Chapter 23

19 0 0
                                    

NOTE:LONG CHAPTER AHEAD.THANK YOU!

REST DAY

Matapos ang ranking battle ay namutawi ang pagod namin kaya naman hindi na kami nakapag usap pa tungkol sa laban.

Sa totoo lang ay gusto ko pa ngang kausapin si Henry para humingi ng tawad dahil mukhang napuruhan ko yung ulo niya kaso mukhang wala siya sa sarili at malalim ang iniisip niya. Siguro pagod lang din siya.

Sobrang saya ko kasi binigyan kami ng isang linggong pahinga!

Balak kong magpahinga lang sa loob ng aking kwarto sa unang dalawang araw ng bakasyon dahil pagod na pagod ako physically at mentally. Gusto ko rin munang mapag-isa para makapag isip isip.

Sobrang dami kong katanungan sa aking sarili na gusto kong masagot sa lalong madaling panahon pero alam kong walang magandang maidudulot ang pagmamadali kaya't aantayin ko. Kahit halos sumabog na ang ulo ko maghihintay ako kasi naniniwala akong mangyayari ang mga dapat mangyari sa tamang panahon.

~♡~

Matapos ang dalawang araw ay natupad ko naman ang balak kong pagpapahinga. Ngayong araw naman ay lalabas na ako!

Niyaya kasi ako ni Railee sa kanila, kaya naman kasama si Arabel ay magtutungo kami sa lugar kong saan ipinanganak si Railee. Ang bayan ng Bukal. Sa paanan ng bundok cristobal ang lugar na kinagisnan ni Railee. Sasakay kami ng isang lumilipad na karwahe para magtungo dun.

Akala ko nga, mula lang sa iisang lugar sina Rai at Ara kasi sobrang malapit nila sa isa't isa. Pero ang totoo ay nagkakilala lang din sila dito sa academy. Nagkataon lang talaga na sabay sila at magkasundo ang ugali nila kaya naging matalik silang magkaibigan.

Dalawang araw lang kaming mananatili dun dahil nangako kami kina Criza na maglilibot ulit kami ng magkakasama.

Inabot ng halos limang oras ang paglipad namin papunta sa bayan ng bukal. Masasabi kong gusto ko ang lugar na ito! Dahil malapit sa bundok ay napapaligiran ng puno ang buong lugar dahilan ng sariwang simoy ng hangin.

Simple lamang ang mga bahay ngunit hindi maipagkakaila ang taglay nitong kagandahan. Mga kabataang naglalaro at mga taong nagtatanim, kung hindi lang sila gumagamit ng kanilang espesyal na abilidad ay maari ko na sanang sabihin ako'y animo'y na sa isang probinsya sa mundo ng mga normal na tao.

Mabilis kaming naglakad sa isang bahay. May kalakihan ito kumpara sa iba at sa labas nito ay maraming nagagandahang mga halaman at bulaklak ang nakatanim.

Sinalubong kami ng isang babaeng ka mukhang kamukha ni Rai!!

"Railee aking anak! Namiss kita ng sobra!" bungad nito at agad na niyakap si Rai.

"Namiss din kita ina." sagot naman ni Rai.

"Namiss din kita tiya Ria!" singit naman ni Ara na nagpangiti sa ina ni Rai.

"Arabel matagal na nung huli kitang makita!" at niyakap niya din Ara.

Nang bumitaw sila sa yakap ay napatingin naman sa akin ang ina ni Rai at ngumiti.

"Ikaw na ba si Winter?" tanong nito.

Tumango ako habang nakangiti.

"Opo, magandang araw po ako po si Winter kaibigan nina Rai!"

Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako na syang nagpatigil sa akin pero agad ko din siyang niyakap pabalik.

"Naku naikwento ka sa akin ni Railee nung huling bisita niya! Nagagalak akong makilala ka na!"

"Nagagalak din po ako!"

Agad niya kaming pinapasok sa kanilang bahay. Simple ngunit malinis ang loob ng kanilang bahay. Nakilala ko din ang ate ni Railee at ang kanyang tatay. Kinabukasan maging ang mga pinsan at mga tiyahin ni Rai ay nakilala ko din!

Shin Yū Academy Where stories live. Discover now