Kabanata 42 Part 2

27 3 0
                                    

Kabanata 42 Part 2

I am bad


"Miss AIsha" tawag ni Mr. Robinson sa akin, nilingon ko naman siya at kitang kita ko ang basa niyang mga damit.


"What happened Mr. Robinson? Are you okay?" napatayo na ako at kinuha ang tissue na nasa tabi ko para ibigay iyon sakanya.


"It's pouring outside Miss, I don't think it will be safe to travel" tinignan naman namin ang labas at kitang kita nga ang napakalakas na pag-ulan. Hindi kasi rinig sa loob ang malakas na ulan kaya hindi namin napansin.


"Marami namang kwarto anak, magpatila muna kayo" tumango na lang ako, kaysa naman maaksidente pa kami sa katigasan ng ulo ko.


Matapos ang dinner ay nagkanya kanya na kaming kwarto. Kinailangan pang buhatin nila Kuya Eli at Kuya Calix ang mga anak para lang mailayo sa akin. Si Tine naman ay pinaliguan ko at inayos ko sa pagtulog bago ako lumabas ng kwarto niya.


She looks very peaceful in her bed, tucked in very nicely. Paglabas ko ay naisipan ko munang magpahangin kaya naman hawak ang isang baso ng tubig ay tinanaw ko ang garden kung saan una kaming naging malapit ni Lix.


I've never thought of being here again, ang akala ko ay huling beses ko ng tapak dito noong nagmakaawa sakanila na kunin ang anak ko. Hindi ko lubos akalain na pagkatapos ng pitong taon ay nandito ulit ako.


"Are you okay?" tumango lang ako, hindi ko na siya kailangan lingunin dahil alam ko na naman kung kaninong boses iyon.


"I didn't know that mama died" mapait lang akong ngumiti at nanatiling nakatingin sa madilim na kalangitan. Hindi pa din tumitila ang malakas na ulan kaya nasa hamba lang ako ng pinto para hindi mabasa.


"Did she die..."


"She died that day" narinig ko ang pagsinghap niya. Tumabi siya sa akin kaya napatingin ako sa gawi niya.


"Janet is not my girlfriend" napakunot naman ang noo ko. Sino si Janet?


Oh yes, yung evil Janet na girlfriend niyang ayaw ni Tine.


"She's not my girlfriend, she's a reporter. She once asked me about you, kaya naman sa kanya ko nakukuha ang mga balita tungkol sayo" wala naman akong sinagot dahil hindi ko naiintindihan bat niya ito sinasabi sa akin.


"I went for I think two dinners with her, believe me. I never dated her, I just want updates about you. Masyado kasing mahigpit ang agency mo sayo, wala akong makuhang balita bukod sa mga magazine kung saan covers ka"


"Nakikibalita ka?" I asked.


Why? Para saan pa?


"Of course, because I've never stopped loving you Flora. Kahit minsan, I tried my best to forget you but I can't. Kaya naman hindi ko na lang pinigilan. How can I, right? How can I love another girl when my heart already belongs to someone, belongs to you?"

Rekindled MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon