Kabanata 31

47 1 9
                                    

Luminga-linga ako sa paligid upang alamin kung nasaan na ba si Dariel pero nang makitang wala pa ay nagbuntong hininga ako. Nakatayo ako sa ilalim ng puno sa gilid ng kalsada. Ang sabi niya kasi ay magkikita kami rito sa lugar malapit sa bayan, ito lang naman ang alam kong lugar dahil dito kami palaging dumadaan kapag papunta sa bayan.

Hindi naman ako nahuli ng dating, halos sakto nga lang ang oras noong dumating ako rito. Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ko at nagpunas ng pawis sa noo pati sa leeg ko, buti na lang ay wala masyadong tao rito kaya walang nakakakita sa akin. 

Kahit nasa ilalim ako ng puno ay nasisinagan pa rin ako ng araw. Walang tao na dumadaraan sa paligid kaya tahimik, tanging huni lamang ng ibon ang maririnig.

Anong oras kaya darating si Dariel? Sana naman ay dumating na siya ngayon. Hindi ko na siya nakita kahapon tapos hindi ko pa siya makikita ngayon, kahit sandaling oras lang ngayong araw ay sana makalabas kami.

Nang matapos akong magpunas ng pawis ay kinuha ko sa slingbag ang cellphone ko, nag-text na ako kay Dariel...

Adelaide: Dariel, hinihintay kita rito. Nasaan ka na?

Adelaide: Makakapunta ka ba?

Pagkatapos kong mag-text ay tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot dahil nakapatay ang cellphone niya. Napabuntong hininga ako at pinatay na lang ang cellphone ko, hinawakan ko lang iyon.

Nakarinig ako ng ilang yabag mula sa likuran ko kaya agad akong ngumiti, baka sakaling si Dariel na iyon pero nang makita kong wala pa lang tao ay napabuntong hininga ako ulit.

Nagulat ako nang biglang may nagtakip ng mga mata ko. Agad kong hinawakan ang kamay na nagtakip sa mata ko, ang bilis din ng tibok ko, hindi ako makapagsalita dahil sa gulat at taranta, pinilit kong alisin iyon ngunit hindi ko matanggal dahil mas malaki ang kamay niya kaysa sa akin.

Ilang segundo ang lumipas ay tinanggal noong nagtakip sa mga mata ko ang kamay niya. Narinig ko ang pamilyar na tawa mula sa likuran ko kaya agad akong humarap doon, nakita ko si Dariel na tumatawa sa harapan ko.

Akala ko hindi na siya darating!

Naghalukipkip ako, tumigil siya sa pagtawa at bigla akong niyakap! Halos ma-estatwa ako sa ginawa niya. Hinaplos niya ang buhok ko nang marahan.

Bakit niya ako niyakap? Ang bilis ng tibok ng puso ko, feeling ko ay maririnig niya iyon dahil kaming dalawa lang ang tao rito. Hindi ako makapagsalita sa pagyakap na ginawa niya.

"Na-miss kita." Sabi niya saka humiwalay ng pagkakayakap sa akin. Para akong tuod na hindi makagalaw habang nakatingin sa kanya na ngayon ay nakangiti, hindi ko malaman kung bakit ganiyan siya makangiti sa akin.

May hawak siyang kulay itim na sumbrero katulad ng suot niya ngayon, itim lang iyon at walang kahit anong design ang nakalagay roon. Lumapit siya nang bahagya sa akin para isuot sa akin ang sumbrero na hawak niya, maingat niyang inilagay sa ulo ko iyon, hinayaan ko siyang gawin iyon hanggang sa matapos siya.

Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa mukha ko habang nakangiti, napangiti rin ako sa kanya. Ibinaba niya ang kamay niya noong tapos na niyang ayusin ang buhok ko.

Na-miss ko rin siya kahit isang araw lang kaming hindi nagkita, sinagot ko siya noong nakaraan pero hindi kami nakalabas kahapon. Ayos lang naman iyon dahil nagkita naman na kami ngayon.

Tumawa siya kaya natauhan ako.

"A-Ano nga pala 'yung ibibigay mo sa akin?" Tanong ko, napatigil siya sa pagtawa nang marinig ang tanong ko.

Hindi siya nagsalita noong tumigil siya, nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya at nang mailabas niya na iyon ay ipinakita niya sa akin. 

It's a bracelet!

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon