Palawan

295 22 8
                                    

Hi Reader's! Anyway susubukan ko pagsusunodsunurin ang upadate dito until chapter 25 and the rest is baka medyo mabagal ang upadate dahil mas marami akong aayusin doon lalo nat maraming mangyayaring hindi kanais nais sa dalawa and of course ipakikilala ko lahat ng Cordova clan doon i mean hindi pala lahat basta malalaman niyo rin.
Enjoy Reading😘

Sakay ng Lamborghini chopper si Giovan ay tinungo niya ang lugar kung saan nag simula ang lahat.

Matapos alamin ang lahat ng dapat niyang alamin sa magulang ng bata ay walang pagdadalawang isip siyang bumiyahe patungo sa lugar kung saan nawala ito.

Pagkalapag ng chopper sa malawak na ispayo ng lupa ay agad din niyang pinatay ang makina at bumaba habang nakasabit ang black leather jacket niya sa balikat at naglakad na tila isang modelo habang pasipol sipol at nakapamulsa pa.

Napangisi siya ng makita ang batang binatilyo na sumalubong sa kanya habang tuwang tuwa. "Kuya Van!"

"Aba Troy, ikaw na ba yan? Wow! Kumusta? binata kana ah, may nililigawan ka na bang chiks? Ipakilala mo naman sa akin." Aniya saka pinulupot ang braso sa leeg nito at bahagyang hinigpitan habang naka siksik ang ulo nito sa dibdib niya habang tumatawa.

"Wala po kuya, good boy kaya 'to." Tugon naman nito.

"Talaga lang ah. Oh nasan si Manang Lusing?"

"Wala po si Lola kuya, ng malamang pupunta ka dito agad namalengki para daw ipag luto ka ng favorite mong ulam."

"Ganun ba."

"Oh andyan na pala si Lola, kuya."

Mabilis silang lumapit dito at sinalubong ang may katadaang ginang na siyang care taker ng kanyang bahay bakasyonan. "Oh nandito kana pala ihjo, kamusta kana? Yung kakambal mo kamusta narin?"

"Ayos lang po." Magalang niyang tugon.

"Buti at napadalaw ka dito, nakaka miss kang bata ka maski iyong kakambal mong mas maingay pa kaysa sa iyo."

Natawa siya dahil sa tinuran ni Manang Lusing. "Ayos lang po siya manag. "Saka inilibot ang tingin sa paligid na tila may hinahanap. "Si mang Istoy po?"

"Hay nako, iwan ko sa matandang iyon ang tigas ng ulo. sinabi ko ng darating ka eh ayon agad nag punta sa kanyang mga alagang hayop upang kumatay ng kambing para sa ulam natin mamayang gabi."

Natawa siya habang naiiling. "Si mang Istoy talaga panira ng diet ko."

Natawa rin ang ginang dahil sa sinabi niya. "Alam mo naman ang matandang iyon ihjo, isa pa ang tagal din naman na panahon noong huli kang pumunta dito kaya tuwang tuwa iyon dahil darating ka. Isa pa kaya ganun iyon ay dahil may makakasama na naman sa bisyo nito na makipag karera ng kabayo."

Napahagalpak siya ng tawa dahil sa sinabi ng ginang. Totoong kapag nandito siya ay siya ang buddy buddy ni mang Istoy sa hubby nitong manood ng karera at makipag pustahan oh hindi kaya ay pinapasali siya nitong makipagkarera at ang perang napapanalunan nila ay binibigay nito lahat sa mag asawa dahil hindi naman niya kaylangan iyon. Sabi nga ni mang Istoy ay siya ang lucky charm nito dahil wala pa siyang talo sa karera sa tuwing magkasama sila.

"Oh siya, dalhin mo muna ito sa kusina Troy at nang makapag luto na ako ng hapunan natin." Tukoy nito sa apo nitong binatilyo saka siya binalingan. "Pumasok kana sa loob ihjo para magpahinga hinanda ko na rin ang kuwarto mo."

"Salamat po manang " Aniya.

Tumango aman ito. "Pupunta lang ako sa harden at mamimitas ng gulay at prutas." Paalam nito bago tinungo ang harden nila ng asawa.

Pumasok naman siya sa loob at umakyat sa kanyang kuwarto upang makapag pahinga dahil mula sa Cebu ay tinungo niya ang nueva ecija at muli ay bumiyahe siya papunta dito sa Palawan.

Hindi niya namalayang naka idlip siya dahil sa kapaguran at ginising lang siya ni Aling Lusing pagsapit ng alasais ng gabi para sa kanilang hapunan.

Matapos ang munting Salo Salo nila ay umakyat siya ulit sa kanyang kuwarto at nag Palit ng damit saka nag paalam sa mag asawa na aalis na muna siya upang mamasyal.

Sakay ng motor ay bumiyahe siya patungo sa lugar kung saan may hindi kataasan na bundok at may katirikan na daan upang tanawin ang ilaw sa baba na nag mumula sa mga ilaw ng syuda at sa kabilang side nito ay bangin at ang kababaan nito ay tubig dagat.

Ipinark niya ang motor sa gilid ng daan saka inilibot ang paningin sa madilim na lugar na walang ilaw kaya walang nagtatangkang pumunta sa ganitong klase ng lugar lalo na kapag gabi dahil narin sa takot lalo na't matirik pa ang daan paakyat dito maliban sa kanya na walang kahirap hirap na akyatin ang lugar na ito habang naka motor.

Sanay ang mata niya sa madilim dahil bata pa lang sila ay tinitrain na sila ng kanilang magulang na sanayin ang mata sa madilim at talasan ang pandinig at pakiramdam at pang-amoy dahil narin sa klase ng kanilang trabaho kaya easy lang sa kanya ang ganito na kahit walang ilaw.

Ngunit sa mga oras na iyon ay hindi naman ganun ka dilim ang Lugar dahil sa liwanag ng buwan kahit may ilang bahagi parin na madilim dahil narin sa mga puno.

Bumaba siya sa bakod na nag sisilbing harang para hindi mahulog ang mga taong aakyat sa lugar na ito at doon sa medyo mababang lugar nito ay may kunting patag at nag iisang mataas na puno at doon ay tinungo niya bago inakyat at umupo sa malaking sanga nito at isinandal ang likod sa puno at Tinanaw ang mga ilaw ng syudad at mga sasakyan na bumibyahe.

Dahil sa lamig ng panahon at sariwang hangin ay nakaramdam siya ng kunting antok kaya ipinikit niya ang mata habang ninanamnam ang hatid ng sariwang hangin na tumatama sa kanyang pisngi saka ipinasak ang Bluetooth headset sa kanyang taynga at nakinig ng mga lumang kanta sa kanyang cellphone.

Napakunot noo siya ng maramdaman na hindi na siya nag iisa sa lugar na iyon batay na rin sa hatid ng hangin at kakaibang amoy sa paligid kaya tinanggal niya ang Bluetooth headset at pinakiramdaman ang paligid.

Sigurado siyang halos mag iisang oras na siya sa ganun position ngunit hindi siya gumalaw mula sa kinalalagyan niya at nanatiling nakapikit parin ang mata.

Tiwala siya sa kanyang instinct at alam niya kung may hatid na masama ang taong nakapaligid oh wala pero batay sa pakiramdam niya ay harmless naman ang taong ito.

"Uh....whoa! Ang sarap! Sigaw ng taong kasama niya na sinundan pa ng tawa.

Okay, medyo nabawasan ang tiwala niya sa kanyang instinct. Mukhang harmful ang taong ito sa kanyang taynga.

Nakakarindi ang boses.

Damn it!

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon