Chapter 9

8 0 0
                                    


Samantha's POV

I am on my way na papunta sa school ni Kuya. Hiniram ko muna ang kotse ni Mama, at pinayagan naman niya ako. Pero hindi ko sinabi na doon ang punta ko, baka kasi hindi niya ako payagan eh. Sinulyapan ko naman yung isang box na nakalagay sa passenger seat. Mga cupcake yun na may iba't ibang flavor. Yun kasi ang naisip ko na peace offering sa kanya.

Ipinark ko na ang kotse at bumaba na ako. Ang lawak pala ng school na 'to. Saan ko kaya siya hahanapin? Hindi ko naman kasi alam kung ano ang sched niya eh pati na rin ang room niya.

Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako dito sa field. Umupo muna ako dun sa isang bench na nasa tabi ng puno. Medyo mahangin dito kaya ang sarap tumambay.

Patingin tingin ako sa paligid baka kasi makita ko si Kuya. Pero wala eh. Magtanong na lang kaya ako? Kaso hindi ko sure kung kilala lahat ng estudyante dito si Kuya. Itatry ko pa rin, malay natin swertehin ako.

Sakto namang may papalapit na isang grupo ng mga babae. Kaya tumayo na ako at lumapit sa kanila. Napansin naman nila agad ako. Pero parang tinaasan yata nila ako ng kilay. Ah baka naman, namalik mata lang ako.

"Hmm, excuse me magtatanong lang ako kung kilala niyo si Joseph Dela Vega?"

Nakita ko namang tumaas ang kilay nung babaeng nasa gitna. Yun namang mga kasama niya, tiningnan naman ako mula ulo hanggang paa tapos magbubulungan sila. Okay, medyo awkward para sa akin yung ginawa nila.

"Anong kailangan mo sa kanya?" Nagtanong naman yung babae na nakataas pa rin ang kilay.

Ipinakita ko naman sa kanila yung dala kong box.

"Ibibigay ko lang 'to sa kanya." Sagot ko.

Tiningnan niya yung box at bumalik ulit sa akin ang tingin niya. This time, parang kakainin na niya ako. Galit ba siya?

"Kaano ano ka ba niya?" Parang naiirita na siya. Ano bang ginawa ko?

"Kap-"

"Dawn!" Sigaw nung lalaki mula dun sa likod nila.

Lumingon naman yung mga babae tapos parang kinikilig dun sa lalaki.

"Oh bakit?" Tanong nung Dawn ba yun?

"Naiwan mo sa classroom kanina."

May iniabot sa kanya yung lalaki. Tapos tumingin siya sa akin.

"Don't tell me, may inaaway na naman kayo." Hindi pa rin niya tinatanggal ang tingin niya sa akin.

"Ah, siya ba? Hinahanap niya si Joseph eh. Siguro isa yan sa mga flirt na lapit nang lapit sa kanya. Kahit ipagtabuyan, habol pa rin nang habol." Ngumiti naman siya nang nakakaloko.

Ako ba ang tinutukoy niya?

"Tama ba yun? Hinahanap mo si Joseph?" Hindi niya pinansin yung mga babae.

Tumango naman ako at pinakita yung box na dala ko.

"Ibibigay ko lang 'to kay Kuya."

Nakita ko namang nagulat sila sa sinabi ko. Hindi ba nila alam?

"What?! Kapatid ka ni Joseph?" Tanong nung babae, tumango naman ako.

"So, ikaw yung half sister niya? Ako nga pala si Angelo." Inabot niya sa akin yung kamay niya.

"Samantha." Nag shake hands naman kami.

"Gusto mo samahan na kita papunta sa kanya? Doon din naman kasi ang punta ko eh." Pagyaya ni Angelo sa akin.

"Okay."

Hinarap naman niya yung mga babae.

"O sige Dawn, mauna na kami ah." Pagpapaalam niya.

Tumango na lang siya bilang sagot.

Naglalakad na kami papunta sa tambayan nila. Hindi pa rin kami nagkikibuan.

"Pasensya na dun sa mga sinabi sayo ni Dawn ah." Paninimula niya.

"Okay lang." Ngumiti ako sa kanya.

"Si Dawn kasi, may gusto sa Kuya mo. Kaya ayun, kahit sinong magtangkang lumapit kay Joseph, inaaway niya. At saka ang alam niya naging sila ng Kuya mo. Medyo possesive si Dawn pagdating kay Joseph."

"Ah ganun pala. Sikat pala si Kuya dito."

"Actually, hindi lang siya, pati na din kaming tatlo."

"Ah."

"Nandito na tayo."

Tumigil na kami dun sa tapat ng isang pinto.

Music Room

Dito pala ang tambayan nila. Naririnig ko na ang ingay ng mga instrument sa loob kahit nakasara pa yung pinto.

"May banda kayo?" Tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya.

Binuksan na niya ang pinto. May narinig akong magandang boses. Nakita ko si Kuya na may hawak na mic at nakapikit pa siya. Hindi ko mapigilang tumitig sa kanya. Singer pala si Kuya. Hindi siguro alam ni Daddy na may banda si Kuya.

Hindi ko napansin na wala na pala sa tabi ko si Angelo. Lumapit na pala siya kina Kuya.

Nang minulat ni Kuya ang mga mata niya, sa akin siya nakatingin.

Nagulat siya, imbes na itinuloy ang pagkanta niya ay sumigaw na siya.

"Ano'ng ginagawa mo dito?!"

Itutuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unfortunate LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon