Hindi ako yung tipong palaban
Pero sa oras na akoy iyong kinalaban
Lintek lang ang di tatamaan
Kasi lahat diretso sa iyong katawan at isipanMahiyain ako,Oo
Pero hindi naman ako bato
Na tatapak-tapakan mo
Sa tuwing nakikita moOo mapagpasensya ako
Pero pisi ko'y nasa ganito oh----
Maikli na lang
Unti na langSasabog na ako
Sa lahat ng panlalait niyo
Pero heto ako mahal pa rin kayo
Kase kaibigang totooKaya please lang
Makinig ka
Masakit man ang ipinapahiya
Pero mas masakit ang mabalewalaAko man ay may hiya
Normal mo naman akong makikita
Kaya tigilan na ang sumbatan
Upang walang magkasakitanIto lang ang paalala ko
Dahil mahalaga kayo
Bilang tao at kaibigan ko
Baka kase magdilim ang paningin ko
At makita kong plastic pala kayo..
YOU ARE READING
Fallen Symphonies [POETRY] ✓
Poetry"Poetry is the record of the best and happiest moments of the happiest and best minds." "Poetry is when an emotion has found its thought and the thought has found words." - Robert Frost "Poetry isn't a profession, it's a way of life. It's an empty b...