Chapter 1

9 0 0
                                    

6 years ago...

"Bakit ngayon ka lang?! Hindi mo ba alam kung anong oras na?!"

Umaalingaw ngaw ang boses ng Daddy niya sa buong bahay.

Alas tres na ng umaga nang dumating si Joseph galing sa gimikan. Dahil dito ay galit na galit ang Daddy niya sa kanya.

"Hanggang ngayon, ganyan ka pa rin. Ano bang nangyayari sa'yo ha?!" Bulyaw ni Jared sa kanyang anak.

Hindi man lang siya pinansin ni Joseph at lumampas ito sa kanya para maupo sa sofa. Hinihilot nito ang kanyang sintido dahil nahihilo na siya. Napasobra ata ang inom nito ng alak.

Napabuntung hininga na lang si Jared. Suko na siya sa katigasan ng ulo ng anak. Kahit anong gawin niyang pagpapatino ay nagawa na niya.

"Nabalitaan kong hindi ka makakagraduate this school year. Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka ba nagkakaganyan?" Mahinahong pagtatanong niya.

Napasandal naman si Joseph sa sofa at tumingin siya sa kisame. Pinikit ang kanyang mga mata, tila bang wala siyang pakialam sa sinasabi ng Daddy niya.

"Wala na akong magagawa para magbago ka pa." Umalis na ito at pumunta na sa kanyang silid.

Pero bago pa man ito umakyat ng hagdan ay lumingon muna ito sa anak.

"Your Tita Tessa and Samantha will arrive on Sunday. Dapat behave ka pagdating nila."

Tuluyan nang umakyat ng hagdan ang Daddy niya. At naiwang mag isa si Joseph sa sala.

***

Joseph Dela Vega, anak ni Jared Dela Vega at nasirang asawa nito na si Stephanie Dela Vega.

Apat na taon nang patay ang Mommy niya dahil sa sakit na Leukemia. At dahil sa pagkamatay ng nanay niya ay nagbago ang lahat.

Mula noon ay pinakasalan ng Daddy niya ang kirida na si Tessa Sanchez. Noong nabubuhay pa ang Mommy niya ay nagkaroon ito ng relasyon sa ibang babae, at sa kasamaang palad, nagkaanak sila. Si Samantha.

Yunh Samantha? Hindi niya pa nakikilala in person, pero wala siyang interes na kilalanin pa siya dahil sa pangalan pa lang mukhang maldita na. At alam niyang hinding hindi sila magkakasundo.

Kaya nagbago ang pakikitungo niya sa kanyang ama. Hindi man lang nito iginalang ang Mommy niya. Naging black sheep siya. Nalulong sa barkada, alak at babae. Sumali din siya sa gang nang hindi nalalaman ng tatay niya. Ano pa kung malaman niya? Eh hindi naman siya mapipigilan nito.

Nag aaral siya ng BS Biology sa isang university na pagmamay ari ng Daddy niya. Kaya nalalaman nito ang mga kalokohan niya sa school eh. Ngayong taon ay dapat gagraduate na siya, eh ang kaso, marami siyang bagsak na subject.

Noon kasing nabubuhay pa ang Mommy niya ay pangarap nito na maging magaling na doktor si Joseph. Dahil sa sobrang pagmamahal niya sa Mommy niya ay sinunod nito ang gusto na maging doktor. Kaso gumuho lahat ng pangarap niya dahil nawala na ang tanging inspirasyon niya, ang kanyang Mommy.

***

Matapos mahimasmasan ay napagpasyahan na ni Joseph na umakyat sa kwarto.

Hirap na hirap siyang umakyat ng hagdan dahil hanggang ngayon, medyo nahihilo pa siya.

Halos ilang oras din niyang nilakbay ang daan papunta sa kwarto ay nakarating na ito.

Dumiretso siya sa cr para maglinis ng katawan at magpalit ng damit.

Handa na siyang humiga sa kama niya nang makita niya ang picture ng Mommy niya na nakalagay sa bedside table.

Kinuha niya iyon.

"Mommy, I miss you and I love you." Bulong nito habang hinahagpos ang mukha ng kanyang ina.

Hanggang ngayon ay nangungulila pa rin siya sa kanyang ina. Sabihin ng mama's boy siya, pero yun ang totoo.

Nilagay na niya ulit yung picture at nahiga na siya sa kama.

Pero bago pa siya tuluyang makatulog ay naalala niya ang huling sinabi sa kanya ng Daddy niya.

Your Tita Tessa and Samantha will arrive on Sunday...

Napatawa siya ng mapakla.

"Dadating sila huh? Mga epal."

May naiisip na naman siyang kalokohan.

Itutuloy...

Unfortunate LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon