Payo ko lang sa iyo
Musta na kayo ng syota mo?
Musta na kayo ng mahal mo, honey, baby o kung ano mang tawag dyan sa pagsasama nyo
Balita ko SS pa rin kayo ha?
Balita ko matatag pa rin ang inyong pagsasama
Pero kumusta na kayo sa eskwela?Ang pag-ibig nandyan lang sa tabi-tabi
Ang pag-aaral di mo pwedeng isantabi
Ang pag-ibig kusa yang dadating at sayo'y gigising
Ang pag-aaral di mo pwedeng sayangin, kase minsan lang yan dadaan sa iyong paninginOo, alam ko masarap syang kasama
Masarap syang kadamay sa problema
Masarap siyang katawanan sa umaga
Pero hindi ba mas masarap kung tapos muna kayong dalawa sa eskwela
Masarap yung parehas kayong hahawak ng diplomaWala namang problema kung palagi kayong magkasama
Kung kaya nyong pagsabayin ang pag-ibig sa eskwela
Susuportahan ko pa kayong dalawa
Pero yung ilalayo ka nya sa magandang kinabukasan
Ang payo ko lang sayo, siya ay iyong iwanan
Dahil kung tunay ka nyang minamahal
Hindi ka nyan dadalhin sa daang masukal at relasyong nakakasakal...
YOU ARE READING
Fallen Symphonies [POETRY] ✓
Poetry"Poetry is the record of the best and happiest moments of the happiest and best minds." "Poetry is when an emotion has found its thought and the thought has found words." - Robert Frost "Poetry isn't a profession, it's a way of life. It's an empty b...