Kabanata 7

34 6 0
                                    

Another extra update... Sinisipag ako eh hihihihi!

Enjoy!!!



Kabanata 7

Stranger


"Uwi ka na?" tanong sa akin ni Yosef na hinarang pa ako sa pinto. Isa siya sa mga varsity player na nagpapahiwatig sa akin pero hindi ko pinapansin. Pinadaan naman niya ako kaya nagmamadali akong lumabas sa univ.


"Saan ka pupunta?" narinig kong tawag niya sa akin. Inirapan ko lang siya.


"Akala ko inosente ka talaga pero malandi ka din pala" hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko kaya naman nagpumiglas ako. 


"Kumakandong ka pa a" nilapit niya ang mukha niya sa pisngi ko kaya gamit ang ulo ko ay inuntog ko iyon sa ulo niya.


"Puta ka!" sigaw niya sa akin. Nahihilo pa ako pero tumakbo na agad ako palabas. Napasigaw ako ng bigla niyang hilahin ang buhok ko.


"Titikman muna ki---" hindi na natapos ni Yosef ang sasabihin ng may tatlong lalaking dumamba sakanya. Mga bodyguards ni Lix.


"Okay lang po ba kayo ma'am?" tanong ng lalaking nakashades at nakacasual na damit.


"Roel po, pinadala po kami ni Sir Van" tumango na lang ako at minasahe ang masakit kong ulo. Hayop na lalaki to nananabunot.


"Salamat" tanging sagot ko. Napatingin naman ako sa oras, matapos pasalamatan sila ay tumakbo na ako para makasakay.


Nakarating naman ako ng ligtas sa cafe.


"Santisima Aisha! Okay ka lang?" bungad ni Miss Mary sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Bakit? May problema ba sa itsura ko?


"Bat may sugat ka?" kinapa ko naman ang tinitignan niya at nakita ang dugo duon. Paano ako nagkadugo duon? Dahil ba sa pag-untog ko kay Yosef o sa kalmot niya noong sinabunutan niya ako?


"Halika may band aid dito" nilinis ni Miss Mary ang sugat ko. Pinahiran niya ito ng alcohol para hindi daw mainfect, masakit ito pero kayang kaya naman. Nilagyan din niya ako ng band-aid. Maliit pero kita ito sa taas ng noo ko. Pinatong ko lang ang hat ko para matakpan ito.


Hindi pa 6 pm kaya nagtext muna ako kina mama at kina Lix. Nagreply naman sila Tricia at Jocelyn ng ingat. Si Mama naman ay sinabi lang na Ginisang pechay ang lulutuin niya. Nag-aantay naman ako sa reply ni Lix pero walang dumating.


Baka nasa klase siya, hindi naman siya magkaklase ni Tricia sa lahat ng subject kaya hindi ko alam ang schedule niya. Tinago ko na sa bulsa ko ang cellphone. Nagsimula na din akong magtrabaho.


Mag alas otso na at medyo marami ang customers. Buti na lang ay busog ako kanina kaya malakas lakas pa ako.


"Welcome sir" bati ko sa lalaking naka cap na pumasok. Tumango lang ito sa akin. Si Maggie naman ang kumuha ng order nito dahil saktong tinawag ako ng isang customer sa table.

Rekindled MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon