Maiden and Mafia

261 22 6
                                    

Belated Happy Valentines sa inyong lahat mga minamahal kong mambabasa.😊

Nakapamulsang nag lalakad si Giovan habang tumitingin tingin sa mga naka display na paninda sa tyange at minsan ay titingala para tignan ang ilang mga nakasabit sa taas kagaya ng mga damit toys at kung ano ano pa.

Gusto niyang bumili ng mga souvenir para sa mga batang tinutulungan ng kanilang pamelya na nasa C- SHELTER pero kanina pa siya tumitingin tingin ngunit wala siyang nagugustuhan ni isa kaya napakamot na lang siya ng batok at bumuntong hininga saka umikot at nag patuloy sa pag lalakad na parang walang nararamdaman na kanina pa na may sumusunod sa kanya.

Pumunta siya sa lugar na hindi gaano karami ang tao at doon hinintay ang taong kanina pa naka buntot.

"Nasan na iyon?" narinig niyang sabi ng taong bumubuntot.

"Akalin mo nga naman. Hindi ka lang pala kalahating kabayo, stalker ka narin pala?" Nakangising sabi niya habang nakasandal sa isa sa poste at nakahalukipkip.

"Itsura mo! feeling guwapo kapre naman, hindi ako pumapatol sa pangit oi!"

"Di rin ako pumapatol sa tikbalang na katulad mo babae! ah!" Aniya na tila may naiisip at naningkit pa ang mata niya saka nilapitan ito. "May gusto ka sa akin no?" Nakangising sabi niya at inambahan ng yakap pero mabilis itong yumuko at lumusot sa ilalim ng pag ambang yakap niya upang iwasan siya saka lumayo bahagya.

"Gago! itsura mo pangit!" Akmang sisipain na naman siya nito ngunit mabilis siyang umatras dahil inaasahan na niya iyon na gagawin ng babae.

Tumawa lang siya at umiling saka ito iniwan at nag libot libot ulit pero sumunod na naman ito sa kanya kaya tumigil siya at nilingon ito. "Anong kaylangan mo?"

"Ano? Anong pinagsasabi mo dyan?" Kunwari din ito saka namulsa.

"Stop acting idiot!"

"Stap akting yu grrrr! bakit Ikaw lang ba may karapatan pumunta dito? Baka nakakalimutan mong taga dito din ako, Tanga ka ba?"

Tumaas ang kilay niya saka nag hikab kunwari. "Maiden."

Kita niya ang gulat sa mukha ng babae ngunit mabilis din kumunot ang noo. "Ano?"

Ngumuso siya bahagya. "Your little sister is so cute di kayo magkamukha tikbalang ka kasi Tsk Tsk." Naiiling pa niyang sabi saka binilisan ang lakad upang takasan ito.

Samantala ng makaalis na si Giovan ay siya naman ang pagdating ng ilang kalalakihan at pinalibutan ang babae.

Ngumisi ang mga ito. "Mamba." Sabi ng isa sa mga lalake.

"Tika mga kuya, hindi po ako artista para palibutan niyo ako." Natatawang sabi niya sabay taas ng kamay ng makitang tinutukan siya ng baril. "Oh! Hindi po yan laruan!"

"Alam mo ba kung sino ang lalakeng kausap mo kanina?"

"Marami akong naka usap kuya sino sa kanila? May driver po ng jeep may driver ng tricycle at iyong vendor po ng taho at iyong nag wawalis po kanina sa daan."

"Potangina!" Mura ng lalake at akmang sasampalin siya pero umatras siya ng bahagya.

"Whoa! Ikaw kaya ang sampalin kuya ng malaman mo?" Aniya at ngumisi ng hilaw.

"Cordova ang lalakeng kausap mo kanina bakit mo pinakawalan?"

"Nag papatawa ka ba kuya? anong Cordova? Wala akong kilalang Cordova!"

"Anak ng tanga!" Saka siya inataki at sinipa pero nasangga niya iyon pero bumagsak parin siya at nasalo siya ng mga kasama ng lalake.

"Tika nga, ano ba ang problema niyo? bigla bigla na lang kayo nanghaharang tapos kung ano ano pa ang pinagsasabi niyo eh hindi ko naman alam! Pwede ba, bitiwan niyo ako di ko naman kayo kilala mga pangit!" Singhal niya.

Sinakal siya ng lalakeng tila leader ng mga kasama nito at ang dalawa naman ay naka hawak sa magkabilang kamay niya at ang isa naman ay tinutukan siya ng baril.

"Kanina pa ako nabubuweset sayo babae. Ang tinutukoy ko yung lalake kanina na kakaalis lang bago kami dumating, si Giovan Cordova!"

"Ah yung kapre?" Ngumisi siya." Tao ba iyon? Eh mukhang kapre nga iyon eh tapos kayo mukhang
Hippopotamus ang babaho pa ng hininga!" saka niya binigwasan ang lalakeng sumakal sa kanya at mabilis na sinipa ang kamay ng lalakeng nakatotok ang baril sa kanya ng ulo.

"Babaeng tikbal-- What the hell?" Narinig niyang boses mula sa likuran niya kaya napatigil siya sa pakikipag buno sa apat na lalake at bumaling dito.

"Hoy kapre, tulungan mo nga ako dito!" Sigaw niya saka hinila ang isang lalakeng nakahawak sa kanang kamay niya at malakas niyang ini-head bang kaya maski siya ay nakaramdam din ng hilo at ang isa naman ay tinadyankan niya sa gitnang bahagi ng hita nito bago siya nakawala. Akmang babangon ang lalakeng may hawak na baril kanina ay mabilis din niyang sinipa ang baril nito palayo saka sinipa ang mukha bago siya tumakbo palayo habang hilahila si Giovan na nag tataka.

Tumatawang tumigil siya sa pag takbo ng makitang hindi na sila nasundan ng mga lalakeng humabol sa kanila.

"Ah"! Sabi niya na tila naka hinga ng maluwag at muling tumawa saka nilingon si Giovan na kunot noong naka tingin sa kanya ngunit pansin niya ang kakaiba sa mga tingin nito.

"Why do you know Them?" Seriousong tanong nito kaya ang mga tawa at ngiti niya ay unti unting nawala.

"Huh?" Aniya.

"I said Stop playing tikbalang! Bakit mo kilala ang mga taong iyon?" Medyo napataas na ang boses nitong tanong.

"Maka playing ka dyan." Aniya na umirap pa pero sinamaan siya nito ng tingin "Ah...ano..hahaha..ah ano nautangan ko sila ng pera kaya ayon hinahabol nila ako hindi ko pa kasi sila nababayaran kaya.....Ayon hinahabol nila ako." Paliwanag niya saka sinundan ng tawa pero hindi ito buminta kay Giovan.

"Next time be careful dahil hindi sa lahat ng oras ay ligtas ka." Saad nito saka siya tinalikuran at binuksan ang kotseng nakaparada upang pumasok ngunit bago iyon ay may pinahabol pa itong salita. "Minsan para lang silang ahas na hihintayin kang maging pabaya bago ka kakagatin."Ngumisi ito. "Stay on guard Miss."

Nanatiling naka sunod lang ang tingin niya sa kotse ng binata na papalayo na habang naka tanga siya dahil sa sinabi nito.

Bigla tuloy naguluhan ang utak niyang maliit dahil sa sinabi nito.

"Anong ahas na pinag sasabi ng unghang na kapre na iyon? Sira ulo yata iyon eh, Tangina niya. mukhang Tanga pa yata ang gago. kaylan pa ako nag mukhang guard na babae? Ang Bobo ng gago!" Nakapamaywang na sabi nito sabay iiling iling bago nag patuloy sa pag lalakad ngunit tumigil din siya saglit at nilingon ulit ang daan na tinahak ng kotse ng binata at isang demonyong ngiti ang sumilay sa labi niya kasabay ng walang buhay na mata.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon