kaya lang pag minamalas ka nga naman talaga, SARADO na!
Bumaba ako ng bike ko at lumapit kay manong guard para magmakaawa. Sana naman gumana.
"Sige na po kasi manong!" Pangsampung beses ko na ata sinabi sa kanya yan pero di pa rin nya ko pinapapasok.
"Hindi na talaga pwidi hija, pipten minets ka ng late eh" Huhuhu, wala kang pusu manung!
"Sige na po kasi manong, parang pipten este fifth teen minutes lang eh. Tsaka ngayon pa lang naman ako nalate ah"
"Di ne talaga pwidi hija, aku ang malalagut eh"
Ito na lang ang last option ko. Pag di pa rin to gumana ewan ko na lang.
Huminga muna ako ng malalim at ready na sana lumuhod at maghinagpis kay manong ng biglang..
"Anong problema dito, manong?" Parang nanigas ako sa pwesto ko ng marinig ko ang boses ng lalaking nagsalita sa likod ko.
Hindi ako pwedeng magkamali sya talaga yon. Yung boses nyang masarap este masakit sa tenga, hindi ko makakalimutan yun.
"Eh kasi pu ser, nagpupumilit syang pumasuk eh pipten minets na po syang late" Sabay turo saken ni manong. Lupa kainin mo na ako now na! Baka patayin ako nito ni Zach pag nalaman nyang ako to! Ung babaeng tinulungan nya pero hindi nagpasalamat sa kanya. Huwwaa!
"Let her in!" Huh? Ano daw? Let me in? Tama ba pagkakarinig ko?
"A-anu pu ser?" Tama, buti nagtanong ka manong baka namamali lang ako ng dinig.
"I said let her in! Papasukin mo sya!" Syet! Tama pala ung pagkakadinig ko.
"U-ukey pu ser" At binuksan na nga ni manong ung gate. Natakot siguro sa boses ni Zach.
Sumakay na kaagad ako sa bike ko at pinaandar yun ng mabilis, muntik pa nga akong bumangga eh buti na lang nabalance ko kagad.
Pwew! Buti na lang at hindi ako nakita ni Zach, baka kasi bawiin nya ung sinabi nyang "Let her in" pag nalaman nyang ako yun eh.
-Zach's POV-
Bago ko pa matingnan kung sino ung babaeng tinulungan ko ay nakasakay na kagad sya sa bike nya.
Teka..
Si manang yun ah! Wala talaga syang utang na loob! Two times in a row ko na syang tinulungan ni simpleng thank you wala man lang akong natanggap.
Kala mo kagandahan, manang naman. Makakaganti rin ako sayo!
Kaya lang nakakapagtaka.. baket kaya hindi ko sya maakit? Yuck! Wala akong balak akitin ung manang na yon! Kadiri! Nagpapahard to get lang naman yon eh. -_-
"Good morning, sir. Good morning, girls" sabay kindat.
"Good morning, Zach!" They said in unison.
Ang gwapo mo talaga, Zach! Dumiretso na ako sa upuan ko sa bandang likod tsaka ako umupo.
"Oy!" Tawag saken ni Tyrone tsaka pa sya nagtaas baba ng kilay saken.
Nasa left side ko si Tyrone at sa right side naman si Harley. Napapagitnaan nila ako in short! -_-
"Oy!" Sabay taas baba ulit nya ng kilay nya.
Bwiset na Tyrone! Kalalaking tao ang chismoso! -_-
"Ano bang problema mo ha?" Ako.
"Wala! Good mood ka ata?"
"Alam mo, ang laki mong chismoso!"
"Parang nagtatanong lang eh! Ano ba kasi bat ka good mood? Di kita titigilan, Zach!"
Di talaga ko titigilan ng chismosong to eh! Sarap bigwasan!
"Oo na, oo na! May tinulungan lang akong mana-- este babae sa baba"
"Weee? Tinulungan mo? Harley, kapain mo nga ung noo nya baka nilalagnat to"
At ang uto uto namang si Harley ay sumunod nga! Kaibigan ko ba talaga tong mga ugok na to?!
"Di naman sya mainit eh!" Harley.
"Ano ba! Wala akong lagnat, tarantado!" Sabay tapik ko sa palad ni Harley na nasa noo ko.
"Back to the topic na nga! Anong connect ng pagkagood mood mo sa babaeng tinulungan mo?" Tyrone chismoso.
"Wala! Natutuwa lang ako sa kanya. Kakaiba kasi sya eh!"
"Kakaiba? Panong kakaiba? Tatlo ba mata nya?-- Araay! Makabatok naman to!"
"Ang engot mo kasi! Basta kakaiba sya"
"Ayiiee! Base sa expression mo mukang napana ka ni cupido ah" Sabay tusok nya sa tagiliran ko.
Ako? Napana ni cupido? HELL NO!
Trip kong babae ay maganda at sexy no! Hindi naman masyadong sexy si manag eh, ONTI LANG! Tsaka ang maganda lang naman sa kanya ay yung: Almond shape nyang mata, ung pointed nose nya, ung rosy cheeks nya, ung dark brown hair nya na kapag nilugay ay mapapasabi ka ng "Haba ng hair, nagrejoice ka ba girl", and last ung pink lips nya.
So in short...
Maganda nga sya kahit manang sya? NO! NO! NO! MANANG KAYA SYA! Puyat lang ako kaya kung ano ano nasasabi ko. Tama puyat lang to!
Kinikilabutan ako pag naiisip kong magkakagusto ako sa manang na yun! Kadiri!
--
BINABASA MO ANG
Bet and Revenge
HumorPano pag nalaman mong minahal ka lang nya para makapahiganti sya?! Mapapatawad mo pa kaya sya?! Pano kung minahal ka lang nya dahil may pustahan sila?! Tatanggapin mo pa kaya sya?!