Chapter 5

3 0 0
                                    


Joseph's POV

"Bakit?" Inosente niyang tanong.

Ilang segundo din akong tuliro. Maganda siya. No! I mean, napakaganda niya! Lalong lalo na yung mga mata niya, kulay amber.

"Hey. Okay ka lang?" She waved her hand in front of my face.

Agad naman akong natauhan. Pati boses niya ang sarap pakinggan.

"O-okay lang ako. Hehehe." Kabado ko pang sagot sa kanya.

"Oh! Is that my book?" Turo niya sa hawak kong libro.

"Ah oo! Naiwan mo kasi dun sa bench eh." Iniabot ko sa kanya yung libro.

"Thank you ah." She smiled. An angelic smile.

"Y-your welcome." I smiled.

Alam mo yung pakiramdam na ayaw mong magkamali sa harap niya? Yun ang pakiramdam ko ngayon. Kaya nabubulol ako eh.

Bigla naman nag-ring yung phone niya.

Uso talaga ngayon ang istorbo.

Tiningnan niya yun at mukha namang nagulat siya. Wala ba siyang kahit isang emosyon na hindi babagay sa kanya?

"I have to go! Hinahanap na ako ng Dad ko eh. Thank you ulit ah. Bye!"

Tinitingnan ko siya mula sa malayo. Magkita pa kaya kami? At kung mangyari man yun, sana may magawa na ako para makilala siya.

------------

Samantha's POV

"I'm home!"

Lumabas sina Mama at Dad galing sa kusina.

Mukha atang nagluluto sila ng hapunan ah. Naka-apron kasi sila.

"Gusto mo bang sumama sa amin sa pagluluto ng dinner?" Pag aaya ni Dad.

Nagsisimula na ata siyang bumawi ah.

"Sure!"

Pumunta na kami ng kusina. At iniabot sa akin ni Mama yung apron. Itatali ko na sana yung tali sa likod pero kinuha yun ni Dad.

"Ako na."

Hinayaan ko na lang niyang gawin yun. Naalala ko tuloy yung pagsisintas niya ng sapatos ko noong bata pa ako.

*click click

Napatingin ako kay Nanang Berta na may hawak na camera.

"Sam, ang ganda mo dito." Sabi pa niya sa akin habang tinuturo ang screen ng camera.

"Patingin nga ho ako. Ay oo nga! Nakangiti ka na nakatingin sa kawalan." Hawak na ngayon ni Mama yung camera at talagang pinagkatitigan yung picture.

"Tingnan ko nga din." Lapit ni Daddy sa kanila. Ang cute nila pare-pareho silang nakatingin sa camera.

"Akala ko po ba magluluto tayo?" Naka-pamewang pa ako sa kanila.

Agad naman silang napatingin sa akin at agad namang itinago ni Nanang Berta yung camera sa likod niya.

"Oo nga magluluto tayo, pero gusto kasi ng Mama mo, na ako ang maging photographer niyo. Gusto niya kasi na kunan kayo ng litrato, para daw may remembrance. Di ba Tessa?" Pangsisiko nito kay Mama.

"Oo ganun nga anak." Pagsang ayon naman ni Mama.

Hayy.

Si Mama talaga, kung ano ano na lang ang pinagtitripan.

"O siya! Magluto na tayo. Nanang Berta relax ka muna dyan, hayaan mong kami muna ang magluto ng hapunan para sa ating lahat. Just take some pictures of us ha?" Sabay wink pa ni Dad kay Nanang Berta.

Sinimulan na namin ang pagluluto. Si Dad ang bahala sa paghihiwa ng mga sangkap. Nagkakanda-iyak nga si Dad, sobrang dami kasi ng sibuyas na pinahiwa ni Mama eh. Medyo namamaga tuloy ang mata ni Dad.

Si Mama naman ang main chef kumbaga. Siya ang nagtuturo sa amin ni Dad kung ano ang dapat gawin. Kaya nga kawawa si Dad sa kanya eh. Tsk tsk.

Ako naman ang bahala sa paghahalo ng pagkain. Sabi ni Mama siya na lang daw ang bahala, baka mapaso pa ako. Pero I insisted, sanay naman ako eh. Nung nasa London nga ako, ginagawa ko ang magluto nang ako lang. Dito pa kaya.

Si Nanang Berta naman, ayun, picture dito picture doon. Kahit ano atang pose ang gawin namin, kinukunan pa rin niya kami eh.

Natapos ang mahabang cooking lesson ay nakapaghanda na kami ng hapunan. Masaya kaming kumain. Yung ibang katulong at driver kasabay na naming maghapunan.

Ang saya nga eh. Parang nasa fiesta kami.

"Oh! Tingin muna dito. Picture!" Si Nanang Berta talaga, hanggang ngayon hawak pa rin niya ang camera.

Agad naman kaming pumuwesto para sa picture.

"Okay na!" Nag-okay sign naman siya.

"Eh di Nanang wala ka? Hindi ka kasama?" Sabi ni Mama.

"Okay lang yun. Madami dami na din naman yung mga pictures ko kanina eh."

May naisip ako!

Pumunta ako sa taas at kinuha ko ang tripod.

Inayos ko yun at itinapat sa may kainan. Kinuha ko ang camera na hawak ni Nanang.

"Isa pa pong picture ah!" Sigaw ko sa kanila.

Agad naman silang tumingin sa camera at ready na para sa picture taking.

Isinet ko na ang timer.

"Okay ready!" Tumakbo na din ako papunta sa kanila.

Nang tumabi ako kina Mama, narinig ko ang sinabi ni Dad.

Sa sinabi niyang yun, naalala ko na naman ang naikwento sa akin ni Mama kanina.

"Kung nandito lang si Joseph, siguradong buo ang pamilyang 'to. At siguradong ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo."

Itutuloy...

****

Please comment and vote for the next update!

Thank you.

Unfortunate LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon