Kabanata 28

21 4 0
                                    

Kabanata 28

Mall


Pag uwi naman ay sinalubong agad ako ni Aisha na tumatawa habang kalong ni Ash. Binaba ko naman ang bag ko sa malapit na sofa para salubungin ang Aida ko.


"Hi pretty Aida" tumalon talon pa siya na parang gustong gusto niyang hawakan ko siya.


"Look" binaba siya ni Ash sa sahig na may mat.


Ang buong bahay kasi may mat na para kung mahulog man si Aida habang gumagapang ay hindi siya masaktan. Every corner of the house is also baby proof kaya safe na safe si Aida.


"M--mmm" she babbled.


"Hmmmm" I hummed, imitating her.


Gumapang siya papalapit sa akin, she knows how to crawl na. Marunong na din siya magsabi pag nagugutom siya, papaluin niya ang dibdib ko. Minsan naman naiyak siya, kahit mga iyak niya ay naiintindihan ko na. Kung may dumi ba siya, kung may ihi na siya o kung gutom na siya. It's like the wonders of being a mother.


It's like this unspoken bond between us, minsan nga kahit malayo ako ay parang naririnig ko ang iyak ni Aida at alam ko na agad na may problema. I also became more stronger because of her, kung dati ay sanay na ako sa puyatan pero may mga pagkakataon na sobrang pagod ako at pinababayaan ko na lang lahat, ngayon ay kahit na anong pagod o puyat ko. Lahat yon nawawala sa tuwing makikita ko ang anak ko.


"Mmmm" masaya niyang sabi. Ginagaya ko lang din siya. Nakabantay naman si Ash sa likod niya.


I hugged her as soon as she came up to me.


"Ang galing galing ng Aida ko" she smiled more at nahampas pa ang mukha ko.


"Aida" tawag ko sa pangalan niya. She smiled and jumped in my arms, she likes hearing her name. Kaya mas gustong gusto naming tinatawag ang pangalan niya.


Lumapit naman si Tricia sa amin na dala ang booboo niya, ang isang stuffed horse na paborito niya. Hindi siya nakakatulog ng wala ito.


Pagkatapos kong padedein si Aida ay nakipaglaro na siya kay Mayor Albert na umuwi dahil sa lunch break daw niya at gusto niyang bisitahin ang apo. Si Tricia naman ay may tinatapos na report, si Ash ay pumasok na, 2pm kasi ang shift niya.


"I love you" bulong ko sabay yakap sa pinakapaborito ko. Nagluluto siya kaya sa likod niya lang ako nakayakap.


I've loved mama all my life, but I haven't really thanked her for all the sacrifices she made, especially ngayon meron na kaming Aida.


"Bat ka naglalambing?" pinalo niya lang ng malakas ang kamay kong nakapatong sa tiyan niya.


"Bawal ba?" umiling lang siya.


"Thank you mama" tinigil naman niya ang paghalo ng niluluto niya at hinarap ako.

Rekindled MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon