Kabanata 6

33 5 1
                                    

Kabanata 6

Light


"Taya ka" turo ni Jocelyn kay Lix. Tumawa naman si Tricia at hinila na si Jocelyn. Binalingan ko si Lix na tahimik lang.


"Bat tahimik ka?" tanong ko habang naglalakad. Naramdaman ko naman ang presensya ng mga bodyguards niya kahit nakatago ang mga iyon.


"Don't mind them" bulong niya sa akin. Nagsmile lang ako sakanya at pinisil ang kamay niya.


Tahimik lang si Lix habang naglalakad kami papapunta sa kanto na lagi naming kinakainan. Puno ito ng mga karinderya na mura ang tinda, may mga di tulak din na nagtitinda ng streetfood. Kwek kwek, fish balls at squidballs, may mga inihaw din na favorite ko.


"Chicken skin, kwek kwek, adidas ako" masiglang sabi ni Tricia na tumitingin. Naramdaman ko naman ang pagpisil ni Lix sa kamay ko.


"Bakit?" tanong ko. Lumapit siya sa akin at naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko.


"I don't know how to eat these foods" tinapik ko lang ang braso niya at ngumiti.


"Ako bahala sayo" sabi ko sabay kindat.


"Manong anim stick ng tenga ng baboy, pito naman na isaw ng baboy, anim na isaw ng manok, anim na adidas" tumango naman si manong. 


"Gusto mo ng betamax jo?" tanong ko kay Jocelyn na nilalantakan na ang bopis. Nagthumbs up naman siya.


"Apat pa pong betamax" dagdag ko kay Manong. Tumango lang siya at ngumiti.


"Oh Aisha, boyfriend mo?" maingay na tanong ni Manong na nagtitinda ng fishball, kwek kwek, squidballs, kikiam, tukneneng at chicken skin.


"Ay nako kuya baby daw yan" asar ni Tricia na pumapapak na ng kikiam.


"Uy penge" hila ko sa braso ni Jocelyn na may bopis na hawak. Pinakagat naman niya ako, nabigla na lang ako ng may daliring nagpunas ng sauce sa labi ko.


"Puta walang respeto sa broken" sigaw ni Jocelyn na nagmartsa palayo sa amin. Natawa lang kami nila Tricia, kahit si manong ay natawa din.


"Masarap to" turo ko sa fishball. Tumusok ako ng fishball, squidballs at kikiam at nilagay sa isang cup. Binuhusan ko din iyon ng maraming sauce. Tumusok ako ng isang squid ball at hinipan iyon.


"Ahhh" subo ko sakanya ng squidball na hinipan ko. Sinunod naman niya ako, dahan dahan din niya iyong nginuya. Nang makita ang maliit niyang ngiti ay inabot ko na sakanya ang cup. 


Kaya na niyang kumain, matanda na siya.


"Umupo ka dun----ayun dun sa inuupuan ni Jo" turo ko sa pwesto ni Jocelyn sa isang karindirya.


"How about you?" tinuro ko naman ang cart ng bopis na tinitigan niya lang.


"Is that clean?" tumawa naman ako ng mahina at tumango.

Rekindled MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon