Chapter 2/What?

36 2 2
                                    

JashPOV

    Pagkatapos kung mabadtrip sa lalaking nakabangga ko kanina na muntikan ko ng isupalpal sakanya tong cellphone kong hati hati,ito naman ngayon ang problema ko hindi ko mahanap ang kung saang planeta nakalagay ang pesteng room na yan...Aisshh..

      

"Ouch!"Pagangal ko sabay hawak sa braso kong nabangga ng babaeng nakasalamin.

"Sorry,Sorry."Paghingi nya ng paumanhin At tumakbo na palayo sakin.

Bakit ba minamalas ako ngayong araw?May reunion ba ang mga kamalasan ngayon at ang venue nila ay ako???Aba,hindi ako inform ah.Kung ano-ano na ang sinasabi ko buwiset kasing lalaking un nakakasira ng sun !!!Gwapo sana pangit naman ang ugali.Aanhin mo naman ang lalaking gwapo pero ang ugali naman ay kasing pangit pa sa pinakapangit sa mundo.Humanda lang talaga yang lalaking yan pag nakita ko sya,itatapon ko sya sa boracay ehh at makita nya ang hinahanap nya.Tsk.

Napatigil ako saglit ng makita kung may Number 24 ung pintuan ng room.Lumapit ako dito at may nakita akong isang Teacher na nagtuturo.

"Excuse me po Ma'am Goodmorning po,I'm Jang Shinzy Zarate transfeere po"Magalang na pagbati ko.

"Goodmorning,I'm Ms.Eunice De Guzman ,what's your problem?"Sabi nya.

"Itatanong ko lang po kung dito po ba ung Room ng BusinessManagement First year College po?"Tanong ko Kay Ms.De Guzman.

"Dito nga iha.Let's go inside and introduce yourself to your new classmate."Sabi nya.Pumasok naman agad kami sa loob at muling nagsalita si Ms.De Guzman.

"Okay class listen.Meron kayong bagong classmate.Listen to her.Introduce yourself iha"Sabi nya.Tumango naman ako at agad na pumunta sa harap.

"Annyeong!I'm Jang shinzy Zarate 17 yrs.old .Call me Jash or shin or whatever.Hope magkakasundo sundo tayong lahat.Kamsahamnidda.!"Masiglang pagbati ko sakanila.

"Okay you may sit Ms.Zarate."Sabi ni mam.Tumango naman ako at nakita kong may bakanteng upuan sa likod kaya dun nalang ako dumiretso.

Umupo na ako at may katabi akong isang babae.Teka,parang siya ung babaeng nakabangga ko kanina ahh?Tinignan ko sya at tama nga ako.

"Hello"Pagbati ko sakanya.

"Hi"Sabi nya at ngumiti sakin.

"Diba ikaw ung nakabangga ko kanina?"Tanong ko

"Ako nga.. Pasensya kana nagmamadali lang ako kanina kaya hindi ko na napapansin yung dinadaanan ko."Paghingi nya ng tawad.

"Okay lang,wag munang intindihin yun"Sabi ko at ngumiti sakanya.

"Ano nga palang pangalan mo?"Tanong ko

"Ah,I'm jenny.Jenny Lyn Dela Rosa."Sabi nya at ngumiti.

"Im  Jang Shinzy Zarate.Nice meeting you Jenny"Sabi ko at inilahad sakanya ang kamay ko at ngumiti.

Ibinaling na  nya ang kanyang tingin sa notebook nya at may kung ano syang isinusulat.Tinitignan ko lang sya at napansin kung maganda din pala sya,tinatakpan kasi ng kanyang malaking salamin ang mukha nya kaya sa unang tingin hindi mo mapapansin ang kanyang kagandahan.Pati na ang kanyang mahahabang pilikmata.

Una palang kaming nagkita pero ang gaan na ng pakiramdam ko sakanya.Feeling ko mabait syang tao at mapagkakatiwalaan.Ung handa syang makinig pag may problema ka man at dadamayan ka.

Hindi ung una kong naging kaibigan,puro mga plastik.Pag nakatalikod ang daming sinasabing Negatives thought tungkol sayo pero kung nakaharap na parang anghel kung umasta... Kaibigan pag may kailangan pero pag wala na para kanalang hangin sakanila,nadadama kanilang andyan ka pero hindi kanila nakikita.Pshh.Hindi ko kailangan ng ganoong klaseng kaibigan, mas okay ng maging lonely kaysa may kaibigan ka nga puro naman kasinungalingan.Wag nalang,hindi sila kawalan.Tsk.

