House Room

3 1 0
                                    

Tanghali ng magchat sakin si Rosey para sabihin na inadd daw siya ni Inigo sa facebook pati si Liz inaadd din niya hindi ko rin alam kung bakit. Habang nag uusap kami ni Rosey nagdecide kaming dalawa na iaccept ni Rosey si Inigo sa facebook then chinat ni Rosey si Inigo.

" Ikaw ba yung crush ng kaibigan kong si Shine? "

" Oo ako nga. Bakit? "

" Thank you for not ignoring my friend ha"

" Oo naman wala yun actually napaka helpful niyang si Shine kapag may chinachat ako sa kanya na hindi ko maintindihan or magawa tinutulungan niya ako"

" Oo ganyan kasi yang si Shine napaka selfless niya mas uunahin niya pa ang ibang tao na tulungan kaysa sa sarili niya" (Reply ni Rosey sa chat ni Inigo)

" Napaka suwerte nga ni Shine sainyong kaibigan niya eh ako walang ganyang kaibigan"

" Actually si Shine kaibigan mo na rin naman siya eh kaya pahalagahan mo siya hanggang sa maging malalim ang closeness nyo sa isa't isa" 

" Darating din yung para diyan sa ngayon friends lang talaga muna kami"

Ayan yung mga convo na pinakita sakin ni Rosey grabe totoong napaka suwerte ko sa mga kaibigan ko kasi ganyan sila kahalaga sakin. Pero yung sinabi ni Inigo na friends lang daw muna kami I understand naman kasi siyempre kailangan kilalanin muna namin ang isa't isa pero ang nasa isip ko nung araw na yon mahirap umasa lalo na kapag hindi ka naman gusto ng crush mo. 

Nasa fast food chain kami ng mga kaibigan ko nagchat sakin si Inigo na kung ano daw ba ang pwede maging design sa project nila ng kaklase niya so binigyan ko siya ng idea sa design. After that nag thank you siya sakin kasi nagustuhan daw ng professor nila yung idea na naisip ko then mga gabi na yun nagchat ulit siya hindi ko alam kung nagpapaalam ba or ano ang sabi sakin ni Inigo " Nandito ako sa dorm ng kaklase kong lalaki nag gagawa lang kami ng project" kahit hindi ko naman tinatanong kung nasaan siya ang sabi ko na lang sa kanya mag iingat siya pauwe kasi nga gabi na nagreply ulit si Inigo na mag iingat din daw ako pauwe kinilig na naman si ate mo ghorl hahaha. 


WHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon