"Ahhhh.. hmmmm.. Ayan tapos na!" Sabi ko sa sarili ko matapos kong maglagay ng braces sa ngipin ko.
Tinignan ko ulet ang sarili ko sa full size mirror na kaharap ko.
Sabog na pusod ng buhok. (Check)
Fake Nerdy glasses. (Check)
Fake braces. (Check)
Over sized uniform. (Check)
Rubber shoes. (Check)
Back pack. (Check)
Ayan ayos na ang looks ko. Pwede na akong pumasok.
Pinark ko ang bike ko sa may parking lot ng Divine High at pumunta sa cr para tignan ang itsura ko.
Inhale, exhale!
"Just remember Sey, ikaw ngayon si Lindsey Owen. Lindsey Owen." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin dito sa cr. Tinitignan ko kung ayos na ba ung itsura ko.
"Ba't ka ba kasi kinakabahan?! Nagpapanggap ka ng nerd sa school na to for the past 2 years, ngayon ka pa ba kakabahan? Masyado ka naman atang late reaction." Bulong saken ng inner voice ko.
Pakiramdam ko kasi may mangyayaring di maganda eh.
"May mangyayari talagang di maganda pag di ka pa umakyat sa klase mo, late ka naa!" Bulong ulit ng inner voice ko.
Tofu! Oo nga!
Tinakbo ko na yung way ko papuntang room. Buti na lang at wala ng masyadong tao sa hallway. Sa bagay, malapit na rin naman kasi magbell eh.
Tinignan ko ung wrist watch ko at tokwa talaga! 1 minute na lang! Terorista pa naman ung first subject namin. Palibhasa wala pa ring asawa eh.
Saktong nasa tapat na ko ng room nung nagbell at pag sinuswerte ka nga naman oh. Wala pa si ma'am.
Huminga muna ako ng malalim tsaka ako nakayukong naglakad papunta sa pwesto ko sa bandang likod. Katabi ko si Max. Ang chismosang si Max. -_-
"Haayyy. Akala ko late na ko eh" Sabi ko habang nagpupunas ng pawis.
"Muntikan pa lang. Ba't ka ba kasi late?" Tanong saken ni Max.
Nagtataka siguro to. First time ko pa lang kasi malate ng ganito eh.
Ayoko namang sabihin sa kanya na nalate ako kasi tinignan ko pa kung ayos lang ung itsura ko tsaka baka magtaka pa sya no. Ano ba yan! Ano kayang ipapalusot ko?
"Good Morning 4-B" Nawala ako sa pag iisip ko ng bigla na lang nag greet ung terorista naming teacher. Buti na lang at dumating na sya, makakaiwas ako sa interrogation ni Max. ^_^
Mabilis lang lumipas ang oras. Hindi ko nga namalayan na nagbell na pala eh. Senyales na lunch break na.
Bumaba na kaming dalawa sa cafeteria at as usual ang daming tao. Buti na lang at malaki ang school na to kaya hindi kami siksikan.
Naglalakad ako ng nakayuko ng bigla na lang akong natalapid at ang ending? Nahalikan ko ung tiles -_-
"Hahahaha. Ano ba yan. Nerd na nga lampa pa!" Sabi nung babaeng pumatid saken.
"Hahahahaha" Nakitawa na rin ung ibang tao sa caf. nakakainis!
Nasa unahan ko si Max kaya malamang hindi niya nakita ung pagkapatid ko.
Tumayo na lang ako ng maayos tas pinagpagan ko ung uniform ko. Kung hindi lang talaga ako nagpapanggap na nerd sa school na to malamang kanina pa nasa clinic tong babaeng to. -_-
Sanay na ako sa mga ganyang klaseng pambubully kasi ano pa nga bang aasahan mo? Nag aaral ako sa isang pribadong paaralan. School for elite students at most of the student here are BULLIES! Si Max nga lang ang katangi-tangi kong kaibigan dito eh. Well, kaibigan ko naman na siya simula nung nasa sinapupunan pa lang ako eh. ^_^
Sumunod na lang ako kay max at umupo na sa table na pinuntahan niya.
