ayuda

26 1 0
                                    

ayuda nga ba?

Lahat naman pasado
Pera ito ng pilipino
Ngunit bakit hati?
bakit pinagkakait?
panahon ng kahirapan,
ubos na ubos na ang karamihan

Mahal na bigas
Mahal na pagkain
Mahal na bilihin
Lahat na lang tumataas
Sumabay pa ang pagsaid ng katas
Katas na tanging bumubuhay

Ayuda, minsan pera
Madalas nga-nga
Ayuda, minsan mataas
Madalas bawas
Ayuda, sabi sabi'y lahat makakakuha
Pero pili pa rin ang nakakatamasa
Naghihirap na ang buong bansa

Sa panahon ng pandemya
lahat nagsusumikap
Lahat kinakaya ang reyalidad
lulunukin pati ang dignidad
Mabuhay lang ang pamilya
Maitawid lang ang gutom ng tiyan
Mahirap pero kailangan

Sa totoo lang
kahit kami kinukulang
Sa aspetong dati ay di naman salat
Ngayun walang magawa
Walang pera, pero pilit kinakaya
Para sa pamilya
Limang tao ang nagsusumikap
Buhayin ang sarili
Mayroong araw na umiiyak,
May araw na nagdadalamhati
May araw na nawawalan ng pag-asa
Asan kukuha ng delihensya?
Sa ayuda nga ba?

Fallen Symphonies [POETRY] ✓Where stories live. Discover now