Tumingin na ako kay Ms.De Guzman at nakinig.Tungkol sa Waves.Science eh .Nang bigla syang tumigil sa pagtuturo dahil may biglang dumating na lalaki.Nakita kung nag-uusap si mam at ung lalaking pumasok kanina.

Tinignan ko kung anong ginagawa ni jenny.Nakita kong may iginuguhit syang isang babaeng may pakpak na nakatayo.Ang ganda ng drawing niya.Magaling din palang mag drawing si jenny.Dahil sa masyadong pagkamangha ko sa drawing ni jenny hindi ko namalayang andito na pala ung lalaking pumasok kanina.Ganito arrangement.

JENNY    AKO    LALAKI

Tinignan ko yung lalaki,siya pala yung nakabangga ko kani---

WHAT???

Siya?Yung lalaki?Nakabangga ko?Kanina?.haizt,saglit nga.Tinignan ko ulit siya at hindi nga ako nagkamali siya nga ung lalaking bumangga sakin kanina at sumira sa cellphone ko.Siya nga!Ayy,teka paulit ulit lang ako eh.Pero siya nga.Bakit siya andito???Ayy malamang classmate ko siya kaya nga siya andito eh at katabi ko?Mag-isip ka nga jash.Pero siya ung lalaki kanina.

Huh!Humanda ka saking lalaki ka makikita mo ang hindi mo nakikita.(Evil Smirk).

Makapag-isip nga ng pwedeng gawin sa lalaking to.Hmm?

Ahaaaa!!!Bright idea jash.

Humanda ka na talagang lalaki ka.Pagsisisihan mo ang ginawa mo sakin.

After 30 minutes....

"Okay class dismiss.Goodbye"Sabi ni Ms.De Guzman.

"Good bye Ms.De Guzman."Pag-papaalam ng buong klase.

"Ah,jenny saan ka mag lu-lunch?Tanong ko kay jenny.

"Sa canteen.Bakit?"Sabi niya.

"Pwedeng sabay nalang tayo?May kasama ka ba?"Tanong ko

"Ah,wala naman.Sige okay lang sakin.Sabay na tayo mag lunch."Nakangiti nyang sabi.Ang ganda niya talaga.

"Okay."Nakangiti ring sabi ko.

"Ah,saglit lang jash.Punta lang ako saglit sa library may kukunin lang ako.Hintayin mo nalang ako dito."Sabi niya.

"Sige,ingat ka."Sabi ko at lumabas na siya ng room.

Andito parin ako sa upuan ko ng mapansin kong andito parin pala ang punyetang lalaking to.

Okay,sakto.Ito na ang oras para makaganti sayong buwiset na lalaki ka.

Napansin kong tumayo na siya at tumayo rin ako para sundan siya.

"Hoy,lalaki"Pagtawag ko sakanya.Lumingon naman agad siya at tinignan ako.

"What?"tanong niya.Aba,at may pa what what ka pa diyan ha.Whatwatin ko kaya mukha mo.Lalaking to.

"Mukang nakakalimutan mo na ata ang ginawa mo sakin kanina?"tanong ko ng nakataas ang kilay.

"Anong akala mo sakin ulyanin?Syempre hindi."Pag-susungit niya.

"Yun naman pala eh.Mabuti ng nagkakaliwanagan tayo."Sabi ko

"Okay."sabi nya at tumalikod na.Akma na siyang maglalakad ng tawagin ko siya.

"What?"Iritado niyang sabi.

Lumapit ako sakanya at...

"What the hell.Shit!"Pag-angal niya.

Well,tinadyakan ko lang naman ang kanyang kayamanan.Hahaha.Nice one Jash.

"Huh!Buti nga sayo."Sabi ko at naglakad na palabas ng classroom.

"Hoy,bumalik ka ditong babae ka.Shit,aww."Narinig ko pang sigaw niya habang nasa classroom pa rin siya at nakatayo.Manigas ka diyan,Mabuti nga sayo.Lintik nalang ang walang ganti.tsk.

Nakita ko ng papalapit na si jenny sa kinatatayuan ko.At ilang sandaliy andito na siya.

"Tara na jash?"Tanong niya.

"Sige tara na "Sabi ko.

Papunta na kami ng canteen na may ngiti saking labi.Sa wakas nakaganti rin ako sa buwiset na yun.Na-alala ko na naman ang cellphone ko.Ugh.

Ano pang magagawa ko ide bibili nalang ng bago.Aishh.!!!

A/N:Hey..Vote and comment.Hihihi

     

LOVE OR HATE ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon