First Mission
Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit ako pinapatawag ni Tita Olivia .
May sasabihin ba siya? Kung meron ano kaya yun?
Flashback
Nasa loob kami ng cafeteria nina Rai at Ara . Kaming tatlo lang ang nandito dahil kami lang naman halos yung pare pareho yung schedule .
"Uhmm Ikaw si Winter Katalia diba?" napalingon kami ng may isang sapphire Shin ang lumapit sa amin .
"Uh oo ako ngayon , bakit?" usisa ko .
"Pinapatawag ka kasi ni Master Olivia sa opisina niya , kapag tapos ka na daw mananghalian pumunta ka na ." sambit nito .
Huh? Bakit naman ako pinapatawag ni Master Olivia?
"Oh okay , salamat ." tumango lang ito at umalis na .
"Bakit ka kaya niya pinapatawag Win?" tanong ni Ara.
"Hindi ko alam."
"Haha, wag na kayong mag - alala sigurado akong wala lang yun." dagdag ko pa .
Nang marating ko ang pinto ng opisina ni Tita Olivia ay marahan akong kumatok .
"Come in." sambit ng boses na galing sa loob na walang iba kundi si Tita Olivia .
Nang buksan ko ang pinto ay bumalot ang pagtataka ko ng mamataan sa loob ng opisina si Timothy at Lix.
"Hey , Winter." bati ni Tim kaya't tinanguan ko siya .
Nang lumingon naman ako kay Lix ay binigyan lang niya ako ng tango.
Tsk, ang sungit eh halos dalawang linggo niya na nga akong tinuturuan . Dahil sa kaniya marami na akong nahasa sa aking kakayahan at sa kakayahan ni Fasha .
Tuluyan na akong pumasok at tumayo sa harap nila .
"Hmm, kumain ka na ba Win ?" yun ang kauna unahang mga salitang lumabas sa bibig ni Tita Olivia .
Kaya bahagyang nanlaki ang aking mga mata . Pero agad din akong tumango .
"Good,now I'm gonna start. I summon you here Winter, because Prince Lavier here would be your temporary training partner for three days." agaran niyang salita.
Wait! What?! Si Lix ?!
"Ha? Bakit po ? Paano si Tim-este Prince Tim?" tanong ko .
"Well, you see Prince Tim has an urgent business in their Kingdom that he had to do. And because Prince Lix is the only one available , I choose him to be your temporary TP."
Ah. May prince duties si Tim na kailangan niyang gawin. Wew, sucks to be a royal. hihi
"Ah, pero payag po ba si Prince Lix?" tanong ko sabay baling ng tingin kay prinsipe yelo .
"Well , its fine with me ." simpleng sambit niya .
"Then its settled then , starting this afternoon he will be your TP . You may go now, except for you Winter ." matapos sambitin yun ni Tita Olivia ay lumabas na ang dalawa . Narinig ko pang bumulong si Tim na aantayin niya ako kaya't tinanguan ko siya .
"So, may oras ka na ba para sabihin kung bakit hindi mo na ako nabibisita tuwing weekends ?" sabi ko na nga ba eh!
Nakagat ko ang ibabang labi ko . Anong sasabihin ko?! Na nag tetraining ako tuwing weekends kasama si Prince Lix?!
Mabilis kong naiangat ang aking ulo ng marinig na tumawa si Tita .
"Wow, you look exactly like her when your terrified ." natatawa niyang sambit .
![](https://img.wattpad.com/cover/282134201-288-k7441.jpg)
YOU ARE READING
Shin Yū Academy
Fantasy"Let your guardians guide you towards the right path ." Hi! The shins are back! Sorry for the sudden revision of the story. I hope you'll like the more revise version of my story. I promise a stable update for now on. Thank you so much for reading!