"Ako na oorder. Ano sayo Sey?" Max.
"Lasagna. Pag wala carbonara na lang"
Nung dumating na ung order namin syempre kumain na kami.
Nakakailang nga eh kasi ang daming nakatingin saming boys.
Malamang tinitignan nila si Max, hindi naman kasi maipagkakaila na maganda talaga sya at sexy pa at magaling pumorma, kaya nga madaming nagtataka kung bakit nya ako naging kaibigan eh. Bakit pag pangit ba bawal na magkaron ng kaibigang maganda? Baka pag nilabas ko tunay kong ganda malaglag panga nila.
"OMG! PAPUNTA NA SILA ZACH DITO! HUWWAAA!" Halos dumagundong ung buong caf. dahil sa sigaw ng school mate kong mukang clown sa kapal ng make up. -_-
Pagkatapos ng sinabi ng clown na yun. Halos lahat ng mga girls sa cafeteria kanya kanyang labasan ng salamin nila at make up.
Habang kami naman ni Max at iba pang boys ay ganito lang ang itsura -___- ISANG MALAKING POKER FACE!
Hindi pa nakakatapak ang swelas ng sapatos ni Zach nagtilian na kagad ung mga babaeng desperada na halos sumira sa ear drums naming dalawa.
"HARRLLEEY"
"TYROOONNEE!"
"ZAAACCCHHHHH!"
Nag dirediretso lang ng lakad ung tatlo tas nagstop sila sa may table sa bandang gitna, agad namang umalis ung mga nakaupo don para makaupo ung tatlo. -_-
Minsan lang sila pumunta rito sa caf. kasi may sarili naman silang tambayan at hinahatiran sila don ng pagkain. Ewan ko nga kung anong naisip nila at dito pa nila naisipang makisiksik, nauumay na tuloy ako kumain. -_-
Hindi ako galit sa kanila! Ano lang ahmmm. Ano. Err.. Pano ko ba sasabihin.. Ahhmm... Fine! Naiinis ako sa kanila, sa kanilang tatlo! I hate the fact na umaasta silang hari sa school na to at I hate the fact na akala nila lahat kaya nila gawin basta ginusto nila.
Si Zach Riley Dawson- ang definition ng playboy at sa kanya mostly nahuhumaling ang mga babaeng kulang sa sustansya at lumabo ang mata. -_- pamilya nya ang may ari ng school na to. Yan din siguro ang dahilan kung bakit siya ang captain ng basketball at kung bakit tinuturing silang tatlong magkakaibigan na hari sa school na to, pero hindi pa rin tama yun no! Parepareho lang kami ng binabayad na tuition sa school na to! Nasan ang hustisya?
Tyrone Cameron- One word that will best describe him? MANWHORE! Hindi sya araw araw nagpapalit ng girlfriend. Minu-minuto! Matalino sya sa Math at Science and member sya ng dance troupe.
Harley Cordovo- MASUNGIT, MATARAY, SNOB, TAHIMIK, VARSITY. Siya ata ang pinakagoodboy sa kanilang tatlo pero di rin ako naniniwala. Sa tagal nilang magkaibigan ni Tyrone at Zach? Malamang may virus na rin yan ng kasamaan.
Kung iniisip nyong stalker ako then drop that stupid thought of yours! Halos lahat naman kasi ng studyante dito sa Divine alam yan eh. Basic info kumbaga. -_-
Tsaka di ko maimagine ang sarili ko na iniistalk sila noh. Isa yong malaking YUCK! EWW!
Since malapit na rin naman na magbell, inaya ko na si Max na bumalik na sa room.
As expected! Walang girls sa room, malamang andun pa ung mga yun sa caf. sinisilayan ung tatlong haring masakit sa mata. -_-
Mabilis lang lumipas ang oras at nagbell na. Ang paborito kong parte.. Uwian!
--
BINABASA MO ANG
Bet and Revenge
HumorPano pag nalaman mong minahal ka lang nya para makapahiganti sya?! Mapapatawad mo pa kaya sya?! Pano kung minahal ka lang nya dahil may pustahan sila?! Tatanggapin mo pa kaya sya?!