Si Daine po yung nasa multimedia----->>
JashPOV
"Maaga ko kayong idi-dismiss ngayon class dahil may meeting kami with Principal.Okay see you tomorrow class,Goodbye"Pagtapos ng klase ni Mrs.Hilda.
"Goodbye Ma'am"May tuwang sabi ng klase,kasali ako.Hihi
Haizt...Buti nalang nga at maagang natapos ang klase.Nakakangawit din kayang umupo maghapon.Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na sa classroom.
Paglabas ko nakita ko si Daine na nakatayo sa harap ng pintuan.Siguro hinihintay niya kuya niya.Lalakad na sana ako ng tawagin niya ang pangalan ko.
"Jash"Tawag niya sakin.
"Ohh,bakit?"tanong ko.
"Ah-ano"nauutal niyang sabi.
"Hinihintay mo ba ang kuya mo?Andun pa yata sa loob"Sabi ko sabay turo sa loob ng pintuan.
"Hindi ko siya hinihintay"
"Kung ganon anong ginagawa mo dito?"Tanong ko
"Ah ano.Ah--"Nauutal nanaman niyang sabi.
"Ano?"
"Ah,Actually ikaw ang hinihintay ko."yun lang pala.Ayy,wait ako?
"What?Anong ako?"Gulat na tanong ko.
"Oo ikaw.Pwede bang ako maghatid sayo?"Sabi niya.
"Sorry,kasi susunduin ako ng Driver namin"
"Sige na.Please"Sabi niya at nag puppy eyes.Nagpacute pa...
"Hmm-ano-kasi.Hmm.Sige na nga."Pagsang-ayon ko.Sayang naman effort niya sa pag papacute e.
"Yes"Parang batang binigyan ng candy sabi niya.
"Kung hindi kalang cute ehh"Bulong ko sa sarili ko.
"What?"
"Ahh wala.Sabi ko tara na "Pagsinungaling ko.
"Let's go"Sabi niya.Inilahad niya ang kamay niya at tinignan ko lang iyon.
"Bakit?"Tanong ko.Imbis na sumagot kinuha niya agad ang kamay ko at naglakad na.
"D-Daine"Tawag ko sakanya.Eh kasi naman basta-basta nalang nangunguha ng kamay.Tsk
"Bakit?"tanong niya at tumigil kami sa paglalakad.
"Ah yung kamay ko"Sabi ko sabay turo gamit ang aking nguso sa kamay naming magkahawak.
"Anong problema sa kamay mo?May masakit ba?May sugat ba?O ma--"
"Wala"Pag-putol ko sa sinasabi niya.Pano sunod-sunod siyang nagtatanong at sinusuri ang kamay ko kung may sugat ba o ano.
"Eh kung wala naman pala,tara na "Sabi niya at hinawakan ulit ang kamay ko.Akma na siyang maglalakad ng pigilan ko siya ulit.
"What?"Tanong niya.
"Kailangan ba talagang magkahawak kamay tayong maglalakad?"Tumingin siya sa kamay namin at parang natigilan siya.Pansin ko ring parang namula ang pisngi niya.
"Ah-ehh ano,hindi,tara na nga"Nag ba-blush na sabi niya dahil ngayon lang niya na realize na magkahawak pala kami ng kamay.Nauna na siyang naglakad kaysa sakin.
"Daine!Uyy saglit!Diane!Hintayin mo ako!Dai--"Naputol ang sasabihin ko ng natisod ang paa ko sa bato at natumba ako sa semento.Tinignan ko ang paa ko at may nakita akong dugo...Wahhhh!!!!Dugooo!!!!Ayaw ko ng dugo...Feeling ko mawawalan ako ng malay..
BINABASA MO ANG
LOVE OR HATE ?
Teen Fiction"Buwiset ka talagang lalaki ka palagi mo nalang sinisira ang araw ko.Ughh..!" Yan ang palaging sinasabi ni Jash pag napipikon na sya kay Darius. Nagsimula ang lahat ng magkabanggaan sila sa Hallway at nagsumbatan sa harap ng mga tao. Hanggang sa pal...