The Regret

4 1 0
                                    

Dumating yung araw na parang nanlalamig na siyang ka chat ako ni hindi siya nagrereply or nagseseen ng mga message ko that time hindi ko na rin alam yung nangyayari hindi ko na rin alam yung nasa isip ko. Iniisip ko na lang na busy siya or something. Umabot din sa time na halos 3 months kaming hindi nag uusap or nagchachat man lang yun pala hindi ko alam may ka chat  na pala siyang ibang babae kaya pala ang tagal niyang magreply or hindi siya talaga nagrereply sobrang nasaktan ko nun hindi ko alam kung magagalit ba ako or iiyak na lang sa sulok kasi nga tumatatak na lang sa isip ko na wala naman akong karapatan para magselos at wala rin akong karapatan para magalit kasi hindi naman kami eh walang kami !! . 

Tinatak ko talaga sa isipan ko yang salita na yan hanggang sa may nalaman na naman ako ulit na after niya makipag chat sa babae may nililigawan na pala siya actually LDR daw sila chinismiss  lang sakin ng kaibigan ko hanggang nakita ko din sa twitter nya na girlfriend niya na  yung girl. Grabe yung iyak ko nung araw na yan hindi ko alam kung ano yung gagawin ko sa sarili ko sobrang dami kong why's sa sarili ko ni hindi rin ako nagsasabi sa mga kaibigan ko kasi mas gusto ko na lang talaga sarilihin tong kadramahan ko.

" Bakit hindi na lang ako"

" Bakit ano bang wala sakin na meron sila"

" Bakit sobrang sakit ng ganito"

" Bakit ganito pa nangyari sakin minsan na nga lang ako mainlove tapos ganito pa"

" Bakit nakilala pa kita! "

" Bakit ba hindi ako kasing ganda nila"

Sobrang dami kong pagsisisi sa sarili ko that time hindi rin ako makafocus sa studies ko parang mas gusto ko na lang talaga umiyak ng umiyak kasi ang sakit eh.Sinubukan ko siyang kalimutan pero hindi ko magawa kasi mahal ko na eh. Bakit naman ganito ang life lalo na sa love?.

Buti na lang nandiyan yung mga kaibigan ko para icomfort ako sobrang thankful ako kasi nandyan sila para palakasin loob ko. Nakayanan ko rin siyang kalimutan I think halos 5 or 7 months ata yun kapag naririnig ko pangalan niya tumatahimik na lang ako or tinatakpan ko yung tenga ko kasi ayoko ng makarinig ng pangalang Inigo tapos sinasabi ko na lang na sino yun? kilala ko ba yun? . Una pa lang dapat talaga nakinig ako kila Rosey at Myca pero wala matigas talaga ulo ko nun kasi nga mahal ko na eh sa sobrang lalim na ng closeness namin hindi  pa ba mahuhulog ng loob mo sa taong gusto mo? 

Nagkaroon ulit ako ng crush siya si Aiden pero saglit lang naman din kasi hindi ko rin alam na may nililigawan na pala siya so sabi ko sorry hindi ko alam na may nililigawan ka na pala mas mabuti na lang talaga na tigilan ko na siya kasi ayoko rin maging dahilan ng hindi pagsagot sa kanya nung girl kaya eto na naman gusto ko talaga umiyak ng umiyak nun kasi sabi nila kapag nilalabas mo daw or iniiyak mo ng iniiyak yung mga ganung bagay mas gagaan yung pakiramdam mo pero ito lagi ang tanong sa sarili ko na 

" Bakit hindi makita kita ng nagiging crush ko yung halaga ko? "

" Bakit hindi agad sila nagiging honest sakin parang inaantay pa nila na masaktan ako? "

" Bakit ganito nangyayari sakin? "

" Bakit minamalas ako pagdating sa lovelife dahil ba sa hindi ako kagandahan? " 

" Bakit! Bakit! Bakit!" 

Sobra ang pag sisisi ko sa sarili ko nun sobrang trauma ko na talaga magka crush pero mas naisip ko na lang na simula ngayon mag fofocus muna ako sa studies, kay God, sa families and friends ko sobrang thankful ako kasi lagi silang nandiyan sa tabi ko kapag may problema ako handa silang makinig sakin. 

Kaya kung iibig ka man o magkakaroon ng crush mas mabuti ng kilalanin mo siyang maigi huwag basta bastang mahuhulog ang loob mo sa kanya ng hindi mo siya lubusang kilala kahit na malalim na ang closeness nyo sa isa't isa. There's a right time and mag wait tayo sa ibibigay satin ni God na blessings. 

" PINAGTAGPO pero hindi TINADHANA " 


              ----------------------------------- THE END --------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon