Shin Yū Academy
Kanina pa ako naka-tulala dito sa banyo ng bahay ni Tita Olivia.
Ilang oras na lang at pupunta na kami sa
Shin Forest kung saan na ka locate ang Academy .Kahapon dapat kami pupunta pero ang sabi ni Tita Olivia ay dapat magpahinga muna ako.
Marami rin siyang naikwento tungkol sa mga kailangan kong malaman sa eskwelahan at kaharian .
Gusto pa nga niya akong igala ngayon kaso ilang araw na lang eh mag sisimula na ang klase kaya kailangan ko ng makapag enroll.
Nalaman kung isa pala siyang master sa Shin Yū Academy . O sa madaling salita isang teacher .
Ang sabi niya pa ang mga estudyante ay mananatili roon meron kaming dorms.
Tatlong tao sa isang dorm at magkaiba raw ang dorm ng babae sa lalake.
Para naman sa magiging section ko eh base daw sa lakas ko.
Bago ako magkaroon ng section ko meron akong test na kailangan itake para malaman kung saan section ako.
Meron tatlong section akong pwedeng mapasukan .
Ruby-ang pinaka mababang section, nasa section nila yung may mga maliliit at mga prey-like Guardians. Itong section daw na ito ang may pinaka-maraming miyembro dahil halos dito daw yung may pare-parehong klase ng Guardian at may mahihinang ability .
Sunod naman ay Sapphire-sila yung mga average ang lakas kung baga mahihinang klase ng predator ang Guardians nila. Dito naman may konting kalakasan na yung Ability.
Sunod ay Emerald-sila yung may mga ibang klaseng Guardians at halos isa o minsan pa ay wala kang kapareho ng klase ng Guardian . Isa rin sila sa malalakas at may magagandang ability.
At ang pinaka-huli ay Diamond-sila ang mga Royals .
Yun lang ang sinabi ni Tita Olivia tungkol sa mga taga Diamonds Section .
Marami pa siyang sinabi tulad ng buwan-buwan ang bawat isang Shin's o mga mag-aaral ng Shin Yū ay binibigyan ng misyon.
Sinabi rin ni Tita na wag kong ipapakita sa iba ang kwintas ko . Hindi niya sinabi ang dahilan pero sinunod ko na lang ito.
At ang huling paalala niya sa akin ay wag agad akong magtitiwala sa ibang tao.
~♥~
Nasa labas na ako ng bahay ni Tita Olivia hinihintay ko na lang siya dahil may kailangan pa raw siyang kunin .
Makalipas ang ilang minuto nakita ko na siya na nakasay kay Croz ang Crow Guardian niya.
Kahit ito ang panga'tlong beses na makita ko ang guardian niya eh namamangha pa rin ako .
Lumapit siya sa akin at kinuha ang mga gamit ko . Oo, may gamit na ako binili niya ako ng mga damit at iba pang personal na gamit.
"Ah Tita saan tayo sasakay?" nag-aalangan kong tanong kahit may kutob na ako sa magiging sagot niya.
Tinaasan niya ako ng kilay .
"Hindi ba halata? Diyan tayo sasakay kay Croz." sabi niya sabay turo sa higanteng Guardian niya.
Hindi naman talaga ganun kalaki si Croz siguro tatlong tao lang ang kaya niya.
Sinasabi ko lang na higante dahil halos 10x ang laki nito sa normal na crow.
"Bakit natatakot ka ba ?" tanong niya sabay tawa.
Napasimangot ako , alam ko namang safe yan pero takot ako sa matataas eh .
YOU ARE READING
Shin Yū Academy
Fantasy"Let your guardians guide you towards the right path ." Hi! The shins are back! Sorry for the sudden revision of the story. I hope you'll like the more revise version of my story. I promise a stable update for now on. Thank you so much for reading!