Chapter 6

6 0 0
                                    


Joseph's POV

"Ano bro? Saan na ang lakad mo ngayon?" Pagtatanong ni Apollo.

"Baka umuwi na. Nakakapagod ang makipaglaban sa kanila." Sagot ko.

Kasalukuyang sakay kami ng kotse ni Angelo galing sa lugar kung saan ginanap ang gang fight.

After nung pag uusap namin nung Samantha kanina ay dumiretso na ako kina Angelo. Ayokong bumalik sa bahay, makikita ko lang yung anak ni Dad sa asawa niya.

"Akala ko ba, ayaw mong makita yung mag ina?" Pagtatanong ni Angelo habang nagda-drive.

"Tss! Ano ka ba? Sa tingin mo ba ganitong oras, gising pa ang mga yun?" Sabat naman ni Jessie.

Napatingin naman ako sa kanya, akala ko ba tulog na ang lalaking 'to. Bakit nakikisabat?

"Buhay ka pa pala? Akala ko patay na ang katabi ko eh." May halong pagbibiro ni Apollo.

"Gago!" Sabay batok naman ni Jessie.

"Pero bro, payo lang ha. Ngayon kaya mo silang iwasan pero dadating din yung time na magsasama kayo sa iisang lugar. Kaya dapat hanggang maaga pa, sinasanay mo na 'yang sarili mo na makihalubilo sa kanila." Paliwanag ni Angelo.

Tama nga ang sinabi niya. Pero sa tuwing nakikita ko sila, naiisip ko yung paghihirap noon ni Mommy. Kinamumuhian ko sila.

"Bahala na." Yan na lang ang nasagot ko sa kanila.

After nang pag uusap naming yun, ay hindi na nasundan pa. Naging tahimik na lang sila. Alam nila na kapag pamilya ko na ang pinag uusapan, nagiging hot-headed ako.

Ilang oras na byahe ay narating na namin ang bahay. Inihatid ako ni Angelo bago pa sila pumunta sa bar, mag iinom daw sila para sa pagkapanalo namin kanina.

"Ano? Sure ka bang hindi sasama? Dami pa man ding chicks dun. Baka nandun si Dawn. Sige ka!" Tinaas baba pa ni Apollo ang kilay niya. Lalaking to, hilig sa babae.

"Tss! Tinatamad ako. Next time na lang. Wala akong pakialam kung nandun siya. Hindi naman kami eh."

"Okay! Sabi mo eh! Gotta go!" Pagpapaalam naman ni Angelo at pinatakbo na ang kotse.

Pumasok na ako sa bahay nang mapansin kong bukas pa ang ilaw sa sala.

Anong oras na ba?

Tiningnan ko ang wrist watch ko para malaman kung anong oras na.

12:30 am

Sa pagkakaalam ko, ganitong oras wala ng tao dito sa sala. Lahat sila tulog na. Hindi naman nakakalimutan ng mga katulong dito na patayin ang mga ilaw. Bakit kaya?

May narinig naman akong tawanan na nanggagaling sa dining area. Gising pa sila nang ganito oras?

Sumilip ako sa pinto para tingnan kung sino ang mga taong nandun.

Sina Dad pala, kasama niya yung asawa niya. Pati ang mga katulong nandun din, mukhang nagkakasayahan sila ah.

Bakit ganito? Pakiramdam ko bumigat ang dibdib ko. Hinawakan ko ang dibdib ko, parang feeling ko nagseselos ako.

Tumingin ako kay Dad na nakikipag usap ngayon kay Nanang Berta. Kitang kita ko ang masayang ngiti ni Dad. Ngayon ko na lang ulit nakita yun sa kanya mula nung mawala si Mommy.

Napakasaya ko siguro kung ako ang magpapangiti nang ganun kay Dad. Pero hindi eh. May gumagawa na nun sa kanya kaya hindi na ako kailangan.

Tiningnan ko siya ulit, at ngayon yung bago niyang asawa ang kausap niya. Hanggang ngayon masaya pa rin siya. Siguro wala na nga akong silbi sa pamilyang 'to. Bahagi na lang ako ng nakaraan ni Dad.

Sumandal ako sa pader sa may tabi ng pinto. Baka kapag nagtagal pa ko sa kakatingin ay mapansin na nila ako.

Naramdaman kong kusang pumatak ang mga luha ko. Umiiyak ako?

Masakit palang malaman na yung taong tanging itinira sayo ay mawawala din pala. Napakasakit isiping may bagong pamilya na si Dad. At masaya siya sa piling nila.

Ano ba 'tong iniisip ko? Dapat hindi ko iniiyakan ang mga katulad nilang manloloko. Kasalanan niya kung bakit nawala si Mommy. Kaya dapat hindi ako nakakaramdam ng ganito.

Pinahid ko na ang luha ko. At umalis na sa pagkakasandal. Mabuti pa sigurong pumunta na ako sa kwarto. Makapagpahinga na din.

Nasa kalagitnaan na ako nang paglalakad sa hagdan nang may nagsalita sa taas.

"Sino ka?"

Bigla akong hindi makagalaw.

Kahit isang beses lang kaming nagkita kanina, nakabisado ko na ang boses niya.

"Sino ka?" Ulit niya.

Sa pagkakataong yun, pinilit kong tingnan siya. Baka nagkakamali lang ako, baka kaboses lang niya yun.

Nang tingnan ko siya. Yun ang itsura niya kanina nung may tumatawag sa kanya.

Siguro nagulat siya sa akin.

"T-teka ikaw yung nasa park kanina yung nagsuli sa libro ko. Yung tumawag ng..."

Pinutol ko na ang sasabihin pa niya.

"Samantha" walang emosyon kong saad sa kanya.

Hindi ko man lang naalala kanina na magkapangalan pala sila ng anak ni Dad.

At ang ibig sabihin ng D na nakasulat sa libro niya ay Dela Vega.

Napakagaling talaga ng tadhana no? Biruin mo yung taong gustong gusto kong makilala at kung maaari nga ay pwede kong mahalin ay ang taong kinamumuhian ko nang lubusan.

How unfortunate it is.

Itutuloy...

***

Please comment and vote for the next update!

Thank you!

Be a fan!

Unfortunate LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon