Prologue

20 0 0
                                    

Umupo ang isang lalaki sa isang malaking bato malapit sa dalampasigan.

Tuwing hapon kasi pagkatapos ng duty niya ay dito siya pumupunta para panuorin ang sunset.

Tinuturing niya kasing stress reliever ang panunuod ng sunset.

Sa loob ng anim na taon ay ito lamang ang naging daily routine niya.

Bahay-trabaho-pamamasyal dito sa tabing dagat.

Kung tutuusin hindi naman ganito kaboring ang buhay niya noon eh. Eh ang kaso, nagbago iyon dahil sa isang bagay.

Love.

Love na hindi sinasadyang dumating sa kanya.

Love na sumubok sa pagiging matatag niya.

Love na sumira sa kanya.

"Hayy. Ang hirap pa rin tanggapin ng mga nangyari sa atin." Pagsasalita niya habang nakatingin sa lumulubog na araw na tila ito ang kanyang kinakausap.

"Bakit hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako?" Pagpapatuloy niya. Magkahalong lungkot at pangungulila ang nararamdaman niya ngayon.

Sa bawat araw na nandito siya sa dalampasigan, iyan lagi ang kanyang tinatanong sa kanyang sarili.

"Siguro kung isinama mo ako, hindi na ako nahihirapan ngayon. Siguro kung nandyan ako sa tabi mo, masaya tayo sa piling ng isa't isa." Garalgal na ang boses niya dahil sa luhang maaaring papatak na mula sa kanyang mga mata ngayon.

Tumingala siya para pigilan ang mga luha niya, ang kaso....

"Samantha, nasasaktan pa rin ako. Namimiss na kita. At mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. Hindi ko na kaya siguro ang magmahal pa ng iba kasi wala ng hihigit sa'yo dito sa puso ko."

Hinawakan niya ang kaliwang dibdib niya habang pumapatak ang mga luha niya.

Yumuko na siya at patuloy pa rin sa pag iyak. Sobrang bigat ng nararamdaman niya.

Hanggang ngayon, naaalala pa niya ang mga pangyayari na tila bang kahapon lang nangyari.

Bawat tawa, iyak at paglalambing ni Samantha sa kanya, naririnig at nararamdaman pa rin niya.

Minahal mo ang isang tao nang sobra sobra na higit pa sa sarili mo.

Pero paano kung dumating yung oras na iwan ka na niya, di ba wala nang matitira sayo?

Minsan talaga nasa mali tayong pagkakataon para magmahal pero ano bang ginagawa natin?

Lumalaban tayo para sa pagmamahal kahit ang tadhana na ang humahadlang sa atin.

Bawat paggawa natin ng paraan para maging masaya,

Iyon din namang bawi sa atin ng tadhana.

That I called Unfortunate Love...

***

A/N

Hello po! This is my second story. Sana basahin niyo! ^___^

Please read, vote and comment para po malaman ko kung nagugustuhan niyo 'to.

Thank you! *^▁^*

Unfortunate LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon