Sports Fest

4 1 0
                                    

Pumunta kami ng University Clinic kasi inaasikaso namin yung mga medical certificate ng mga players namin sa volleyball actually kasama dapat ako sa maglalaro nun pero hindi ako pinayagan ng doctor kasi low blood daw ako baka ano daw mangyari sa court habang naglalaro ako wala na rin ako magawa kundi manuod na lang sa kanila. Opening ng sports fest siyempre nandun lahat ng colleges inaasahan ako nandun si Inigo kasi hilig niya rin ang maglaro ng basketball chinat ko siya sabi ko nasaan na siya kasi nga mag sstart na opening ng sports fest tapos nag reply siya ang sabi niya malapit na daw siya inaantay niya lang din daw yung mga kaibigan niya. Nung magpaparada na sila nakita ko si Inigo nakapila after ng opening pinag break muna ang mga players para kumain. Lumabas ako ng court para bumili ng biscuit kasi nga kailangan kong kumain dahil nalaman kong low blood pala ako hindi ko inaasahan na magkakasalubong na naman kami nag hello siya sakin with wave ng kamay niya then ako ganun din ang ginawa ko.

Pero hindi ko rin maintindihan yung sarili ko kasi  pag sa tuwing nakikita ko siya or nagkakasalubong kami lagi akong kabado yung akala mo yung puso mo malalaglag na hahaha. Pagbalik ko ng court maglalaro na pala yung mga players namin umupo ako at hinawakan ko kaagad yung cellphone ko tapos nagchat si Inigo ng Goodluck sakin kahit hindi naman ako maglalaro pero nagreply ako sa kanya ng Thank You! pero hindi ako pinayagan ng doctor na maglaro kasi low blood daw ako tapos nagreply siya ng kumain ka muna wag ka nagpapagutom kasi yieeee whoooo abot langit na naman ang ngiti nagchat ulit siya umuwe na daw siya kasi hindi pa daw nila schedule sa paglalaro  nagreply ako sa kanya na mag iingat siya pauwe tapos nagreply siya na ikaw din mag iingat ka pauwe! with emoji pa yan mga mare hahaha.

After ng Sports Fest sa school siyempre back to normal na ulit sa studies para mag review sa Midterm Examination kasama ko Rosey sa library kasi si Myca hinihintay namin kasi nasa byahe pa daw siya. Habang nag aantay kami ni Rosey nag rereview muna kami hanggang sa makatanggap ako ng chat galing kay Liz.

" Shine yung crush mo ohh!!! nandito sa library" ( with matching video pa para maniwala ako ) 

" Ohh? Hala!!! takte papalapit siya samin naghahanap siya ng mauupuan" ( reply ko kay Liz )

" Baka tumabi yan sayo bakante yung tabi mo eh hahaha "

"  Hala Liz!! dito nga siya tumabi sakin "

" Yieee Goodluck sana ganahan ka magreview!" 

Ito na naman ako grabe na naman kiligin tapos eto namang si Rosey ang ingay imbes na ako ang kiligin siya ang kinikilig kasi nga inaasar niya ako ng YIEEEEEE. Nakaharap lang ako kay Rosey nun that time kasi nga hindi ako makalingon kay Inigo kasi nahihiya pa din ako. Hawak niya cellphone niya nun nagrereview din ata siya hanggang sa dumating yung oras para sa midterm exam umalis na agad siya ng library. Sabi ko pa sa sarili ko sayang hindi ko man lang siya nakausap that time kasi sobrang hiya talaga ako siyempre mahirap naman na mag assume ka sa sarili mo. 

WHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon